Chapter 3

21 0 0
                                    


Kath's POV


Pagkatapos kong makausap si Mama, hinayaan ko ang sariling pagmasdan ang papalubog na araw. It gives me a moment of peace just by watching it. I smiled. Sunsets are proof that at the end of the day, no matter what happens, it still ends beautifully.


Iginala ko ang aking paningin sa paligid, unti-unti nang pinapailawan ang buong paligid ng Isla. May ilang metro mula sa dalampasigan, itinayo ang mga kawayang hindi gaanong kataasan, sinabitan ito ng lampara na nagsisilbing ilaw sa palibot ng Isla.


Nang lumubog na ang araw napagpasyahan ko ng pumasok sa loob at isinarado ang sliding door. Dumiretso na ako sa banyo upang maligo.  Pagkatapos, nagbihis na ako at nag-ayos saglit.


Sa restaurant ng hotel ko balak maghapunan. Gusto ko munang masubukan at matikman ang kanilang specialty sa Isla bago ko libutin ito. Nabasa ko sa isang blog na masarap ang kanilang mga pagkain, sa totoo lang mahilig akong kumain lalo na kung seafoods 'to. It's always been my favorite.


Lumabas na ako ng aking kwarto dala lamang ang aking wallet at cellphone na nilagay ko sa aking rattan round sling bag.


Pagdating ko sa restaurant ng hotel, medyo marami ng tao. Mukhang tama nga yung nakalagay sa blog, maraming mga turistang kumakain rito. Bukod sa masarap na pagkain raw rito, maganda ang pagkakagawa ng interior designs. And...yes. Those pictures I've seen on the blog where real. I mean, it's not edited. It is what it is. Kung maganda na sa pictures, mas maganda kapag nakita mo mismo. It was mesmerizing.


"A table for how many Ma'am?" nakangiting tanong nung service crew nila.


I smiled at her. "One, please."


"This way Ma'am." Iginiya niya ako patungo sa uupuan ko. Sumunod naman ako sa kanya.


Pagkarating, naupo na ako at iniabot niya sa akin yung list ng menu nila.


"If you're done with your order Ma'am, just call me." She said with a smile on her face. I nodded and smiled at her too. Then she walked away.


Napa-wow ako sa isip ko ng makita ang prices ng kanilang seafoods. I thought it was pricey, but damn. It's cheaper than what I thought. I think my eyes now were twinkling. Lol. But seriously... I'll gonna order my favorites!!


Pagkatapos kong namili ng aking oorderin, tinawag ko na yung service crew na nag assist sa akin kanina. Sinabi ko sa kanya mga inorder ko. Mukhang nagulat pa siya sa dami nang inorder ko dahil mag isa lang naman akong kakain. Nginitian ko nalang siya at nagpasalamat.


Pagdating sa paborito kong pagkain, no one can stop me. Haha.



**********

Thank you for reading.

Never The StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon