IP2

27.9K 910 73
                                    

Chapter 2

"Where is mother?" tanong agad niya sa kapatid na si Angela pagkapasok pa lang niya sa bahay nila.

"I.. I'm here hija."

Agad siya lumingon sa nagsalita. There she saw her mom, nakayuko at nakahalukipkip at hindi halos makatingin sa kanya. Paawa-epek agad ang nanay niya, alam kasing nitong may kasalanan ito sa kanya.

"G-Gusto mo raw akong makausap, anak?"

"Oho." Seryoso niyang sagot.

Nagtaas ito ng mukha at lumapit. "A-anak, patawarin mo na ako. Please, I'm really sorry kung naipangtalo ko sa madjong yung pangbayad sana ng i-ilaw natin. Sorry anak, please, sorry na. Patawarin mo na si Mama, please?" Nagmamakaawa agad itong nakikiusap sa kanya.

She raised her eyebrow and shrugged. "May magagawa ba ako at maibabalik ba ang perang yun kung hindi kita patatawarin?" Napayuko ito. "Pero, Ma naman, hirap na hirap na nga tayo sa buhay natin ngayon eh. please naman huwag ka nang dumagdag, Ma. I don't know what to do this time. Itong bahay natin. Maiilit na ito sa susunod na buwan. I don't know where to run para makautang ng malaking halaga. Wala nang magpapautang sa atin. Sobrang baon tayo ngayon, Ma. So please, huwag kang pasaway." She seriously stated her problem.

Nakayuko pa rin ito. "Sorry anak. Hindi ka sana mahihirapan ngayon kung hindi ko naipatalo sa sugal yung titulo ng bahay at lupa nating ito. Sorry talaga anak. Ipakulong mo na lang ako para hindi mo na ako sakit sa ulo." Sabi nito.

"Ma..." Angela hug their mom.

Hindi niya alam kung maiinis, matatawa o maaawa siya sa nanay niya nang sabihin nito iyon. Para kasing ginagawa lang nitong biro ang lahat. Knowing her mom, bentang benta ang pagpapatawa nito, but that time, not!

Napapailing na lang siya sa mga ito. "Talaga, gusto mo makulong, Ma? Gusto mo ipakulong kita?" She seriously asked her mother.

"Kung 'yon ang gusto mo anak. Magpapakulong ako." Seryoso nitong sagot sa kanya. "Pero alam ko, hindi mo naman ako matitiis eh." Dagdag pa nito.

"Ate naman, patawarin mo na si Mama, please?"

There she smile a bit and shook her head. "Diyan tayo Ma, eh. Ang lakas ng loob mo na magpapakulong ka, pero alam mo namang hindi kita matitiis."

Ngumiti ito ng bahagya at tuluyan ng napaluha. "K-kaya mo siguro ako ipakulong eh."

Kumunot ang noo niya at ibinuka ang mga bisig. "Halinga kayo dito." Lumapit naman ang mga ito sa kanya at yumakap. "Syempre hindi... Siguro kahit ulit-ulitin mong magpasaway sa akin ngayon, hinding hindi ko pa rin kayang magalit sa'yo. Kahit pasaway ka ay mahal na mahal pa rin kita, kayo ni Angela." Roxy said. "Ibinilin ka kaya sa akin ni Papa. So you stop crying now pati ikaw bunso. I don't want to see the two of you crying. Ayokong umiyak, okay? Huwag kayong manghawa." Roxy almost want to cry, pero pinigilan niya ang kanyang mga luha. Gusto kasi niyang makita ng mga ito na matatag siya.

Tumango ang dalawa. "Salamat, anak. I love you too. Sorry na huh? Hindi na uulitin ni Mama, hindi na ako magpapasaway sa'yo. Promise 'yan anak ko." Sabi nito na mahigpit siyang niyakap at dinampian ng halik sa kanyang pisngi.

"Thanks for taking care of us Ate. Promise rin, magpapakabait ako at magaaral ako ng mabuti para makatulong na rin ako sa'yo. Pati na sa panggastos natin sa pangaraw-araw."

Malditah Series 2: Indecent Proposal (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon