stubborn ♡ seventeen

142 6 1
                                    

♡♡♡

Tumabi sa akin si Junhui at sinabi sa akin ng mga mata niya na siya na ang bahala sa sitwasyon kaya naman kahit kinakabahan ako ay ipinagkatiwala ko sa kanya yun.

Hindi ako makapagsalita, pero nandito ako at pinapanood ko nalang sila.

Matalim ang tinginan nila at kinakabahan ako para kay Junhui dahil baka mamaya ay ano pa ang mangyari. Baka mamaya ay madawit pa siya sa away namin ni Seongwoo.

You see, Seongwoo and I used to date. Napakabait niya sa akin nun at pati sina mama at papa pati na rin si Kuya ay boto sa kanya. Kaso nga lang, one month matapos na maging kami ay nagbago siya. We barely see each other at pinagtataksilan niya pa ako sa girl bestfriend niya na lumitaw na girlfriend na din pala niya ng patago. Ilang beses ko na siyang pinagbigyan tungkol dyan, pero hinayaan ko nalang siya at tinanggap ko pa din dahil mahal ko pa din, e.

Nang magbreak sila dahil nagpunta na sa ibang bansa yung babae, nag umpisa naman siya na bumalik sa akin, na sabihin na nagsisisi na siya at hindi niya intensyon na ipagpalit ako. Oo, mahal ko pa siya nun, kaya lang ay hindi na ako sigurado ngayon.

Hanggang sa mapansin ko si Joshua na laging kasama ni kuya, then unti unti ko siyang nagustuhan. Pero hindi nagtapos dun yun dahil hindi sumusuko si Seongwoo. Madalas ay dinadamay niya pa yung mga kaibigan niya para lang mapalayo sa akin ang ilang mga lalaki na kumakausap lang sakin. Kadalasan ay pinapabugbog niya sa mga kaibigan niya yung lalaki o kaya naman ay siya mismo ang bubugbog.

Hindi ako mapakali thinking na baka mamaya ay pati si Junhui mangyari sa kanya yun. Kaibigan ko lang naman si Junhui, kaya ayaw ko na isipin ni Seongwoo ay iba dun.

"What do you think you're doing, sitting next to my girlfriend, Junhui Wen?" Tanong ni Seongwoo, at narinig ko naman ang naaasar na tawa ni Junhui.

Nanginginig na ako sa takot para sa kanya pero kalmado lang siya dito?

"Oh, really? Girlfriend mo si Chanel? Kasi last time I checked, matagal na siyang nakipagbreak sayo at ako yung totoong boyfriend niya as of now. Sod off, Seongwoo," sabi ni Junhui, at nagulat naman ako sa sinabi niya.

I hit his knee with mine, pero napatingin lang siya sa akin at nginitian ako kahit na inis na inis na ako. Ayaw kong madamay ka!

Mukha namang napahiya si Seongwoo at tumayo pa, the same way na tumayo si Junhui para harapin siya. Hinawakan ko naman agad ang kamay ni Jun para tumigil na siya, hindi inaasahan na mapapatingin dun si Seongwoo.

"This is not over, Junhui. I'm taking her away from you."

stubborn ♡ joshua hongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon