Miggy's POV
"Brader, ang ganda nya talaga! Hindi ako maka-get over!" Pang walong ulit na sabi ni Tristan.
Kanina pa nya sinasabing ang ganda nang babaeng nakita nya kaninang umaga. Pag dating nya pa lang dito sa condo ni Noah, ayun na ang bungad nya psh. Puro babae nasa isip. Wala kami sa mood mag pakita sa ibang tao kaya stay kami dito sa unit ni Noah.
"Mga ilang beses mong uulitin Tan? Ang hina mo din kasi! Hindi mo man lang nalaman pangalan ng chix na yun? Akala ko pa naman, ikaw ang dakilang babaero! Tsk tsk." Pang aasar ni Max.
"Pano ko nga kasi malalaman, eh mas siga pa sa akin! Ang liit liit pero ang angas!"
"Wala, ang sabihin mo mahina ka talaga! Hahaha!"
"Hoy, Max! Makikita ko ulit sya at sisiguraduhin kong mahuhulog sya sa akin!"
"Hahaha sige pustahan oh! Kapag hindi sya nahulog sayo, bibigyan mo ako ng Sports Car! Porsche 718 Boxster! At kapag nahulog naman sya sayo, bibigyan kitang bente! Oh, ano? Deal?"
"Tang inang Max to, ano ako gago? Bente? Iyo na yan, bigyan pa kita!"
"Sige, akin na! Sayang yan."
"Siraulo ka talaga, walang patawad. Syempre same din ang prize! Ano deal?!"
"DEAL!"
Habang nag aasaran sila at nag pupustahan sa walang kwentang bagay.. Hindi ko pa din malimutan ang nangyari kanina..
Natapilok ba naman ako? Aish! Nakakahiya! Walangya, paano nalang kung may naka-kita?! Fuck.
Tapos sumabay pa yung matandang siraulo. Tsk.
Babae? Wala akong panahong makipag lokohan! Never pa akong nagkagusto sa isang babae. Fling? Yes. Pero yung seryoso? Wala ng seryoso sa panahon ngayon. But I admit, minsan naiisip ko din kung ano bang feeling ng magmahal at mahalin. Pumapasok din naman sa isip ko kung ano ang pakiramdam ng may kayakap, may kahawak ang kamay at may pinag bubuhusan ng atensyon. Sabi nila masarap daw sa pakiramdam, masaya at priceless. Shit, ano ba tong iniisip ko?! Ang bakla!
"Tulala lang saking kwartooo at nag mumuni muniii"
The fuck! Bigla ko nalang narinig ang napaka-pangit na boses ni Tristan. Tsk.
"What?!"
"Kanina ka pa kasi tulala dyan hehe" Nag peace sign sya. Yuck? Hindi cute tignan. Tch.
"Oh, ano naman kung tulala ako?!"
"Sorry na po, boss! Jukjuk lang naman ihhh. High blood ka na naman. Hehe." Nag peace sign uli sya. Naririnig ko ang tawa ni Max.
"Tch. Nasaan ba si Noah?"
"Hindi ko nga alam kung nasaan ang batang yun. Condo nya to, pero sya ang wala dito." Sabi ni Max sabay higa sa sofa ni Noah.
Madalas kaming matulog dito sa unit ni Noah. May mga gamit na din kami dito if ever na biglaang magkayayaang uminom at dito na matulog. May three rooms dito, isa para kay Noah, syempre. Isa sakin, kasi ayoko ng may kasama sa kwarto at yung isang room share si Max at Tristan, may dalawang bed sa loob.
"Pagod na ako, dito na ako matutulog." Hindi ko alam kung bakit feeling ko antok na antok ako ngayon.
"Hindi ka na mag didinner? Magpapadeliver pa naman si Max ng pizza, chicken at beer." Tanong ni Tristan.
BINABASA MO ANG
Figments of You
FantasyLeandro Miguel Montenegro is a rebel known for being a jerk, arrogant, and self-centered. He doesn't care about anyone else, but when he started seeing a girl in his dreams, his world stumbled upside-down. His newfound emotion led him to somewhere...