Miggy's POV
It's been three days.
School, bahay at minsan WUB lang ang ganap ko. Na bo-bother pa din ako. I can still remember my mom's face. She was so mad. Hindi ko na din sya nakita after that incident.
Well, I don't regret saying those words to my father. He deserves that. What I'm worrying about is I hurt my mom. She's the only person that's important for me and I promise myself, I will never hurt her like my father did. But I guess, nakalimutan ko na yung pangakong yun. As years goes by, this evil inside me is taking me over.
Sa ganitong sitwasyon, isa lang ang nakakausap ko ng matino. Kinuha ko yung phone ko and dialed his number.
"Noah, where are you?"
"WUB"
"Okay, I'm on my way."
*call ended*
Parang gusto kong bawiin yung sinabi kong matino? Ang tipid magsalita! Tch.
WUB
Pagka-pasok ko palang ng bar may babae ng kumapit sa braso ko.
"Miggy, do you want to dance?" Pacute nyang sabi. Tch.
"Fuck! Miggy? Do I know you? Tch. Tabi!" Inalis ko ang pagkapit nya sa braso ko at tinulak sya. Napaupo naman sya sa sahig na parang paiyak na. Tch. Serves her right.
Nasan na ba yung Noah na yun?
"Would you like some drink, sir?" Pag angat ng ulo ko si Noah pala.
"Ginagawa mo dyan?" Wala na naman syang magawa sa buhay.
"Try. What do you want?"
"Jack and Coke." Ginawa naman nya agad yung drink at tumabi sakin.
"What happened?" bago pa ako magsalita may kasunod na agad syang sinabi.
"Let me guess, kinausap ka ng mommy mo regarding sa Daddy mo na may sakit at naki-usap sayo na puntahan mo sya pero ayaw mo kaya nag away kayo at nagalit ang mommy mo sayo."
Wow.
"Am I right?"
Ang haba ng sinabi nya!
"Ikaw ba yan, Noah?" Shit hindi ata sya to.
Tinignan nya lang ako with no expression at all. Sya nga to. Tsk.
"Teka, paano mo naman nalaman?" Ngayon lang nag sink in sa isip ko yung content ng sinabi nya. Gulat pa din ako.
"You should see him." Nakatingin lang sya sa drink nya.
"Alam mo naman ang ginawa ng gagong yun at ng pamilya nya sakin diba?" Kinuyom ko ang kamay ko sa galit.
"I know. But you have to." Hindi ko mabasa ang expression nya. Blanko.
"Why?" Ano naman magandang maidudulot ng pag punta ko sa taong yun?
"Something is going to happen." Ang.. weird?
"Ano naman ang mangyayari?"
"You'll see." What does he mean? Fuck it.
"I'll think about it. For now, babalik muna ako sa bahay. Baka umuwi na si Mommy."
Tumayo na ako, at wala pa din syang reaction or what. Hindi man lang sya mag go-goodbye sa kaibigan nyang pogi? Tch.
Third Person's POV
Umalis si Miguel ng bar na puno ng pagtataka. Iniisip din nya kung paano sya mapapatawad ng Ina. Dagdag sa kanyang mga iniisip ang mga sinabi sakanya ni Noah at kung pano ito magsalita.
Sa loob ng bar..
Pagka-alis ni Miguel, bigla na lang nahimatay si Noah.
"Sir, okay lang ho kayo?" Tanong ng barista sakanya. Inalalayan nya ito para makaupo ng maayos.
"Anong nangyari?" Pagtanong nya sa barista.
Hindi pa man din nakaka-sagot ang barista, may kasunod na itong katanungan.
"Pano ako napunta dito?" Nabigla ang barista. Tinignan nito kung nainom ba ng binata ang alak na nasa tabi nito. Pero hinid, at wala pa itong bawas.
"Sir, kanina pa po kayo nandito. Okay naman po kayo kanina. Kausap nyo din po si Sir Miguel." Pagpapaliwanag nito.
"Miggy?" Ayun lang ang nasabi nito sa pagkagulat. Ang alam nya ay nagbabasa lang sya ng libro sa condo nito kanina.
"Opo, Sir."
"Thank you."
Tumayo na ito at umalis sa lugar. Hindi nya lubos maisip kung ano ang nangyari. At kahit na anong gawin nya, tila wala itong maalala sa mga nangyari at pinag-usapan ng kaibigan nitong si Miguel.
"I need to know what happened." Bulong nito sa sarili.
BINABASA MO ANG
Figments of You
FantasíaLeandro Miguel Montenegro is a rebel known for being a jerk, arrogant, and self-centered. He doesn't care about anyone else, but when he started seeing a girl in his dreams, his world stumbled upside-down. His newfound emotion led him to somewhere...