Chapter 10

64 2 5
                                    

Rhian and Franco knew they deserve to be punished; first, they sneaked out multiple times at night and second, they failed to follow the rulest of them all: head over heart.

But otherwise happened that night, the next day and the day after. Hindi nagalit si heneral nang sabihin ni Rhian na nagpalipas lamang sila ng oras sa tabing-ilog. Tumikhim lamang ang ama at ginayak na sila sa higaan nang gabi'ng 'yon.

Walang Franco sa tabi ni Rhian nang magising ito kinaumagahan. Nanibago siya dahil ito ang una'ng beses na wala ito sa tabi niya.

"Gising ka na pala, Rhian," bati ng kanyang Tito Armando.

Kaya siguro wala na si Franco, nandito pala ang tatay niya.

"Maligo ka na't magbihis dahil hinahanap ka ni Heneral."

Tumango lang ang dalaga at sumunod sa utos ng nakatatanda.

-----

"Pinatawag niyo daw po ako, Pa." Dumiretso si Rhian sa harap ng ama. Hindi muna niya inilibot ang mata sa bagong bahay.

"I missed you, my daughter." Sabay yakap sa anak. Rhian hugged her father then sat with him in the sofa.

Hindi na nagpaligoy-ligoy ang Heneral at agad kinausap ang anak.

"Sa tingin ko'y handa ka na sa susunod na ipapagawa ko sa'yo."

Kumunot ang noo ni Rhian. "Ano po'ng gagawin ko?"

"In-enroll kita sa isang nursing school sa Maynila. Mag-aaral ka, anak."

Natuwa si Rhian sa narinig. She'll finally experience how it feels to go to school.

"Ako lang po ba mag-isa?"

"Maiiwan dito ang iba mo'ng kasasamahan, pati na rin si Franco," Heneral emphasized Franco. Bigla namang may kung ano sa loob ng dalaga nang banggitin ng ama ang pangalan niya.

Subalit ang kaninang saya ay agad ding napalitan ng lungkot. Aalis siya at iiwan niya si Franco.

"Make me proud, anak."

The conversation ended when Rhian didn't gave a word. Doon na rin siya tumuloy nang gabing iyon.

Alam niyang kung mag-aaral siya sa koliheyo, mahihiwalay siya sa pamilya at sa kaibigan niya. Four years. It'll take her four years to study nursing and she know that once she graduates, she'll have to focus on her mission. Alam niyang unang parte ito ng malaking misyon niya. Her image with Franco kept running like a non-stop gallery that night.

Sapat na ang malalim na mata ng dalaga kinaumagahan para mapagtanto ng heneral na hindi ito nakatulog kagabi.

"Pa," panimula niya, "hindi na po ba ako babalik sa kampo?"

"Hindi na kailangan. You have to rest. Luluwas na tayo sa makalawa."

"A, ganoon po ba." Rhian looked down, upset. She was about to leave when courage took the wheel for her.

"P-pwede po ba akong magpaalam man lang sa mga kaibigan ko?" A lie. Wala siya'ng mga kaibigan. Kaibigan lang ang meron siya.

Her father's permission lifted her mood up a little bit. Thankfully, hindi sumama si Heneral.

Maraming tumatakbo sa isipan ni Rhian habang nasa biyahe. Mga bagay na buong gabi niya'ng pinag-isipan. She's scared of how things will turn out. Pero mas takot siya'ng umalis nang hindi nasasabi ang mga bagay na gusto niya'ng sabihin sa taong iyon.

---

Something inside Franco is telling him that Heneral's kindness is just a façade. Natatakot siya. Takot na takot.

RequitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon