4th Date

7 0 0
                                    


Matapos tumigil sa kakangawa ni Emi, umupo ito sa may gutter katabi nya. Parang gusto na rin masuka ni Ari sa amoy. But her thoughts distracted her immediately.

She wants to kill herself. What is happening to her? Hindi sya dapat ganito ka tanga. She needs help in order for them to come home safely and rest. Pero nung tawagan naman ang phone ni Emi ay pinatay nya ito.

She slapped herself. Wala nang pake si Emi dahil nakatungo na ito ngayon at paniguradong hilong hilo. Gusto nyang manapak sa sariling katangahan. This all happened because she's making Emi's sister a big deal. Huminga sya ng malalim. Tumingin muli sa screen. Baka may pantawag si Emi. Tawagan nya kaya?

She took a deep breath. "Okay," tapped the screen and--Elly, Emi's sister is calling already.

Pikit mata nyang sinagot ang tawag.

"Hello?" Dinig nya sa kabilang linya. "Si kuya na ba to? Gosh kuya anong oras na hindi ka pa umuuwi! Mom told me to leave you alone with that girl but you know I can't do that. Sabihin mo na kasi sa kanila na bakla ka!"

Napakamot sya sa noo. Halatang alalang alala si Elly sa kapatid nya. She looked at Emi's direction.

"Uhh. . .hindi to si Emi."

"Then who are you?" The girl from the other line answered immediately. "Anong ginawa mo sa kapatid ko? Asan kayo?"

"Andito kami sa Padi's point. Lasing na lasing yung kapatid mo. Lowbat ako so I can't call my driver to get us home. We need your help."

Napapikit sya ng mata. Mariin. Kinakabahan sa kung anong pwedeng isagot ng kapatid ni Emi sa kanya.

After a few seconds, "Okay. Stay where you are. I'll be there in a few."

The call ended. Ang bilis ng tibok ng puso ni Ari sa pinaghalong kaba at kilig. She's starting to act differently. Naeexcite na syang dumating ito. Siguro nga, panibagong crush nanaman ito kaya eenjoyin nya nalang. She mentally noted one golden rule: not to act weird if she's already around.

She composed herself. Ihinila pataas ang dress sa bandang dibdib dahil baka bumababa na ito. Elly's right. She came after a few minutes. May sarili itong kotse. Which is a good thing because Emi smelled so bad. Baka magkaron pa sila ng extra charges kapag sa taxi or any public vehicles.

She was stunned when she got off the car. She was simple yet so appealing. She's wearing a long sleeves; red, yellow, black, blue and green large stripes. Naka denim shorts, medyas na may blue and yellow stripes sa may garter at kulay puti na ang kabuuan pati ang sapatos. She has this curly natural brown hair. Singkit at maputi.

And then she realized she just checked every details about her physical appearance.

Nakatayo lamang sya. Nanonood habang yumuko ito at tinatapik ang pisngi ng kuya. Kitang kita ang pag aalala sa mukha.

"Kuya? Andito na ko. Come on," she grabbed his arms. "Get your shit together."

Ilang segundo bago pa nya marealize na tulungan ang dalaga. She wanted to curse herself. Kinuha nya rin ang kabilang braso ni Emi at inalalayan itong tumayo.

"Angelo. . ." She heard Emi whispered. Nakita naman nyang umirap si Elly bago buksan ang pinto ng backseat. Muli nya itong tinulungan na alalayan si Emi.

Pagkalabas nito upang pumunta sa driver's seat, she crossed her arms.

Made Ari's heart thump so loud. Kinakabahan sya.

"We can't leave you here. Wag ka sa tabi ni kuya. Iwas na tayo sa clichè."

She frowned. "Clichè?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 22, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Blind DateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon