Chapter Twenty One

232 11 0
                                    

Elizabeth's POV:

Gumising ako ng sobrang aga para humanap ng apartment at makabili ng bagong phone.

Five palang ng umaga ay umalis na ako ng bahay. Hindi na din ako nakapag paalam sa kanila. Wala din akong nakitang mga maids kaya di na ako nagpaalam. Ayaw ko din namang istorbohin sila sa pagtulog nila. Kaya nag iwan nalang ako ng note. Nilagay ko iyun sa labas ng ref para makita nila.

So ayun nga, five palang at sumisikat na ang araw. Mabilis akong nakahanap ng apartments. May s kaya ibig sabihin nun ay madaming apartment akong nakita at hindi lang iisa ang aking nakita.

So ayun na nga ulit. May maliit na 5k lang, so mura na siya pero hindi kakasya ang aking mga gamit. At one storey lang siya, kailangan ko ng two storey apartment para sa aking mga gamit.

Naghanap ako ng naghanap. May mga nakaka usap rin ako na meron dw dito sa kanto. Medyo malayo siya sa school pero mas malayo bahay namin HAHA. Kakain muna ako bago ko puntahan ang lugar na iyun.

It's already eight in the morning at apat na oras ako nag hanap. Kasi ang iba ay mahirap kausapin at ang iba ay galit.

Pumunta muna ako sa isang coffee shop para magkape kaya nga coffee shop diba?

Malapit lang siya sa school at first time kong pumunta dito. Umorder ako ng regular coffee at dalawang french toast.

Umupo ako malapit sa pintuan at tabi naman ng salamin. Mga ilang minuto ang lumipas at sinerve na nito ang order ko.

Kumain naman ako ng tahimik. Nang may naramdaman akong may naka tingin sa akin. Tinignan ko kung saan siya, nang mapadpad ang paningin ko sa labas ng coffee shop. May naka tingin sa akin na naka mask, shades at cap siya na black.

Nang makita niyang naka tingin ako sa kaniya ay dali dali itong tumakbo paalis. Hindi ko nalang ito pinansin at pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko.

Nang matapos akong kumain ay pumunta na ako ulit sa kotse ko at pupuntahan ko na ang apartment na two storey.

Mga ilang minuto rin ang lumipas at nakita ko na rin ang apartment na sinasabi ng matanda kanina. For rent pa rin siya, gawa sa kahoy pero mukha siyang bago. Two storey nga siya at tama lang ang laki. May veranda rin kaya magkakasundo talaga kami ng apartment na toh.

"Anong kailangan nila?"

Napatingin ako sa isang ale na nasa tabi ko na pala.

"Tinitignan ko lang po kung mayroong contact number ang may ari neto"

"Ako ang may ari" naka ngiti nitong sagot kaya napa ngiti na rin ako.

Namangha ako dahil sa simpleng ganda niya.

"Pwede po bang tignan ang loob?"

Ngumiti naman siya bilang sagot at inaya ako papasok.

Magkakasundo talaga kami ng bahay!

Simple lang sa loob at malaki ang espasyo ng sala, may kitchen rin sa likod at ang hagdan ay nasa gilid. Kaya umakyat kaming dalawa ng ale, sa itaas ay tatlo ang kwarto.

Ang isa ay ang master's bedroom at nandoon ang veranda. Ang isang kwarto naman ay mas maliit kesa sa nauna. Kasya dito ang mga damit ko. Gawin ko kaya itong walk in closet?

Ang pangatlong kwarto naman ay kasing laki din ng pangalawa.

"Kukunin ko na po ito" naka ngiti kong sabi sa kaniya "Magkano po ba?" dagdag kong tanong.

"8,000 a month iha" naka ngiti nitong ani.

Naglabas naman ako ng 24k good for three months plus yung 1k para sa kabaitan niya.

Fake BoyfriendWhere stories live. Discover now