AccompanySinilid ko ang mga nagkalat na papel sa hawak kong trash bag. Mag-isa si Mr. Vidal dito pero bakit ang kalat ?
Sa tatlong bwan kong pagtatrabaho bilang janitress isang beses ko palang sya nakikita sa building. Siguro ganoon sya kabusy.
Pinagmasdan ko ang buong office nya. Malaki ito kumpara sa mga office ng mga nasa baba. May malalaking shelves at cabinets din. Dark colors kahit mga palamuti at gamit nya. Sa likod ng kanyang swivel chair ay ang family crease ng mga Vidal. A sculpture of a gold rose with a bloody red stone in its center.
Noong unang pasok ko dito ay di magkamayaw ng mata ko sa nakikita ko. Lahat ng kanyang pag-aari ay sumisigaw ng karangyaan.
Tapos ko nang linisin ng office pwera sa kanyang table sa gitna. May bilin kasi na huwag daw itong gagalawin dahil ayaw ni Mr. Vidal na pinapakealaman ang table nya.
Medyo nasasanay na din ako sa pag-aakyat baba. Hindi ko na masyadong iniisip at kung minsan pumipikit nalang ako kapag nasa elevator para pakalmahin ang sarili. Minsan hindi ko na din nakikita sinong mga nakakasabay kaya hindi ko sila nababati. Didilat lang ako kapag nasa tamang palapag na ako.
Kung paano ko nalalaman kung tamang palapag na? I peek and quickly stare at the numbers on the side. Parang tanga pero effective.
Palabas na ako ng office nang biglang bumukas ang pintuan.
"Kuya, pupunta— Oh! Who are you?"
A girl in a black dress with killer heels entered the room. Sa ayos nya ay para syang artista. Walang kapintasan ang itsura at parang pamilyar din.
"G-good afternoon po, ma'am. Ako po yung taga linis dito. Pasensya na po kayo paalis na din po ako." I politely bow and proceed to the door.
"Wait." Aniya
Bago pa ako makalabas ay hinawakan na nya ako sa braso at hinarap sakaniya.
Ngayon ko lang napansin na ang tangkad nya kumpara sakin. I stand 5'4" and this lady in front of me is like 5 inches taller than me! Marahil dahil sa suot nyang sapatos.
She looked at me from my head to toe. Inikutan nya pa ako para tignan akong mabuti. She looked critically at me like she's buying something in the market.
"What the hell are you doing?"
Parehas kaming nagulat sa nagsalita. Nilingon ko ang pinto at nakita ko ang boss ko na iritableng nakatingin samin.
"Kuya Lulu, there you are! Im just checking out your janitress here." she said and then giggled.
Kuya?
His brow shot up at napabaling sa gawi ko.
"Good afternoon po, sir." I bow my head to avoid his bored gazed.
I don't see him at all in his office kaya naman abot-abot ang kaba ko ngayong kaharap ko na sya.
His aura is so intimidating so I have to look down before my knees trembles.
"Don't scare her, ano ba! Hindi mo sinabi sakin na ang ganda ng kinukuha mong taga linis dito. She could pass as a model for me!" the lady said while making a sad face.
"I don't even know her. What are you doing here?" Mr. Vidal said in a casual tone.
He went to his table habang niluluwagan ang suot nyang neck tie.
BINABASA MO ANG
Mirror Heart
RomanceA broken mirror lost its purpose. Broken in all aspect. But then, things change when the urge in herself regain from being broken. Antheia Leano will do everything to be back on track after what happened and she will never stop until she's complete...