Chapter#4 || Date

7 1 0
                                    

*** Tignan ang makalaglag panty picture ni Raven sa taas!**

Sasa's POV:

Dahil sa ka-epal-an ni Raven nalate tuloy kami sa class ni Sir Panot. Galit pa nga sakin to dahil sa nangyari nung nakaraan tapos bad shot na naman kami. Kasalanan to ni Unggoy e.

Dahan dahan kami pumasok sa room ngunit napansin kami ng isa naming classmate at tinukso kami kaya lahat na ng classmate namin nakigaya na din.

"Yieeeee magkasama sila."

"Anong ginawa nyo ha, bakit na late kayo?"

"Hala Sasa, ang gulo pa ng buhok mo, ayos ba quickie nyo?"

Mga walanghiya kong block mates. isinusumpa ko kayo. Tinignan ko lang sila ng masama. Tumingin samin si Sir Panot at buti na lang pinaupo nya na lang kami at hindi nya na kami pinaginitan. Thank God.

Tinignan ko si Raven ng masama ngunit tumawa lang ang abnormal na Unggoy dahil sa mga tukso ng mga classmates namin. Tuwang tuwa pa.

Pagkatapos ng last class namin ay nilapitan ko si Kikay sa labas ng room dahil simula kanina ay nagtatampo pa din sya dahil sa pagpapaalis ko sa kanya. Kasi naman, ang bad ng attitude na ipinakita nya kay Audri.

"Kikay, Sorry na. Ikaw naman kasi eh bakit mo naman tinarayan si Audri." Pagsuyo ko sa kanya.

"Hindi ko sya gusto. At isa pa aagawin ka nya sakin. ikaw na nga lang kaibigan ko mawawala pa." Para syang maiiyak habang sinasabi yan.

"Hindi naman dahilan yon Kikay para mawalan ka ng tamang asal sa harap ni Audri, mabait naman yon eh makikilala mo din sya." Mali naman kasi talaga yung inasal nya. "Tsaka magpapasama din sana ako sayo sa Feb 14, may nagaaya sakin ng date besh. First time yon." Excited kong sinabi. Pag ganto kasing mga kalandian at kaharutan gusto gusto yon ni Kikay.

"Alam mo, kung di mo nirerespeto nararamdaman ko, bahala ka. Doon ka kay Audri magpasama." Sabi nya at umalis na. Hala, may nasabi ba akong hindi maganda? minsan talaga ang close minded din ng mga tao. Gusto ko lang naman na maging maayos yung attitude nya.

"Bessy! Sasa!" Nilapitan ako ni Audri.

"Tapos na class mo?"

"Oo, Mall tayo lets catch up!" Medyo may kakaiba sa tono ng salita ni Audri pero baka guni guni ko lang, baka dahil lang yon sa mga salita ni Kikay kanina.

"Narinig ko usapan nyo. Kung di ka nya sasamahan. Ako na lang sasama sayo."

***

Raven's POV:

Inutusan ko yung lalaki na nakasama namin sa Detention para ibigay kay Sasa yung sulat na ginawa ko.

Pero hindi para sakin ha, para yon kay Liam. Masyado syang torpe kaya kailangan ko na gumawa ng paraan para makatulong sa kanya. Ayaw din naman kasi sabihin ni Taba kung may date ba sya o wala. Edi ngayon wala sya kawala. Sasamahan ko sya para din masigurado na pupunta sya sa naset kong date sa kanila ni Liam. Kailangan din kasi ni Liam ng moral support galing sa pinakagwapo nyang kaibigan.

"Totoo ba yang sinsabi mo dre? Pumayag si Sasa na magdate kami?" Di makapaniwalang sabi ni Liam.

"Oo, pero di nya pa alam na ikaw makaka-date nya. Surprise date kumbaga." Kung alam mo lang Liam, Gusto gusto ka din ni Sasa. Pabor pa nga sa kanya yung date na yon eh.

"Blind date yon tanga."

"Ganon din yon. Basta date. Ang mahalaga masasabi mo na nararamdaman mo sa kanya. Ang bagal mo naman kasi kumilos dre. Mauunahan ka na nyan ng iba. Mauunahan na kita." Pagbiro ko sa kanya. At tumawa ako ng mahina. Pabebeng tawa amputa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 18, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Destined Lovers Or Haters (DLOH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon