Chapter 1

172 3 1
                                    

Another day, another training. Simula mga bata pa lamang ay ganito na ang buhay na kinalakihan ni Rhian at Franco. Magmula kasi nang mamatay ang nanay ng binata’y tuluyan na silang pumanig kay Santiago Guerrero- ang leader ng samahan na tinuturing nilang Heneral. Iisa lamang ang layunin nila- patumbahin ang mga militar at palitan ang gobyernong kilakihan ng marami. Sa ngayon, isinasanay nila ang mga batang balang araw ay mamahala sa samahan. Patagalan sa ilalim ng tubig ang pagsasanay ngayon nila ni Franco- na ayaw man sabihin, masama ang pakiramdam.  

Inabot ni Rhian ang dalang bote ng tubig at gamot sa kaninang nanginginig na Franco. “Ayaw mong magpahinga. Uminom ka man lang sana ng gamot.”

Nagdadalawang-isip si Franco kung tatangapin niya ba o hindi. Naalala niya kasi ang kanyang tatay na palaging nagpapaalalang ang babae sa harapan niya ngayon ay kakumpetinsiya niya’t hindi kaibigan.

Pero tinanggap ni Franco ang maliit na kawang-gawa ni Rhian and he seems to not show it, but he’s grateful that Rhian is and has always been there to help him eversince na nagkasama sila sa samahan. Hindi kasi nagsasawa si Rhian na tulungan siya simula mga bata pa lang sila.

“Bakit ang bait mo sa akin?” Franco asked Rhian while they are on their way back from training.

“May sakit ka, Franco. At bakit naman ako hindi magiging mabait sa’yo?” Franco stopped walking and so Rhian did behind him.

“Walang ibang magtutulungan dito kundi tayo-tayo lang naman,” she added. The young man remained silent.

“’Wag mong pilitin ang lahat, Franco. Kailangan ring magpahinga ang katawan mo.”

Rhian waited for a while before Franco coughed and said, “papagalitan ako ni tatay kapag hindi ako makapagsanay.”

Those words coming from Franco, despite being sick, made Rhian feel bad. Naaawa siya dahil sa halip ng lahat ng ito, si mang Armando pa rin ang iniisip ng kababata. Hindi pa rin talaga siya nagbabago.

May naisip si Rhian so she took a few steps to face him. “’Wag kang mag-alala, hindi malalaman ng tatay mo at ni papa na may sakit ka. Kaya tara na. Magpahinga ka pagdating natin sa kampo.”

Rhian gave him an assuring smile then she started to walk. Franco, with a dizzy head, stared at her back- puzzled.

-------

A few rays of sun hit Franco’s shutted eyes urging him to open them. Mainit ang kanyang pakiramdam at masakit ang ulo niya. He knows he’s sick but he needs to get ready for training bago pa siya puntahan ng tatay niya. Pinilit niyang bumangon kahit na masama ang pakiramdam. Dali-dali siyang naligo at nagbihis. Naabutan niyang nagkakape ang tatay sa labas.

“Walang pagsasanay ngayon, Franco.” He checked his staring son and continued sipping his coffee.  

Nanghinayang ang binata. Kailangan niyang magsanay upang gumaling pa sa pakikipaglaban pero naisip niya ring masama ang kanyang pakiramdam kaya mas okay na rin. Makakapagpahinga siya ngayong araw.

Itinago muna ni Franco ang saya bago nagtanong, “bakit po, tay?”

“Masama raw ang pakiramdam ni Rhian. Kailangan daw niyang magpahinga,” his tatay Armando answered without even looking at him.

That answer bothered him for a moment. Pumasok siya ulit sa kanyang kwarto habang inaalala kung bakit masama ang pakiramdam ni Rhian na sobrang sigla naman kahapon. Dumiretso siya sa kusina at ginawan ang sarili ng sandwich habang inalala ang huling pag-uusap nila ng dalaga.

Hindi naman magsisinungaling si Rhian para sa kanya ‘diba? He scoffed with that impossible thought.

-------

“Kamusta? Maayos na ba ang pakiramdam mo?” Rhian greeted Franco with a smile the next day.

“Okay na ‘ko." He slightly smiled. But something crossed his mind.

“Ba’t mo pala sinabing masama ang pakiramdam mo kahapon?” Hindi na napigilan ni Franco na tanungin si Rhian tungkol sa pagsisinungaling nito kahapon. He’s sure she’s not sick.

That question made Rhian smile even more and thought of teasing the guy.

“Sa tingin mo, bakit ko sinabi ‘yun?” Franco couldn’t tell what’s on Rhian’s eyes. All he can say is he’s stunned with those gazes na tila ba hinihigop siya. Bakit kasi kailangan niyang ngumiti? Is that even required?

He rubbed the thoughts off and composed his self and said, “hindi mo kailangang magsinungaling, Rhian. Kaya ko naman ang sarili ‘ko.”

Rhian gave up and sighed. Walang epekto ang panunukso niya sa kaharap.
“Alam ko kasing hindi ka makikinig sa akin. At tsaka, ayaw mo ‘nun? Buong araw tayong nakapagpahinga pareho. Natulog lang ako buong araw. Ikaw?”

“Ganun din. Natulog lang.” Franco couldn’t help not to smile at how Rhian gave up on teasing him just like that and as if a virus, that smile- which she took as thank you, Rhian infected the young lady.

---------




Please share your thoughts by commenting. Thanks! 😘

RequitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon