Chapter 1

33 0 0
                                    

Kath's POV

Her Mom on the other line..

(Anak, hanggang kailan ka ba maglilibot ha? Namimiss ka na namin. Ang daddy mo masyado nang nag-aalala sayo. Kailan ka ba uuwi, ha?)

Hapon na pero nandito parin ako sa tinutuluyan kong kwarto, nakahiga sa aking kama. Kadarating ko lang kaninang umaga dito sa Isla Paraiso , napagpasyahan kong magpahinga muna nang buong maghapon.

Ka-face time ko ngayon si Mama. Nasa tamang edad na ako pero heto parin sila ni Dad, baby parin ang turing sa akin. That's the disadvantage of being the youngest.

"Ma, malaki na po ako. Hindi na po ako baby, saka po 3 years from now, I'm turning 30." Ngumuso ako.

(Alam ko naman 'yon, anak. I just missed you. Mga kapatid mo may sarili ng pamilya, bihira nalang dumadalaw dito, tapos ikaw nagpakalayo-layo.) Malungkot na saad ni Mama.

Sina Ate Krissa at Kuya Kristoff ang tinutukoy ni Mama na may sarili ng mga pamilya. Sa malayo rin kasi sila tumira, dahil naroon ang kanilang pamumuhay, bihira nalang silang nakakadalaw sa bahay, lalo na at nag-aaral narin aking mga pamangkin.

Ngumiti ako ng tipid. "Si Mama naman, nagddrama. Kadarating ko lang dito sa Isla, pinapauwi niyo na agad ako." Biro ko. "Uuwi rin po ako. Sulitin ko lang po muna ang pagpunta ko rito. Miss ko narin po kayo ni Dad."

Bumangon na ako sa pagkakahiga at lumabas sa veranda ng aking kwarto, kung saan makikita ang lawak ng karagatan. Dapit-hapon na pala. Napangiti ako sa kagandahan nito, parang ang sarap nalang mamuhay rito, wala gaanong tao, tahimik, malayo sa kaguluhan, maaliwalas ang paligid.

(Katherine..) boses ni Mama. Muntik ko ng makalimutang kausap ko pa pala siya. Napatingin ako sa aking cellphone.

Nakasimangot na si Mama. (Mukhang nasisiyahan ka na diyan anak ha. Nakakatampo na.)

Napatawa ako sa inasal ni Mama. Sumandal ako sa kanang bahagi ng railings, nakatalikod sa kabilang veranda ng katabing kwarto. "Ma, naman. H'wag ka ng magtampo. Sabi ko nga kanina, uuwi rin naman po ako."

Napangiti narin si Mama. (Aasahan namin yan ng Dad mo. Update mo ako kung kailan para maipaghanda ko mga paborito mo.)

Humarap ulit ako sa karagatan at ipitanong ang dalawa kong braso sa railings nito. Natuwa ako sa sinabi ni Mama. Namimiss ko narin ang kanyang mga luto. "Opo Ma. I missed you and Dad. See you soon."

Napatango si Mama. (I love you anak. Mag iingat ka parati.)

Tumango ako at ngitian siya, "I love you too, Ma."


**********

Thank you for reading! 😊

Never The StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon