Chapter 8

88 3 3
                                    

Rhian gasped. Hindi niya alam kung nasaan siya. Pinalilibutan siya ng napakaraming bulaklak. Hindi rin ito ang hardin sa bahay nila. Nasaan ako?

Isinantabi niya muna ang kanyang katanungan at inilunod ang sarili sa mga bulaklak sa paligid.

But there’s this flower that stood up among all. Hindi siya nakuntento sa pagkamangha mula sa kalayuan kaya nilapitan niya ito.

“Ang ganda,” she mumbled. Hindi napigilan ng dalaga na manliit sa bulaklak na kanyang pinitas. She felt bad for envying the rose and realized that the only thing that makes them the same is their initial.

Bakit ang ganda niya pa rin kahit marami siyang tinik? May magagandahan din kaya sa akin kahit ganito ako?

A cough from nearby caught her attention and that signalled her to open her eyes. Agad niyang napansin ang nangangalay niyang leeg na nakasandal sa isang pader—teka, pader?

Pinagdasal na lang ni Rhian na sana'y walang makapansin ng namumula niyang pisngi. Napalunok na lamang ng laway niya ang katabi bago nagsalita, “n-nandito na daw tayo.”

Inunat ng binata ang leeg nito. Sa tagal kasi ng biyahe nila kanina’y hindi niya namalayang nakatulog din siya matapos p-in-westo ang ulo ni Rhian sa balikat niya. Inabot na rin sila ng dilim bago nakarating sa pupuntahan nila.

Pagbaba sa sasakyan ay agad hinanap ng mga bata ang kani-kanilang kaibigan at pamilya kung meron man.

“My daughter,” Rhian’s father called out to her and welcomed her with an embrace. Agad ring niyakap ni Rhian ang ama.

“Nag-alala po ako sa inyo, Pa.” She looked up with her eyes now filled with reassurance.

“I’m sorry, anak, kailangan mo pa’ng maranasan ang nangyaring iyon kanina.” He hugged her again. Hinigpitan pa lalo ng dalaga ang yakap sa ama.

The sight made the young Segismundo lighter. Ang gandang makitang ligtas si Rhian.

“Franco.” He turned to face the owner of the voice that called out his name. The anxiety in his eyes turned into relief.

Hindi na nagdalawang isip ang binata at agad ding napayakap sa kanyang ama. Masaya rin siya’ng makita si Ivan na nakasunod sa kanyang tatay. Ligtas sila, salamat.

“Buti nalang at nakita kayo ng mga tauhan ni Heneral.”

“Opo, ‘tay. Pero paano na po tayo ngayon?”

“Dito na muna kayo,” Heneral answered.

Nilibot ng halos lahat ng mga kabataan ang kanilang mga tingin sa liblib na lugar. They checked out the few number of huts with just roof but no walls, dalawang bahay na hindi kalakihan at mga punong nakapalibot sa buong lugar. Kitang kita ang papag na gawa sa kawayan na malamang tutulugan nila.

“Sa lugar na ito na rin kayo mag-eensayo. Hindi na tayo matutunton ng mga kalaban at isa pa, napakalawak ng kagubatang ito. Pero hindi ibig sabihin ‘non na pwede niyo nang gawin ang lahat ng gusto niyo. Kagaya pa rin ng dati, pero ang kinaibahan lang ay matutulog muna kayo sa mga kubong ‘yan nang magkakatabi,” Tiago paused and stared at the kids-- to Franco, actually and continued, “para na rin maintindihan niyo nang maigi ang pagkakaisa.”

Heneral checked on her daughter before leaving.

“I’m sorry, anak.” He looked at her apologetically.

“Bakit kayo nag-so-sorry, Pa? Wala po kayong kasalanan.”

“Sorry dahil muntik ka nang mapahamak kanina at sorry din kasi kailangan kong gawin ito.” The old man looked down.

RequitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon