Chapter 7

23 7 0
                                    

Miggy's POV



"Hoy, babae!"




Anong ginagawa nitong babaeng 'to sa puno? Ano na naman trip nya?




Lumingot ito at ang sama ng tingin sa'kin. Hahaha!





"Sinabi ng may pangalan ako at hindi babae yun!"




Hahahaha! Maaaksidente pa 'to sa mga kalokohan nya eh!






"Anong trip mo dyan ha? Naloloka ka na naman!"





"Hoy, lalaking suplado! Una sa lahat, wala ka ding paki! pangalawa, hindi ako naloloka! Pangatlo, anong ginagawa mo na naman dito? Patay ka na ba?"




Anong patay sinasabi nitong babaeng 'to? Hays. Maganda sana talaga, lukring lang talaga.




"Anong patay ka dyan ha? Kitang kita mo naman na buhay ako!"





"Eh? Anong ginagawa mo dito? Bakit nandito ka? Ha?" Sunod sunod nyang tanong. Bumaba ito para lapitan ako.




"Aba, malay ko! Bigla na lang ako napunta dito. Hindi ko nga alam kung anong lugar to! Tch."





Nagtataka pa din yung expression ng mukha nya. Hindi agad ito nag salita, parang ang dami nyang iniisip. Nakahawak pa ito sa baba. Bigla itong bumulong pero hindi ko naintindihan kasi mahina. Pabulong bulong pa ang loka.






"Hmm... Ngayon lang nangyari to." Bulong nito.





"Ano 'yon?!"







"Wala! Chismosong 'to! Hmp."






Gusto kong matawa kasi ang trying hard nya magsungit, ginagaya nya ako.






Wait. Fuck! Naalala ko bigla yung nangyari last time. Yung batang tumagos sakanya. Namalik mata lang ba ako? Kailangan ko makita uli kung totoo ba yun. Pero hindi nya alam na nakita ko yun, so hindi ko pwede sabihin sakanya. Pagmamasdan ko lang sya.





"Anong ginagawa mo dito?" Out of nowhere lumabas sa bibig ko.





"Matagal na akong nandito. Ikaw ang anong ginagawa dito?" Nakasimangot pa din sya hahaha!






Pero, anong ibig sabihin nyang matagal na sya dito?






"Hindi ko alam. Basta pag gising ko, nandito na ako." Nasan nga ba ako?









"To be honest... Hindi ko din alam kung nasaan tayo."








Bigla syang nalungkot sa sinabi nya. Ano bang ibig nyang sabihin? Naguguluhan na talaga ako!








"Gaano ka na katagal dito?" Sobrang curious na talaga ako.








"Gaano na ako katagal dito...."








Humawak sya sa baba nya at nag isip. Shit, bakit sobrang ganda nya? Mukha syang anghel. Kainis!








"Gaano na nga ba katagal? Months? Years? Hindi ko na nabilang. Wala naman kasing orasan o hindi kaya kalendaryo dito haha!"






Tumawa sya pero, yung may lungkot na kasama? 






"Oo, sobrang ganda dito, sobrang peaceful ng paligid, sariwa ang hangin, walang gulo at walang masamang tao pero aanhin ko ang ganda dito kung mag isa lang ako? At higit sa lahat hindi ko kasama ang pamilya ko? Sobrang lungkot, sobra sobra. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang maiyak. Kasi gustong gusto ko ng ilabas itong kalungkutang nararamdaman ko."








For the first time in my life, ngayon lang ako nakinig at nakipag-usap sa taong hindi ko kilala. Sino ba 'tong babaeng to? Bakit habang nakikinig ako sakanya, may kirot akong  nararamdaman sa dibdib ko? Ngayon lang ako nagka-interes sa buhay ng iba. Pero hindi ko pa din maintindihan kung anong nangyayari. 








"May I know what happened to you? Bakit ka nandito? Anong dahilan?"






"Siguro kasi... Ang kulit kulit ko kaya ako pinarusahan ng ganito. Haha! Joke lang hehehe." Nag peace sign pa sya. Ang lungkot na nya pero nagagawa nya pa ding magbiro.




"Ang naalala ko lang, pagka-gising ko noon, nandito na ako. Akala ko nga panaginip lang? Hindi ko naman akalaing dito na pala ako forever haha!"




Hindi kaya?






"Alam ko na yang iniisip mo..."






"Ha?" Pagtataka ko.






"Naisip mo na baka patay na ako no? Haha!"






Aba! Mind reader din pala itong babaeng 'to?





"Actually, yes." Pag-amin ko.






"Naisip ko na din yan... Baka nga patay na ako... Pero wala eh, baka hanggang doon nalang talaga ang buhay ko. Ang pinagtataka ko, ikaw. Anong ginagawa mo dito? Ngayon lang nangyari to. Ngayon lang may taong nakaka-kita sa akin. Kasi nakikita mo sila? Yang mga batang naglalaro? Hindi nila ako nakikita. Pero ikaw? Teka, patay ka na ba?!"






PATAY? Nasamid ako sa mga sinabi nya! Buhay na buhay ako, no!






"Of course not! Anong patay? Okay ako! Buhay na buhay!" Nakagugulat mga sinasabi nitong babaeng to!






"Hehehehe sorry naman! Napansin ko din na bigla ka na lang sumusulpot at nawawala. Kasi ako, nandito lang talaga ako sa lugar na 'to..."




Ano kayang nangyari sakanya? Bakit gustong gusto ko syang tulungan maka-alis dito?






"Hoy babae." Pag-tawag ko sakanya.






"Hindi ka din makulit e, no? Sinabi ng may panga-"






"Anong pangalan mo?" Nginitian ko sya. Yung totoong ngiti. 






"Ha?"






Nakita ko syang namula. Hahaha! Sobrang ganda nya, shit! Bigla nyang nilipat ang tingin nya sa iba. Nahiya sya. Hahaha! 






Ano, Miggy? Paulit-ulit ka ng nagagandahan sakanya! Urg!








"Dorothea."  Tumingin uli sya sa akin ng naka-ngiti. Ang ganda ng pangalan nya. Bagay na bagay sakanya.








"Thea for short hehe"














"Miguel. Miggy na lang." Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangiti. Hindi ko din alam kung bakit.












Inabot ko ang kamay ko sakanya para makipag-shake hands.










"Nice to meet you, Thea."












"Nice to meet you too, Miggy."










At inabot nya din ang kamay nya sa akin.


























*BOGSH* 












"Oh Shit! Tang ina ang sakit!"














Nalaglag lang naman ako sa kama at tumama yung ulo ko sa sahig.




































WHAT.THE.FUCK. 














Bumangon ako sa mula sa pagkalaglag ko at ginulo ang buhok ko.






















"FUCKING SHITTTTTTTTTTTTTT!!!"

Figments of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon