CRUSH

2 0 0
                                    

Paghanga na sumisibol,
Tibok ng puso'y parang tambol,
Isip ko nagkabuhol-buhol,
Pag-ibig ko saiyo di itatago sa baul.


Di ka maalis sa isip kahit uminom ng alcohol,
Mauntog man sa simento at mag ka bukol,
Sa Kanal mahulog dahil sa kakahabol,
Saiyo Mahal Oras ay iaalay kahit ito'y gahol.


Sana mapansin Mo ako kahit saglit,
Ako sayo'y magpapapansin paulit-ulit,
Di ako magsasawang sa kakakulit,
Mga tawa Mo lang ako'y sulit na sulit.


Isang araw pinansin mo ako ng biglaan,
Tibok ng puso ko'y di ko naramdaman,
Paghiga ko'y panandaliang nakalimutan,
Kilig ko sayo ay di ko na kayang pigilan.


Simula noon tayo'y naging matalik na magkaibigan,
Pagmamahal ko sayo'y lumalim ng tuloyan,
Sarili ko'y pinapaasa na tayo'y may patutunguhan,
Di ko inisip na gusto mo lang ako bilang kaibigan .


Pagdaan ng araw ako ay may nabalitaan at narinig,
Balita tungkol sayo na  nakanginginig,
Ang Mundo ko'y bilang tumigil sa pag yanig,
Ikaw pala'y may kasintahan na at tunay mong iniibig.


Tumakbo ako habang umiyak ng palihim,
Sakit  ng puso ko'y ito kikimkikim,
Kabiguan ko kaylangan tangapin,
Dahil sa dulo ako ay talo parin.



Ako'y walang magagawa kung yon talaga ang nais mo,
Nasaktan man ako pero kaylangan ko tangapin Ito ,
Sakit na dulo't mo'y dapat alisin na sa puso ko,
Sa akin may nakalaan na lalaki na mas hihigit sayo.



Ginoo ako ay nagtatampo saiyo,
Akala ko'y matalik na magkaibigan tayo,
Bat di mo sinabi na ika'y may natitipo,
Di sana na saktan ang puso kung ito.



Hanggang Dito nalang itong tula na Ito,
Diman kami Ang magkasama sa dulo,
Masaya parin ako Dahil nakahanap Ako ng totoong Tao,
Na magiging kaibigan ko habang ako'y nasa Mundo.


Ang Tao hinahangaan ko ko naging kaibigan Kong totoong^_^^_^

-clarissangg^_^

TULA PARA SAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon