*** See Raven's photo above!
Sasa's POV:
"Ano ba kasi yung gusto mong sabihin?" Pabulong pero galit kong tanong kay Raven. Naiirita na ako dahil kanina pa sya sunod ng sunod sa akin. At hanggang dito sa room ay kinukulit nya ako. Naglelesson pa naman yung prof naming panot.
"Ano kasi ... "
" Ano?!"
"Kasi ... Ahh ... Ano ..." Konti na lang masasapak ko na to, hindi nya pa kasi sabihin. Pigilan nyo ako.
"Pwede ba Raven, kanina ka pa ano ng ano! Wala naman akong maintindihan sayo! Marami pa akong gagawin, hindi mo ba nakikita nagdidiscuss si Sir. Kaya lumayas ka sa paningin ko. Utang na loob. Kung ano man yung sasabihin mo diretsuhin mo na lang kasing sabihin!" Naiirita na ako. Tinabihan nya lang pala ako para inisin.
"Ano.."
" ANO NGA KASI?" hindi ko napansin na napalakas pala ang pagsabi ko.
" Ms. Monterde!" Sigaw ni Sir Panot sa surname ko. "Is there any problem?" Patay! Ang sungit pa naman neto ni Sir. Tinignan ko ng masama si Raven.
"Nothing Sir!" Umiling-iling pa ako.
"Go, Answer number 4 on the board."
"Po?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Lagot na ako, hindi ko pa naman maintindihan yung tinuro nya kanina dahil sa pangungulit ni Unggoy. Kasalanan to ng impaktong hindi naman gwapo.
"I said answer number four!" Napatayo ako sa paglakas ng boses ni Sir. Narinig ko pa si Raven na nagpipigili ng tawa.
Walanghiya kang unggoy ka. Mautot ka sana.
Pinilit ko intindihin yung problem solving na nakasulat sa board. Narinig ko na atang humikad ang buong klase. Nagsimula na akong magpanic, Hindi ko kasi alam yung isasagot ko. Tumingin ako sa likod para tinignan si baklitang Kikay, pero ang bakla ayun at pinagtawanan pa ako.
"Ano na Ms. Monterde? Hindi mo yan masasagutan kung tititigan mo lang. The problem won't solve itself." Nanlamig na ang buong katawan ko. Ayoko na suko na ako. Lumapit ako sa table ni Sir Panot nang nakayuko. Sobra na ang pagkapahiya ko dahil sa bwiset na Unggoy na yun.
"Pahingi na lang po detention slip." Narinig ko ang malakas na tawanan ng mga kaklase ko pero nangingibabaw pa rin ang pinakamalakas na tawa ng isang impakto. Mukhang sa detention na talaga ang bagsak ko. Doon nila inilalagay ang mga estudyanteng pasaway at mga hindi nakikinig. At isa na rin ako sa kanila. Jusko.
Buti na lang hindi ko classmate si Liam, dahil kung nagkataon mas nakakahiya iyon.
"Anong nakakatawa?!" Galit na tanong ni Sir. Natigilan naman ang pagtawa ng mga classmates ko maliban sa isang unggoy na patuloy pa din sa paghagalpak ng tawa. "Mr. Velasco. Stop laughing. help Ms. Monterde, Answer number 4!"
Gusto ko matawa ngayon, pero pinipigilan ko ito. Ang bilis talaga ng karma. Tumayo sya at napakamot na lamang sa ulo nya, at lumapit dito sa table ni Sir.
"Pahingi na lang din po ng detention slip." Sabay sabay na naman napuno ng mga tawa ang room namin, kasama na don si baklitang kikay na tuwang tuwa sa mga nangyari.
***
"Ha?!" HIndi ako makapaniwala sa sinabi ni Raven. Pina-ningkitan ko sya ng mata. Andito kasi kami ngayon sa detention room dahil nga sa nangyari kanina. Tatlo lang kami ngayon dito. Kaming dalawa ni Unggoy at yung isang lalaking nakasub-sob sa desk ng upuan nya at mukhang natutulog ito. Wala naman syang pakialam sa mga nangyayari dito sa amin.
"Bakit mo naman tinatanong?" tinanong nya ako kung may date na ba daw ako sa Valentine's Day. Wala sa tipo nya yung magtatanong na lang basta ng mga ganyang bagay. May binabalak na naman kaya sakin tong impaktong to? "At bakit ka naman interesado?" Tinaasan ko sya ng kilay at tinignan nya lang ako ng masama. Ang weird nya. Hindi kaya...
BINABASA MO ANG
Destined Lovers Or Haters (DLOH)
Teen Fiction*A feel good story that will makes us all believe in Love. Do these people in this story who hates each other are Destined? Destined as lovers? Or as haters?* Raven and Vanessa are 3rd year college students. Parehas nila hindi gusto ang isa't isa, i...