[PHOTOSHOOT]
“Ilugay mo ang buhok mo Mia.” Tapos ginawa ko yung inutos sa’kin.
“Jam, i-expose mo yung cone.” Tapos nagtake ng shot. “That’s good.”
“Lick the ice cream.”
“Okay! That’s a good shot.”
“Be playful. It’s an ice cream endorsement.”
Nagtake pa ng ilang mga pictures na may iba’t ibang pose.
“Okay! That’s a wrap everyone.” Naghiwalay naman kami ni Jam.
Si Jam ang isa sa mga co-models ko. Babae siya okay? Close naman kami pero di as in close na close.
Chineck ko yung phone ko kung saka-sakaling may nagtext.
Wala naman palang mensahe. Emails lang mula sa mga accounts ko.
Binasa ko yung mga emails at nagreply na rin sa iba.
May isang email dun na may papalit daw sa head photographer ng company. Kaya tinanong ko si Jam.
“Alam mo na yung tungkol sa bagong photographer?” tanong ko.
“Ah, yes. Nakareceive ako ng mail. Ikaw rin?”
“Oo eh. Magaling kaya siya?” tapos nag-isip isip kunyari ako.
“Hahaha! Sira ka talaga. Siyempre magaling yun, kaya nga magiging head kaagad dito eh. Pero nakaka-turn off kung kamukha niya si Digdig. Shhh. Hahaha!” Hahahahahaha! Digdig. Siya yung PA nung isa sa nga photographer namin. Hindi naman sa nagdedescriminate ako, pero kamukha niya si Sid ng Ice Age. Kayo na ang bahalang mag-imagine.
“Uyyy! Grabe ka ah. Sana kasing gwapo nung last-last head photoghraper natin ano? Si Zyron. Yiee.”
“True! Mas nakaka-inspire mag pose at mag project. Hahaha!”
“Hahaha. Tanungin kaya natin si Roy kung ano ang pangalan niya.” Sabi ko.
Kaya sabay kami ni Jam sa pagpunta sa opisina ni Roy. Yung head photographer namin.
“ROOOOY!” Sigaw ni Jam sa labas ng office niya.
“Oh?”
“Anong pangalan ng new head?”
“Pangalan? Dwight.” Sabi niya habang nage-edit ng photos.
“Dwight? Ang hot ng pangalan Roy ah. Single?” Hay jusme Jam, pati head photographer pinapagdiskitahan.
“Single naman ang status niya sa resume. Hahaha. Oy Jam, ang kire mo.” Yiee! Hahaha. Kinikilig ako sa dalawang ‘to.
“Nagsasabi lang naman ako ng totoo ah.” Lumapit naman si Jam kay Roy, “Pero hindi kita ipagpapalit ano. Oy ikaw Mia, sa’yo nalang yung bagong head.”
“Uy Jam, wag mo nga akong ibubugaw.” Tapos sinuot ko yung coat ko.
“Hahaha. Oras na para maghanap ka ng iba no.”
“Hahaha! Ewan ko sa’yo. Sige na, aalis na ako.” Hinawakan ko yung handle ng door, “Bye Jam. Bye Roy.” Tapos lumabas na nga ako ng studio.
Kailan kaya darating yung bagong photographer?
BINABASA MO ANG
That Tutor
Teen Fiction[Ongoing Series] Disregard the title. Please don't expect a lot with this story. I'm really not good in making something like this but I'm trying, -Shennyorita