This is a work of fiction. Names, characters, bubsiness, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead or actual events are purely coincidental.
Do not distribute, publish, transmit without the concent of the author.
Happy Reading. :)
-
Prologue:
Sabi nila totoo daw ang kasabihang "kung kayo ay kayo talaga" pero para sakin sa panahon ngayon hindi na uso ang kasabihang yan.
Pano ako naging ganito kabitter?
Niloko lang naman ako ng lalaking akala kong makakasama ko na hanggang sa pagtanda. Yung lalaking akala ko'y pakakasalan ko pag dating ng panahon. Yung lalaking magaalaga sakin at sasabihing, "Oh, nainom mo na ba yung gamot mo sa rayuma?" pag parehas na kaming senior citizen.
Basta!
Syang sya yun!
Pero ang lahat ay binalot lang pala sa MALING AKALA.
Kaya ang kasabihang pinanghahawakan ko ngayon? "Hangga't nasayo pa, wag mo nang pakawalan."
Dahil ang lahat ng bagay dito sa mundo ay may limitasyon at may katapusan. Ang lahat ay pansamantala lang.
---
BINABASA MO ANG
I Love my Rebound
Teen FictionGaano nga ba kahirap mag move on mula sa taong sobra mong minahal? Gaano kahirap makalimutan ang taong halos araw-araw mo namang makikita dahil wala kang choice? Gaano ba katagal ang kailangan? Okay. Let's rephrase the question. Paano nga ba mag mov...