Prologue

32 1 0
                                    



"Sigurado ka bang magiging ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni sister Marie.

"Hindi ko din po alam pero sasabihan ko po kayo kung ano man pong mangyari sakin doon"

Bakas sa mukha ni sister ang pag-alala dahil sa loob ng labing walong taon na pamamalagi ko ay aalis ako upang hanapin ang swerte ko sa Maynila.

She hugged and waved me good bye kasama ang mga bata at iba pang mga madre sa ampunan.

Sa mataas na parte ng bahay ay may mga matang nagmamasid sakin mula sa bintana. Iritable nya akong tinignan bago tumalikod at pumasok na sa loob.

Mahirap para sakin para piliin ang ganitong desisyon pero para na rin sa aking sarili ay gagawin ko ito. Wala man kasiguraduhan, nagbabaka sakali pa ding mayroon pang swerte sa mundong ito para sakin.

Madaling araw nang tumulak ang bus na aking sinasakyan. Sinabi ko sa kondoktor ang lugar kung saan ako bababa at nagbayad ng tamang pera para dito.

Unang beses ko man luluwas papuntang Maynila ay alam ko naman ang mga lugar doon base sa mga nababasa ko. Mahigit apat na oras ang byahe mula sa bayan namin hanggang Maynila kaya naman may oras pa ako para makabawi ng tulog.

Loud noises from the passengers and vendors consume my ears before I drifted to sleep along the way.

Malakas na mga busina ang gumising sakin. Billboards, tall buildings and pollution; Maynila. A smile crept on my face as I survey the new sights from the window. Pinaghalong nerbyos at pagkagalak ang naramdaman ko nang mapagtantong wala na ako sa dati kong bayan.

As the bus landed on its designated terminal I move myself and check my things before I go. Sabi sa mga balita ay talamak dito ang mga nakawan at hold-up. Minabuti ko na ilagay sa harap ang bag ko at bitbit sa kamay ang ilan para hindi ako manakawan kung sakali man.

I check my phone to see the address of the house I'll be staying here. Bago ako tumulak papuntang Maynila ay nangalap na ako ng pwede kong tuluyan para pagdating ko ay sigurado nang may matutuluyan ako.

Isang 'di gaanong kataasang gusali ang bumungad sakin. Hindi man ito kagandahan pero malinis naman ito. Nagbibitak na din ang pintura at may iilang nakasampay na mga damit sa bintana ng ilang palapag. May naririnig pa akong mga batang naglalaro na naghahabulan sa loob.

I rang the doorbell at lumabas doon ang isang ginang na may katandaan na din. Nakasuot ito ng kulay lilang bestida at nakapusod ang mahabang buhok na may iilang puti na.

"Anong sadya nila?" Tanong nito habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.

"Kayo po ba si aling Soling? Ako po yung nagcontact sainyo nung nakaraang araw para po tumuloy sa bakante nyong apartment" ngumiti ako at pinakita ang ID ko sakaniya.

"Antheia Leano? Tuloy ka, hija. Ipapakita ko sayo ang pwesto mo"

I scan the whole room and satisfied on the looks of it. Maggagabi na at nakatapos na ako mag-ayos ng mga gamit ko sa loob ng apartment. Hindi ito gaanong kalakihan at tamang tama lang para sakin lalo't mag-isa lang naman akong titira.

Pagpasok ng pinto ay sala at kusina na agad. May maliit na kwarto at banyo din. Maalikabok pa ang ilang bahagi kaya kailangan na matutukang linisin.

I check my phone to call sister Marie para sabihing maayos akong nakalapag. It was a brief call dahil pagod sa byahe at gutom pero di nawala sa tawag ang kanyang mga bilin at pangaral. Wala akong mga gamit sa bahay kaya naman napagdesisyunan kong sa karinderya nalang kumain pansamantala at swerte dahil mayroon lang nito sa malapit.

Mirror HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon