stubborn ♡ twenty three

135 5 7
                                    

JEONGHAN YOON
active now •

jeonghan
chanel

jeonghan
reply bilis

chanel
bakit ba kuya?
ano bang problema?
mabuti kaibigan
mo pa yung hong?

jeonghan
pakinggan mo muna
kasi siya, chanel.

jeonghan
iunblock mo siya. isa.

chanel
bakit ba?! bakit
pinagtatanggol mo
siya e pinaglaruan lang
naman niya tayo nila
cheol oppa?

jeonghan
jan ka nagkakamali
chanel. matuto ka
munang makinig ng
explanation ng mga
tao.

jeonghan
bahala ka, ikaw din
yung magsisisi sa dulo.

chanel
puta, guilt trip pa.
jan ka magaling.

jeonghan
seryoso ako.
sige na.
seen.

♡♡♡

Bakit ko pa siya papakinggan? Nasaktan na ako, andun na e. May pastubborn stubborn pa siya, may pagalit galit pa siya, pinahirapan lang niya kaming dalawa! Ayos naman pala sana, kaso siya yung may problema.

Pero bakit ako naguiguilty? Bakit kaya pa siyang maging kaibigan nina Kuya, e mas malala naman yung ginawa niya kina kuya kumpara sa akin?

Ibig sabihin ba nun...?

Hindi. Wag ka nang magpalinlang, Chanel. Sawang sawa ka na dyan, e.

"Talk to him. Tanungin mo yung side niya." Biglang salita ng tao na nasa likod ko, kaya naman napalingon ako dun.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Seongwoo, smiling softly at me.

Teka nga, bakit ganito yung sinasabi ng gagong to? Hindi ba dapat sinisiraan niya si Joshua sa akin? Bakit niya pinagtatanggol? Bakit niya sinasabi sa akin na pakinggan ko?

Umupo naman si Seongwoo sa upuan na nasa harapan ko dito sa cafe, at hinayaan ko siya dahil curious na curious ang gaga sa mga pwedeng malaman sa impaktong to.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko, at nagchuckle naman siya saka umiling.

"Kausapin mo si Hong, kako. Linawin mo. Nang magkaayos kayo. Mahal mo, diba? Ganun ba kadaling mawala yun? Ang pagmamahal, hindi nawawala. Nagfafade lang pero nandyan pa din yan. Bihira makahanap ng tulad ni Hong. Kaya ayusin niyo," sabi niya, at saka ginulo ang buhok ko matapos na tumayo.

Naglalakad na siya palayo nang sigawan ko siya para pigilan.

"Ong!" Tawag ko, at tumigil naman siya.

"Hmm?" Tanong niya, at kumunot ang noo ko.

Bakit ang aliwalas niya ngayon?

"Bakit mo ako tinutulak sa kanya? Bakit mo ginagawa to para sa kanya?" Tanong ko, at ngumiti naman siya sa akin.

May nangyari kaya sa kanya o may narealize din siya nung araw na yun?

"Isa lang masasagot ko para dyan, Chanel. You only know you love her when you let her go. Oo, mahal pa kita. Ang hayop ko nung pinagpalit kita, kaya naman sising sisi ako dun. Halos pumatay pa ako mabalik ka lang sakin. Pero napag isip isip ko nung araw na nagbugbugan kami nila Junhui, bakit ko pa ginagawa to kung ikaw naman pala yung masasakal at hindi ako? Hindi ka rin sasaya sakin, ako lang ang sasaya. Pero hindi ko alam kung sasaya din ako kung hindi ka naman masaya sa akin. Kaya ayun. Sige, kahit masakit, ako nalang maglelet go. Ako nalang yung gagawa ng paraan para sumaya la uli," sabi niya, at binigyan ako ng ngiti.

Naramdaman ko naman na tumulo ang mga luha ko, kaya napakagat ako sa pang ibabang labi ko.

Bakit, bakit, bakit?

Bakit parang gusto ko nang marinig yung paliwanag ni Joshua?

Nginitian niya akong muli bago nagpaalam, kaya naman natigilan ako.

Ano bang mawawala sa akin kung pakinggan ko siya?

stubborn ♡ joshua hongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon