KlutzMinsan may mga pagkakataon na hindi mo alam bakit binigay sayo ang isang bagay. Magtataka ka kung bakit binigay sayo yung problema na yun.
God really works in mysterious ways. You don't have any idea why He gave you the problem in the first place. May pagkakataong kinukwenstyon mo na sya. Nawawalan na ng tiwala kahit sa Dyos..
Tumunog ang alarm clock sa tabi ng aking kama. Pagdilat ko'y nakita ko agad ang kulay puting kisame. Napatulala ako at maya-maya ay bumangon na din. Hilig kong tumulala kapag umaga lalo kung maaga ang gising.
Kung titignan ang apartment ko parang nagkaroon na ito ng buhay dahil nalagyan na ng gamit.
Nagkaroon din ito ng buhay dahil sa kulay ng pader. Dinikitan ko ng wallpaper ang dingding para naman hindi mukhang boring ang lugar. Isang pader lang ang naghihiwalay sa kwarto at sala kaya naman parang tanaw na mula sa sala ang buong lugar.
I put a table beside my bed and a book shelves. May dream catcher din na nakasabit sa head board ng kama. Sa sala naman ay may mini sala set na binigay ni Tita Marny, isa sa kapit bahay ko dito. Nakabili sila ng bagong gamit sa sala kaya yung pinaglumaan ay binigay nalang sakin kesa masayang pa.
Mababait naman ang mga tao dito at may ilang kakilala na ako. Ang maganda dito nagbibigay pa ng ulam kapag maraming nailuto kaya naman laking pasasalamat ko 'di nila ako tinuturing na iba.
Naghanda na ako para maaga akong makaalis. Dahil byernes ngayon paniguradong mas traffic sa dadaanan ko. Alas-ocho ay kailangan nasa building na ako.
Sa umaga ay naka-assign ako sa lobby kaya kailangan maagang pumasok para malinis agad habang wala pa masyadong tao. Mahirap maglinis lalo kung maraming palakad lakad sa nililinis.
Sumasakay akong bus para bumaba sa bus stop na malapit at lalakad ng kaunti para makarating sa VCF.
Mabuti nalang maaga ako nakasakay kaya 'di gaanong siksikan sa sasakyan. Nakaupo ako sa bandang bintana kaya tanaw ko ang dinadaanan. Kapag nakikita kong sunod sunod na ang nagbebenta ng mga bulaklak ay alam kong malapit na ako.
Nang makarating ako sa building ay dumiretsyo na ako sa cleaning department. Nagsuot ng uniporme at tinali ang mahaba kong buhok. May manipis din akong bangs na hanggang mata kaya nilalagyan ko iyon ng clip para hindi sagabal sa pagtatrabaho. Kapag nakalugay at nakasibilyan ay niloloko ng mga kasama ko sa trabaho na aakalain nilang anak ako ng mga nagtatrabaho sa kompanya. Hindi naman ako palaayos na tao pero mabuti at nakikita nilang presentable ako kahit papaano.
"O, hija, nandito ka na pala. Magandang umaga." bati sakin ni ma'am Gero, ang head ng cleaning department.
"Good morning din po, ma'am." Tugon ko at ngumiti sakaniya.
"Ang aga mo talaga pumasok. Buti nagigising ka kaagad ng maaga." Wika nya habang nag-aayos ng mga gamit.
"Madali lang po kasi ako magising sa ingay kaya nagigising po agad ako sa alarm ko." Sagot ko.
Tinapos ko na ang pag-aayos sa itsura ko at kinuha ang panglinis at nagpaalam na kay ma'am Gero.
Matandang babae na si ma'am Gero. Ang alam ko'y hindi sila nabiyayaan ng anak ng kanyang asawa kaya siguro magaan din ang turing nya sakin.
Nagsimula na akong maglinis. Padami dami na din ang pumapasok kaya mas binilisan ko na ang paglilinis para hindi maging sagabal sa daan. Tatlo kaming naglilinis sa lobby ngayon kaya bago mag 9:30 AM ay nakatapos na kami. Masyadong malaki ang lugar kaya ang tagal linisin.
"Okay na kayo?" tanong ni Mars, kasama kong maglinis.
Parehas kaming tumango ng isa pa naming kasama. Dala ko ang tubig ng pinangmop. Babaling na sana ako sa kabilang direksyon nang biglang may tumama sa hawak ko dahilan para mabitawan ko ito.
BINABASA MO ANG
Mirror Heart
RomansaA broken mirror lost its purpose. Broken in all aspect. But then, things change when the urge in herself regain from being broken. Antheia Leano will do everything to be back on track after what happened and she will never stop until she's complete...