NAGTIWALA SA MALING TAO

8 0 0
                                    


Isa dalawa tatlo ito'y sisimulan ko,
Pighati na nadarama ko'y ibahagi ko,
malaman nyo na may mga maling tao,
Tiwala ay di Basta basta ibigay ito.


Matalik na kaibigan ko yan bat tinalo mo?,
Unang Tanong ko sa lalaking nasa harap ko,
Simula ng malaman ang kataksilan nila sa likud ko,
Walang nagawa kundi umiyak sa harap ng mga maling tao.


Ba't kaibigan ko pa ang napili mo?,
Taong lubos na pinagkakatiwalaan ko,
Taong na tinuring na parang Kapatid ko,
Tapos malaman ko ikaw ang ahas Dito.


Alam ko may pagkukulang ako sa ito Mahal ko,
Pero Tama ba na ito ang igaganti mo,
Hahanap ng kabit at ito ang kaibigan ko,
Di nyo ba naisip maging kahahantungan nito?.

Paumanhi, baka ako talaga ang sampid Dito,
Ako ang tunay na kontrabida sa istorya ninyo,
Dapat kinausap nyo ako ng masinsinan at matino,
Hindi yong malalaman ko pa sa ibang tao ang ugnayan ninyo.


Di ko naisip na kaya iyong pagkaisahan ako,
Ako naman si tanga nauto at napaniwala nyo,
Na kahit kaylan walang namamagitan sa inyo,
Kayo pala'y may ginagawa na makakasira sa ating tatlo.


Ginawa nyo akong martir at bobo ,
Ba't di ko na pansin ang closeness nyo?,
Mga ngitian, kulitan at paluan ninyo,
Yon pala'y may ibang kahulugan ito.

Hoy lalaki dapat sinabi mo,
Na nagsawa kana sa piling ko,
Hindi yong mayron pang "tayo",
Tapos mayron ding palang "kayo".


-Clarissangg^_^


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 17, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TULA PARA SAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon