past

1 0 0
                                    

Kinakabahan ako, nakatayo ako dito sa likod ng stage. Ngayon na ang finale. Sumali kase ako sa singing competition, ayun tapos na si Kara,ang nag iisang kalaban ko. Pumasok na ako sa stage. Habang kumakanta ako ramdam kung madulas yung sahig kaya lalayuan ko na sana yungcmadulas na pare wala na nadulas na ako. Dahil sa kahihiyan ay tumakbo agad ako paalis sa gym kung saan naganap ang kumpetisyon. Takbo lng ako ng takbo ng may mahagilap ang mata ko. Tumakbo agad ako sa dereksyon niya at hinila siya.
"Ahhh"
*schretchhh

Napabangon ako dahil sa ingay sa silid ko. Kinukusot ko ang aking mata ng pumasok si Ana. Ang Best friend ko. "Tara na Sandy maghahanda pa tayo para sa nuchebuena mamaya". Oo nga pala pasko na. Tulad ng inaasahan ko. Naghanda kami at nag kakasiyahan. Gabi na rin, nagpapa putok narin sila ate sa labas. Naiwan lng ako dto sa loob ng bahay, pumasok naman si Ana may hawak itong bagay na nababalot ng pulang wrapper. Napangiti naman ako ng umupo siya at binigay saakin yun.
"Mery Christmas, ang tagal na pala ng panahon noh simula nung sinagip mo ako sa kotseng muntik na akong mabangga at nang tumira ako dito" Napatawa nalang ako at yinakap siya. Binigay ko rin ang regalo ko sakanyang bestida. "Hehe wala na kasi akong maisip na eregalo sau kaya yan na ang kinuha ko tyaka lucky charm daw yan sabit mo lng sa silid mo" sabi ni ana hang linalabas ko ang isang kahoy na nauukitan ng magkabilang mundo. Ung left side makikita dto na napakapayapa ng paligid sa right naman ay parang maraming engkanto. Pumunta ba nga ako sa silid. Lumabas narin si Ana. Oo si Ana ang niligtas ko noon. Nakitira narin siya saamin magmula noon dahil itinakwil pala siya ng kanyang mga magulang. Napapitlag ako ng maramdamang parang may gumagalaw. Pagtingin ko ung regalo ni Ana. Kinuha ko to mula sa pagkasabit. Napansin ko ring may umiilaw sa likod. Pagtingin ko may letrang nakaukit na umiilaw.
"Napakasang pasko dba" basa ko rito at napalitan ulit ang naka burda. "Gusto mong pumunta sa nakaraan hawakan mo lamang ang letrang naka ukit saakin" basa ko ulit. Wala namang mawawala kung susubukan ko eh. Kaya hinawakan ko ang mga letra. Biglang umilaw at naramdaman ko nalang na para akong hinihigop.

KAIBIGAN (part2)
-Shiya

Napunta nga ako sa nakaraan. Nakita ko ang kalendaryo. Ito ang araw ng kumpetesyon kung kelan ako napahiya. Nakita ko ang batang ako na nag hahanap ng sapatos. Nakita ko ang sinuot ko noon na sandal dali dali ko yung kinuha at tinago. Nakita ko ulit ang batang sarili ko na kinuha ang flat sandal. Umalis na ang batang ako at ng ate ko noon. Pumunta na sila sa kumpetesyon. Nakita Kong naghihintay si Sandy(ako) kinakabahan siya. Pinanood ko si Kara habang kumakanta siya may nakita akong botenng hawak niya at kinakalat sa nadadaanan niya, hindi nila iyon napapansin. Kaya pala madulas noon.
Hinawakan ko si Sandy napatingin siya saakin at ang ate niya. Ngumiti lang ako sakanila.
"Iwasan mong pumunta sa gitna magdahan dahan ka ng paglalakad, wag kang mahihiya kaya mo yan" sabi ko. Ngumiti siyapabalik. Pumasok na siya sa stage ng tinawag ang pangalan namin. Kumanta na nga siya. Ngayon, success natapos niya ang kanta.
At deneklara na nga na siya, Ako ang nanalo. Nakuha namin ang premyo hindi na maghihirap si ate. Dali dali akong umuwi. Pag bukas ko iba ang bumungad saakin. May nakatirang ibang pamilya "ano hong kailangan nyo" tanong ng ale.
"Ah saan po si Sandy Montes"
"Ah umalis na po sila matagal na po. Kami po ang pumalit sa pagkakaalam ko lumipat sila sa **mansion"
Dali dali akong pumunta soon sa sinabi ng babae. Oo nga pala babago na ang nakaraan pati na ang hinaharap ko. Pag pasok ko sa mansion binati ako ng mga katulong. Hinanap ko ang ate ko sabi ng katulong na may business meeting daw. "Ah ganon po ba eh si Ana po saan" tanong ko dito at nilibot ang paningin sa malaking mansion.
"Ana? Sino po yun" tanong niya. Di niya kilala
"Sandy, San ka galing" biglang may nagsalita sa likod ko. Si ate , kinakabahan ko saan si Ana. Agad agad akong lumapit sakanya.
"Ate san si Ana bat wala siya dito?" Kumunot naman ang kanyang noo.
"Kagagaling ko lng sa business meeting pagod ako. Tyka wala akong kilalang Ana, mag papahinga na ako" sabi niya at umalis na.
Dali dali akong umakyat sa hagdan ang daming kwarto. Hinanap ko dto ang kwarto ko at sa wakas nahanap ko na. Hinanap ko rito ang binigay ni Ana saakin noon. Nakasabit parin ito sa dingding. Kinuha ko ito at tinignan ang likuran.
"Nabago ang nakaraan  Pati ang hinaharap mababago rin"
Doon ko lng napagtanto ang nangyayari. Lumabas ako sa mansion at pumunta sa kalsada kung saan sana mangyayari ang aksidente.
Napaluha nlng ako ng makita ang kumpulan ng tao pumunta ako doon at nakita ang batang si Ana na naka handusay sa kalsada maraming dugo. Ayaw ko neto ayaw kung maging mayaman at sikat kung ang kapalit ay ang d ko pag ligtas kay Ana. Naka isip ako ng plano kung babalik ulit ako sa nakaraan. Pupuntahan ko muna si Ana sa bahay nila na tinuro niya saakin noon. Pupuntahan ko muna si Ana at yayaing manoon ng singing competition namin sa ganon hindi siya palakad lakad sa kalsada at hindi masasagasahan. Maliligtas ko siya pati narin ang reputasyon ko. Hindi ko narin kase maibabalik ang hinaharap dahil nangyari na ang nangyari ito nalang ang pag asa.
Pumunta ulit ako sa mansion at dumertso sa silid ko kinuha ko ang regalo ni Ana.
Bumuntong hininga ako, sana gumana, kung hindi paulit ulit ko tong gagawin para Kay Ana. Kung hindi man gumana mag iisip ako ng ibang paraan kahit mawala saakin ang premyo. Maligtas ko lng si Ana
Dinikit ko na nga ang aking kamay sa mga letrang nakaburda.
At naramdaman ko ulit ang kakaibang liwanag
Sana at hindi ako mabigo sa plano ko

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 17, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Oneshot CompilationWhere stories live. Discover now