Chapter 2

141 5 0
                                    

The cold wind welcomed Rhian and her acquaintance as they hopped off from the car in the entrance of a forest. Masungit ang hapon ngayon. She did a quick check on the thousands of trees waiting for them. Nakuha lamang ang atensyon niya nang magsalita ang kanyang ama.

“Dito natin gagawin ang pagsusulit ninyo,” Heneral Tiago paused and pointed at the deep forest, “mayroong mga kahon na may baril sa loob ng kagubatang yan. Ang misyon ninyo ay hanapin ang mga ‘yon at kailangan ninyong mag-unahan sa paghahanap. Tandaan ‘nyo, hindi kayo babalik na walang dala kahit isa.”

Nagsimula nang maglakad paakyat ng kagubatan ang mga bata, pati na rin si Rhian at si Franco. Determinado ang lahat na magawa ang misyon. Rhian is worried, madilim na kasi at tila uulan pa. Nag-aalala siya sa iba niyang kasamahan na nagsilakad na rin. Nag-uunahan sila sa paghahanap kaya nagkawatak-watak sila.

Hours passed and a loud thunder overfilled the eeriness of the forest. Binilisan ni Rhian ang paglalakad. Kailangan niya nang makakita ng baril nang makabalik agad dahil madilim na.

Isang patak. Dalawang patak. At nasundan pa nang mas malakas na ulan. Dinodble ni Rhian ang paglalakad kaya natalisod siya’t natumba sa isang malaking sanga. Kinapa ni Rhian ang paa at pulang likido ang agad na dumaloy nang bunutin niya ang maliit na sangang bahagyang lumubong sa ibabang bahagi ng kanyang tuhod. Napangiwi si Rhian sa sakit. Pinilit niyang makatayo pero masakit ang paa niya.

Iginapang na lamang ni Rhian ang sarili para lang makasilong sa malaking puno. Sobrang dilim at nababasa na siya sa ulan. Idagdag pa ang paa niyang hindi maigalaw. Naiinis siya, sobra! Ipinikit niya ang mga mata at pinilit na pakalmahin ang sarili.

“Rhian?” Bumilis ang tibok ng puso ni Rhian sa boses na narinig.

“Anong nangyari sa’yo?” Alalang-alala si Franco sa kalagayan ng babae.

“Wala ‘to. Okay lang ako.” Pinilit ni Rhian na paupin ang sarili sa likod ng malaking puno kaya napangiwi na naman ito sa sakit.

“Hindi ka okay!” Franco exclaimed in frustration. Lumapit ito at tiningnan ang paa ni Rhian.

“May sugat ka, Rhian. Ano bang nangyari sa’yo?!” Hindi alam ni Franco kung ano ba ang pipiliin niyang maramdaman- mainis ba o mag-alala.

Franco decided to be mad, bakit kasi hindi nag-iingat! He wanted to say those but there’s no time to scold the girl in front of him so he took off his shirt and tore a sleeve to temporarily aide Rhian’s wound.

Rhian couldn’t tell if it’s the thunder or her heart that’s banging while watching Franco’s almost defeated-by-the-dark-grumpy-face and……….. shirtless body, nursing her. Franco was done tying the cloth when his hand accidentally landed on Rhian’s left ankle.

“A-aray!” Rhian was in definite pain. Franco silently panicked and checked on her again.

“Sorry. Masakit ba dito?” Magaan ang mga kamay ni Franco habang hinahawakan ang kaliwang paa ni Rhian.

“O-oo,” she stuttered.  

Franco undid Rhian’s shoe. Hinilot niya ang paa ni Rhian, hindi mariin dahil ayaw niyang masaktan ito. Maingat ang binata sa pagpapaikot ng paa ni ng dalaga. Ilang minuto pa ay isinuot niya ulit ang sapatos nito at tinabihan siya.

“Salamat,” Rhian’s voice is soft but loud enough for Franco to hear.

“Walang anuman. Sa susunod kasi mag-ingat ka.” Parehong walang imik ang dalawa.

“May nakita ka ng kahon?” Rhian asked to broke the silence.

“Wala. Ikaw?”

“Wala rin.”

RequitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon