Chapter 2

80 4 0
                                    

Miran pov

"May ilan ka pa ba naaalala sa nakasulat dun sa formula?" Sabi ni joonmyeon pero wala akong naaalala ni isa kasi.... makakalimutin ako pero slight lang

"Wa- ah may natatandaan ako" sabi ko at napahinto kami sa paglalakad

"Pero hindi yung nakasulat sa formula kungdi saan yung formula" sabi ko at kinapa ko yung bulsa ng jacket ko

Pinakita ko sakanya yung formula pero biglang may dumaan na agila at kinuha yung papel saka binigay sa isang tao at alam kong amo niya yun

"Um mister pwede po bang ibalik niyo yung papel na yan?" Sabi ko

"At bakit ko sayo ibabalik? Eto ang nawawalang formula na ginawa ni Einstein tapos ibibigay ko lang sayo!" Sabi niya in sarcastic tone

"Eh ako naman po yung unang nakakita niyan" sabi ko pero inisnob niya lang yun at nag lakad pabalik

"IBIGAY MO SAKEN YAN!" Sigaw ko at tumakbo sakanya saka ko hinagis yung bato sa ulo niya at tumama sa ulo niya, humarap siya saakin at Tumingin siya saken na galit na galit

"Gusto mo yong formula? Pwes tignan natin" sabi niya at pinunit punit niya at naging isang maliliit napirasong papel at biglang naging abo,Hindi ko na kaya punong puno na ako sa lalaking to

Hinawakan ko ng mariin yung kwelyo niya "Bakit.mo.ginawa.yun?" Nang gigil na sabi ko

"At ano naman ang gagawin mo?" Sabi niya at tinaasan ako ng kilay, bigla ko siyang sinuntok

"ALAM MO BANG YUN NALANG ANG NATITIRANG PIRASO NUN! HINDI NA AKO MAKAKABALIK SA PANAHON KO" sigaw ko sakanya at nagulat ako ng ngumisi siya

"Mabuti rin na hindi ka na makakabalik sa panahon mo miran" Sabi niya na kinagulat ko

"Anong ibig mong saihin?" Tanong ko pero tinulak niya ako at tumawa siya ng malakas as in nakakatakot

"Humanda ka miran, hindi pa tayo tapos" sabi niya at biglang nag laho, bigla akong kinabahan dahil alam niya pangalan ko, at yung sinabi niyang 'hindi pa tayo tapos' jeez anong ibig niyang sabihin?

Nakita si joonmyeon na tumatakbo papunta sa direksyon ko

"Miran nasaan na siya? Nasan na yung formula? Nakuha mo ba?" Sunod sunod niyang tanong saakin, niyakap ko lang siya kasi umiiyak nanaman ako dahil wala na yung formula hindi na ako makakabalik sa panahon ko at dahil sa sinabi nung lalaki

" shhh tahan na miram, okay lang yan" sabi niya, niyakap ko siya ng mahigpit

"T..teka hindi na ako ma...kahinga" sabi niya at kumalas ako sa yakap

"Mianhe (mianhe= sorry)" sabi ko at tumawa ako, napakamot lang siya sa ulo niya

"Gusto mo dun ka na muna sa apartment ko?" Sabi niya na kinagulat ko

"Talaga!? Nako salamat joonmyeon napakabait mo" sabi ko

"Tara na medyo lumalamig na yung panahon" sabi ni joon at pumunta kami sa apartment niya

Third person pov

"Hindi pa ako tapos sayo miran" sabi nung misteryosong lalaki habang hinihimas yung ulo ng agila at nakatanaw sa bintana ng apartment ni joonmyeon

-^-^-^-^-^-^-^^-^-^-^-^-^-^-^-^-^-^-^-^

The Future [Short story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon