Chapter 3

7 1 0
                                    

Irene's POV.

"Awesome morning Mother Earth! Awesome morning everyone!"
Masaya Kung bungad sa umaga. Syempre, dapat Lang. Pampagoodvibes para sa buong maghapon. Hehe.

It's Saturday! At, dahil weekend ngayon. Kailangan ko pumasok sa trabaho ko.

Mabilis na ako naggayak, sinuot ko na din Ang uniform ko sa trabaho. Para less hassle pagdating sa Store. 😉

Dali-dali na din akong Lumabas
sa boarding house at nilock ko ito.
Pumunta na muna ako sa karenderya sa tapat ng boarding house ko, Kung saan ako lagi kumakain upang mag-agahan.

*Mahirap ang walang laman Ang tiyan, na magtatrabaho. Lalo na't weekend ngayon, sasabak sa peak na duty. Hayst.*

"Oh. Irene! Halina't kumain kana, may Tapsilog ako ngayon on Yung dati na kinakain mo?"

Si Aling Nena pala, sa 4 na buwan Kung nanatili sa Manila, siya Ang parang nagsilbing nanaynayan ko. Alam na Alam Niya Kung ano mga paborito Kung ulam, at madalas na kainin sa Karenderya Niya.

"Awesome morning Aling Nena."
Tugon ko naman sa masayang tono.

"Syempre, Yung Bago po. Para naman po Hindi ako magsawa sa luto niyo." Dagdag ko na may halong pambobola.

"Ikaw talagang bata ka oh. Oh. Siya sige, umupo kana diyan at ipaghahain na Kita ng agahan mo." Ika Niya, at nagsandok na nga siya.

"Thank you po."

Ilang minuto Lang ay tapos na ako sa pagkain ko.

"Aling Nena, alis na po ako. Salamat po sa napakasarap niyong luto ngayong umaga, pakilista na Lang po ulit Yung utang ko. Dibale po, malapit na po ako sasahod."

"Ikaw talagang bata ka. Wala Yun, o siya sige magtungo kana sa trabaho mo."

"Sige po nay."
At sumeniyas ako na Waring nagpapaalam ng may kasamang ngiti.

Nag-aabang na ako ngayon ng Jeep, papunta sa trabaho ko. At dahil nga sabado ngayon, punuan Ang lahat ng mga Jeep. Tapos traffic pa.

*Ano pa bang aasahan mo. Nasa kamaynilaan ka Irene eh. Di kapa nasanay.*

"Visayas Ave. Kayo diyan. Oh. Isa na Lang aalis na."

Oh! Yes. Buti na Lang, meron pa, dali-dali akong sumakay sa Jeep na kararating Lang sa harapan ko ngayon.

"Oh. Umusog pa kayo riyan, dito sa kaliwa neng."

Agad naman akong umupo sa sinasabi ni Manong.

Oooops. Not now.

Paano ba naman Kasi, kalahati Lang ng pwet ko Ang kayang umupo, Kaya heto. Super ngalay na ako. Nah. Bakit ba Kasi Kung kailan gusto mo mapabilis Ang lahat, Hindi umaayon sayo. Nah.

Para tuloy akong kawawa sa pagpipilit na makaupo dahil sa posisyon ko ngayon.

*After 10 mins.*

Makapagbayad na nga Lang. Total, malapit naman na ako bababa.

Kinuha ko Ang Pera ko sa bulsa ng pantaloon ko, at dali-daling binigay Kay Manong.

"Manong bayad ko ho."

"Neng, bakit limang piso Lang Ang bayad mo?"

"Eh. Manong, kalahati Lang po Kasi ng pwet ko Ang kayang umupo oh. Edi kalahati Lang din po bayad ko, alangan naman pong buo, lugi na din po ako nun."

Bigla na Lang napkamot si Manong driver at Hindi nakatanggi.

*Haha. Mautak ka talaga Irene.*

Pagkatingin ko naman sa mga Pasahero na nakasabayan ko, ayun. Makikita mo sa mga Ekspresyon ng mga mukha nila na naweweirduhan sila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 17, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

According To The Sign.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon