Chapter 15: Heartbeat

59 5 4
                                    

~MEGUMI EVALINE WHITEHART POV~

Nagbibihis na ako para sa Date kuno namin. Nakakaiyak namang isipin yun biruin mo, Makikipagdate ako sa impaktong Raven nayun. Siya kaya may kasalanan ng lahat ng ito. Una, kung hindi niya ako pinagsalitaan ng nakakabwisit na word e di sana hindi ako maririnig ni Head Governess Chun  na nagsasalita ng yucky words. Pangalawa, Kung hindi niya ako hinigit sa harapan nila Krystal at Rilliane e di sana hindi magiging exag si Krystal. Pangatlo, kung sana hindi nakapatong yung ulo ko sa balikat niya, sana wala sanang issue though hindi ko alam kung sino may kasalanan, siya ba o ako. At Pang-apat, kung sana hindi siya nagpadala ng takot sa tatay though may fault din ako. Haist!!! Hindi lang siguro hanggang apat ang magiging kasalanan niya sa akin. I feel Sorry for myself.

Nag jeans lang ako na hapit na hapit sa akin at Lousy Creamy white T-shirt at nag Keds na colorpeach na may polka dots na white. Basta ganoon yun. Pumunta na ako sa harap ng Magic Mirror ko at. Inistart yun. Ahahahahha… Nagtataka kayo kung bakit ko inistart yun no? Kasi ganito yun yung Magic mirror ko is isang hi-tech na bagay. Lahat kaming Royals ay may ganito. Dito may selection na magaganap. Iseselect mo kung saang parte sa mukha mo ang lalagyan mo lang ng make up including yung hair mo. Sa make up, kunwari napili mong lagyan yung lips mo, tapos pagnaselect mo na yung Lips icon ay lalabas ang Color selection. Dun ka pipili kung anong gusto mong ilagay sa lips mo. Tapos ang napili mong color ay magproprocess na which is bahala na si computer na ilagay ito, I mean may lalabas na parang laser or something na Light from the mirror then pagtapos na yug light tumingin ka sa mirror at TADA!!! Tapos na. Ganoon din sa buhok, bibigyan ka din ng unlimited hair sytle selection. At pagka nakapili ka na or none ang gusto mong hairstyle (meaning wala) ay lalabas nanaman kung anong color hair selection ang gusto mo. Kaya mabilis lang magpalit ng hairstyle diba. Paano nagging possible, syempre dahil sa P.A.T country nila Trisha. May Sensor churva ekek daw e. Basta hindi ako magaling pagsa technology pinaguusapan. Ang pinili ko lang ay Light make up at sa buhok naman ay staright na sa dulo ay nagfly away pero imbes na palabas ang fly away niya ay paloob. Gets? At sa color naman ay black. Medyo expose na yung Blond hair color ko e.

Paglabas ko ay ang tahimik ha. Siguro nagsawa na sila sa kakadaldal lalong-lalo na si Rilliane at Denzelle. Pagkadating ko sa Living room ay nandoon na si Raven. Psh! Ang Gwapo niya nga----- Tss. Hindi, hindi earse namamalik mata ka lang siguro doon Meg. Ahahaha. Nilagpasan ko lang siya at nagtuloy tuloy na sa pagalalakad naramdaman ko nalang na sumunod nalang siya.

"Ay ambagal." ---ako

"Tss." ---Raven

Nagmadali na siyang naglakad at ako naman ngayon ang nasa likod niya.. TT__TT

“Ay ambagal *while imitating my voice*” –Raven

Wah! Nakakainis talaga tong lalaki na to. Paglabas naming ay may naghihintay na butler na pinagoopen na kami ng car. Basta something Royal nalang yang sasakyan. Pagod akong magdescribe.

“Wag kayong sumunod.” Utos ni Raven sa mga Butler at Guards na nakahilera.

“Pero Your Highness----” sabi ng Butler na nagbukas sa amin ng sasakyan.

“I said no. Kaya na niyang protektahan ang sarili niya I mean kaya ko siyang protektahan.” Pagpapaliwanag niya.

Tss. Kita mo to. Nakakainis ah. Hmph. Bahala siya sa buhay niya.
Pumayag naman yung butler at saka pinagbuksan naman na ako ng butler. Kita mo talaga itong lalaking Raven na to wala man lang siyang kagentleman gentleman na dugo. Haist! Buti pa si ???? Haist!! Hayaan na ngalang.

Ilang oras pa ay nakarating kami sa Mystic garden. Ah, alam ko to. Dito daw nakalagay yung Miracle tree nila Ashe from the kingdom of Ethelstan at yung Tree of wishes Nila Rilliane from the kingdom of Rozelle. Yung Tree of Wishes naman nila Rilliane ay isang tree na naggragrant ng wishes pero nagwowork lang daw ito sa Kabilugan ng Buwan meaning pagFull moon lang nagwowork. At saka I heard dito daw nakalagay yung mga preserved fireflies nung mga panahon pa noong madami pa sila pero ngayon medyo wala na e. Yung Mystic garden kasi ay Isang Dome glass. Like greenhouse pero hindi mainit sa loob.Like I will make tigil tigil na sa pagkwekwento.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ACADEMIA de ROYALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon