Chapter 4

11 0 0
                                    

Address

"Lady Ocean, Ms. Eia is here."

Bumukas ang double doors at nakita ko agad si Ocean sa kaniyang table. Napansin kong mga nagkalat na papel doon.

Iniwan na ako ng babae at pumasok na ako sa loob. Nag-angat ang tingin ni Ocean sakin at ngumiti agad sya nang makita ako.

"Ah! At last you're here. Have a sit, please."

Tumayo sya sa kanyang pwesto at naupo kami sa sofa. Magkaharap kami ngayon habang tinawag nya ulit kanyang tauhan para ikuha kami ng maiinom.

Her clothes really suits her well. Over-all beige outfit paired with a block heels. Her hair is in a bun na nagdedepina lalo sa ganda nya.

"Juice? Coffee? Tea?" Tanong nito sakin.

"Uhmm.. juice." Mahinang sagot ko.

Nginitian nya ulit ako at sinabi ito sa tauhan nya. Naiwan na ulit kami mag-isa. Hindi ko alam pero parang bumigat ang paligid.

"Last month I invited you on my event." Panimula nya.

"I understand na naguguluhan ka sa pabigla bigla kong pag-aya sayo pero sinabi ko na din sayo noon na gusto kitang kuhanin bilang modelo ko. At ang pag-imbita ko sayo sa event ko ay para malaman mo na seryoso ako doon." Seryosong sabi nya.

Nakatingin lang ako sakaniya habang nagsasalita sya. Hindi na ako nagulat dahil alam ko na din ang gusto nya. Matagal ko din itong pinag-isipan kung anong magiging sagot ko.

"Hindi po ako nakapagtapos ng pag-aaral." Nahihiya kong wika.

"You can continue your studies kahit nagmomodel ka. You're new to this. Hindi mo naman kailangan na maging full-time model agad. Tsaka may mga kakilala akong hindi tapos ng pag-aaral pero successful pa din sa modeling career."

Dumating ang inumin namin. Sumimsim ako sa inumin ko habang nag-iisip. Kinakabahan talaga ako sa totoo lang. Bago sakin ang ganito at wala akong experience kung sakali mang tanggapin ko.

"If you agree to this you can quit your job on my brothers company. You don't have to mop his floors anymore."

I bit my lower lip.

Iyun din ang sinabi sakin ni Lola. Hindi ko na kailangan pang maging janitress kung tatanggapin ko ito. Sa ilang bwan kong pagtatrabaho napamahal na din ako sa mga tao doon at sa trabaho ko.

Huminga akong malalim. Tumingin ako kay Ocean na parang naghihintay nalang sa magiging sagot ko.

"P-pwede ko ba munang malaman ang mangyayari kung papayag ako?"

Pumalakpak sya habang kinuha ang kaniya ipad sa table at bumalik sa pwesto nya.

Pinaliwanag nya sakin ang conditions at agreement. Merong maghahandle sakin na agent nya. And to my surprise itong agent din ang naghandle sa mga sikat na model sa industry!

"Kampante akong aalagaan ka nya. His my friend and nakukwento din kita sakaniya. Sya na nga mismo ang magpresinta na sya ang maghandle sayo."

Nagulat ako sa sinabi nya.

Nagpatuloy sya pagsasalita. Sinabi nyang sa mga susunod na bwan ay tuturuan ako ng mga dapat kong malaman sa modeling.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mirror HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon