Chapter#3 || True Colors

9 1 0
                                    

*** See Sasa's beautiful face on the photo above!

~

Sasa's POV:

"Baklita!"

"Kikay!"

Tawag ko kay Kikay. Pero hindi nya ako pinansin at tumalikod lang ito sa akin. Anong problema non?

"Francis!" Bigla syang tumingin sa akin. Pinanlakihan nya ako ng mata at lumapit sa akin. Sabi ko na nga ba, ayaw nya kasi na tinatawag sya sa totoong pangalan nya.

"Ikaw, Babaita! Itikom mo yang bungangers mo! mamaya may makarinig sayo. Kikay ang name ko ateng. Kikay!" Tumawa ako ng malakas. Loka talaga tong si bakla.

"Bakit ba kasi hindi mo ako pinapansin?"

"Ang sakit kasi besh.." Lumakad ako papunta sa harapan nya. Nakahawak pa sya sa bandang dib dib nya. Kumunot naman ang noo ko.

"Bakit naman masakit? May nangyari ba sayo? May sakit ka ba?" Nagaalalang tanong ko. Inirapan nya lang ako. Wirdo sya ngayon.

"Nagtanong ka pa." Panimula nya. Parang galit yung tono nya kaya kinabahan ako. " Nakakatampo ka! Pinagtaksilan nyo ako ni Fafa Raven.. Iniisip ko pa lang na magkasama kayo kahapon sa detention parang dinudurog na ang puso ko."

"Gaga!" Pinalo ko sya ng mahina sa braso. Nakahinga naman ako ng maluwag, talaga tong baklitang to. Pinakaba ako. "Kung ano anong pinagsasabi mo."

"Oy! Makahampas ka. Close ba tayo? Sus! Kunwari ka pa kinikilig ka naman kasi kayong dalawa lang don. Ayiiieee. Tanga mo na lang kung hindi ka kiligin sa gwapong nilalang na yun." Kumikislap pa ang mga mata nya habang pinagpapantasyahan si Raven.

"Hindi lang naman kaming dalawa ang na andon, at ako? kikiligin sa kanya? Ew! No, Never!" Halos patayin ko na nga sa utak ko yung Unggoy na yun.

Naalala ko na naman ang mga mainit na paghinga ni Raven sa mukha ko. Naramdaman ko ang paginit ng mga pisngi ko. Ano ba Sasa, Anong nangyayari sakin. Si Liam ang gusto ko. Oo, tama. Si Liam Del Mundo.

"Alam mo namumula ka, may something sayo eh! Kinikilig ka nga!"

Bago pa ako magdahilan kay Kikay ay napukaw na ang atensyon namin sa tumawag sa pangalan ko.

"Sasa!" Nagulat ako dahil hindi ko inaasahang andito sya. Agad syang lumapit sa akin at hindi na ako nakapagsalita pa dahil niyakap nya ako. "Kamusta ka na bessy! I missed you!" Hinawakan nya pa ako sa magkabilang balikat ko.

Ang childhood bestfriend ko, si Audri. Maganda pa rin sya tulad noong huli kaming nagkita. Straight ang itim nyang buhok bagay na bagay sa maputi nyang kutis. Ang haggard ko ngayon, kaya na-concious naman ako sa itsura ko ngayon.

***Audri's Photo above**

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***Audri's Photo above**

"Namiss din kita Dri." Niyakap ko sya pabalik. "Kikay, Si Audri nga pala bestfriend ko since nung elem pa. This is Kikay. My closest friend here." Pagpapakilala ko sa kanilang dalawa. "Hi Im Audri." Iniabot ni Audri ang kamay nya pero tinignan lang ito ni Kikay.

Destined Lovers Or Haters (DLOH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon