Chapter#1 || Crush

18 1 0
                                    

*** See Sasa's Picture above!

Sasa's POV:

~

Napakaganda ng lugar na ito. Lahat na ata ng gusto ko andito na. Perfect music, perfect place. Maraming bulaklak, maraming balloons, at nakatayo ngayon sa harap ko ang lalaking matagal ko ng pinapangarap. Para akong nasa paraiso.

"Will you be my girl?" nagulat aka sa tanong ni Liam. And lalaking gusto ko.

"Ha?" Biglang tinambol ang dibdib ko. Kinikilig ako, wala tuloy ako masabi. Ngumiti sya muli at lumapit pa ng konti sa akin kaya lalo akong kinabahan. Oh my gosh. Eto na ba yon?

"Sabi ko Will you be ------ ang panget mo Sasa!" 

*Boooogshh*

napangiwi ako sa sakit na naramdaman ko sa aking pang-upo. Nahulog kasi ako sa kama. 

Panaginip lang pala. Bwiset na Raven yun pati ba naman sa panaginip ko sinusundan ako. Imbis na sweet dream naging night mare pa! Pero buti na lang panaginip lang pala. Grabe ang ganda na ng panaginip ko naging bangungot pa. Sira na agad ang umaga ko. And weird kasi si Liam yun pero naging si Raven. Kahit Kailan talaga ang epal nung unggoy na yon.

***

"Hahaha! Shunga shunga ka kasi loka!" sabi ni Kikay --- ang bestfriend kong bakla. Oo isa syang baklitang palaka gwapo sana neto kung naging lalaki lang, sayang din.

"Eh ang epal nya kasi Kikay, Hindi naman kasi talaga ako mataba!" Fit ako, hindi ako kalansay at hindi din ako mataba. Saktong sakto lang para sa height ko. May mga tao lang talaga na sisirain confidence mo. Bwiset na Unggoy yon.

///Flashback////

Kanina pa ako nakapila dito sa canteen ang haba kasi ng pila. Kainis! Kanina pa ako dito halos hindi na umuusad yung pila. Tinignan ko kung sino ang dahilan ng pagkaka-buro ko dito at isang panget na Unggoy lang ang nakita ko. Di na nga maganda ang gising ko kanina dahil sa pag-epal nya sa panaginip ko pati ba naman sa pagkain ko? Sya na nga ang dahilan ng pagkahulog ko mula sa kama pati ba naman sa pagpila ko ng matagal sya pa din ang dahilan. Aba gutom na ako eh.

Hindi na ako nakatiis at nilapitan ko na sya kanina pa kasi sya dun. Siguradong ang tagal tagal nya na naman pumili ng pagkain, sobrang arte kasi akala mo naman bagay sa kanya.

"Hoy!" tawag ko sa kanya.

"Hoy ikaw!" humarap sya sakin at napalingon din ang ibang nakapila at kumakain dito sa canteen. 

"Ano ba ang problema mo panget?" inirapan ko sya. Mommy! Daddy! panget daw ako! 

"Bakit ba ang tagal-tagal mo dyan?! Ang haba na ng pila dahil sayo oh!"

"Wala. Kang. Pake." poker face nyang sabi sakin.

"Meron akong pake, kami ng mga nakapila dito! kanina pa kami nakatayo dito kakaintay na matapos ka bumili!" Tumingin ako sa iba pang nakapila pero umiwas lang sila ng tingin. Di sila nakisama sa paglaban ko sa karapatan namin bilang estudyante laban sa Unggoy na to. Hindi man lang sila makatingin kay Raven dahil natatakot sila! Certified bully and heart breaker kasi yang mayabang na yan. Wala man lang makalaban sa kanya kundi ako lang. Lakas ko diba.

"Gg-gutom na ako! ang bagal bagal mo!" Medyo nauutal pa ko, nakakahiya din kasi. Tumawa lang sya at lalo pa kami pinagtinginan.

"Gutom? Ikaw? Hindi halata." nakangising sabi nya. Lumapit sya sakin at tila ba napako ako sa kinakatayuan ko. Gustuhin man tumakbo ng mga paa ko, ayaw naman gumalaw ng katawan ko. "Ang taba mo kasi." Nagpanting ang tainga ko sa aking narinig mula sa pasmado nyang bibig at naglakad na sya paalis. Aba talaga nga naman! Kita mo tong Unggoy na to. Sasabihan akong mataba tapos magwo-walk out?!

Destined Lovers Or Haters (DLOH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon