Liana Pov
bilisan niyo kumilos
padating na daw
manong pabuhat nang pag kain
bilisan niyo na!'Ano bang ingay tong naririnig ko? ang aga aga pa ah staka wala pa namang pasok ngayon nakakainis naman eh
tumayo ako at nag ayos para makababa na" Ano bang nangyayari dito? ang iingay niyo" medyo naiinis na sabi ko pinaka ayoko kasi sa lahat yung nabubulabog yung tulog ko
" Sorry young lady pinag mamadali kasi kami ni sir dan and maam jen mag ayos kasi may dadating daw pong bisita" paumanhin na sinabi sakin ni manang
Sino kaya yun? inaantok pa talaga ako eh nahiga nalang ako sa sofa sa sala diko namalayan na nakatulog na pala ako
"I miss you baby girl miss mo rin ba ko? ang ganda mo na talaga dalagang dalaga kana" naririnig kong sabi sakin nang kung sino kaya dumilat ako
Sana pala di nalang ako dumilat kasi nasa harapan ko ngayon yung taong kinaiinisan ko kaya tinulak ko siya
" Ano ba bakit mo hinahawakan yung buhok ko" naiinis na sabi ko sakanya
"Namiss ko lang baby girl pero mas namiss kita hindi mo ba ko yayakapin" nakangiting sabi niya na kinairap ko
" At bakit naman kita yayakapin aber" nakataas nang kilay na tanong ko sakanya
" Syempre namiss mo yung kuya mo" sabi niya sakin na kinalaglag nang balikat ko ganun parin pala
Nagsisiunahan na naman yung luha kong bumagsak pero bago lumaglag yun tumakbo na akong paakyat sa kwarto ko
Ganun parin pala tingin niya sakin nakakabatang kapatid ang sakit lang akala ko kasi may chance pa akala ko kaya siya umuwi dito kasi narealize niya na mahal niya rin ako umasa na naman ako
Iyak lang ako nang iyak pero naalala ko dapat ipakita ko sakanya na wala na akong nararamdaman sakanya dapat wala na talaga nag ayos ako bago ako bumaba
" Hi princess come here dito ka umupo sa tabi ni rence " sabi ni mom na ngiting ngiti alam niya kasi na first love ko si rence
" Hows your life in US rence" tanong ni dad kay rence nakikinig lang ako habang kumakain ayoko kasi ipahalatang interesado ako sakanya
"Okay na tito dan maganda na ang takbo nang business namin nila mommy actually ako na may hawak nang whole empire nang Navarro's company" sabi ni rencce kay dad
So siya na pala may hawak nang lahat at the age of 22 wow lang im impress but wala parin akong pake sakanya
" Maganda yan iho para makapag ipon kana para sa mapapangasawa mo" Sabi ni mom sabay ngiti sakin nang mapang asar
" Tama ka tita kunting hintay nalang papaksalan ko na yung babaeng gusto ko" sabi ni rence ewan ko ba kung guni guni ko lang pero mukang ako tinitignan niya
" May girlfriend kana ba iho?" tanong ni papa
" Si claire parin po tito" sagot tito
Sabi na guniguni ko lang yun bakit naman siya ko magugustuhan buti nalang hindi ako nag assume nang sobra kasi alam kong masasaktan lang ulit ko
" Kayo parin pala rence ang tagal niyo na 4 years na rin pala kayo" sabi ni mom kay rence na kinatango niya
Sila parin pala stay strong sabagay alam ko naman na mahal na mahal niya si claire biruin mo sinundan niya talaga to para hindi na makawala yun sana pala nag pakasal nalang silang dalawa
"Ikaw liana kamusta school niyo? nabalitaan ko wala na daw kayo ni nathan tapos meron ka na namang panibago ano ba ulit name nun princess?" ngiting sabi ni maam
" Si iverson collins mom kakasagot ko lang kanina" sabi ko nalang hindi yan titigil si mom habang hindi ako naiinis
" Collins? good choice princess good business partner" sabi ni mom pwede bang sabihin na loka loka tong nanay ko
" New boy na naman princess kailan ka ba mag iistick sa isang lalaki" sabi ni dad na kinayuko ko nakakahiya nandito pa naman tong bwiset na to
" Dad mabait naman si iverson sweet pa and syempre mahal niya ko" sabi ko kay dad
" Paano ka nakakasigurado na mahal ka niya samantalang bago palang kayo" sabi sakin ni kupal na kinainis ko hinahamon ata ako nito eh
" Hindi niya ko sinaktan" balik ko sakanya
" Pag sinaktan kana ba nang isang tao ibig sabihin nun hindi kana niya mahal" sagot niya sakin
"Oo dahil dika sasaktan nang tao kung mahal ka talaga nito" sabi ko sabay tingin sa mata niyang malamig
"Your wrong baby pag mahal mo yung isang tao masasaktan at masasaktan ka parin kasi hindi pag mamahal yun kung hindi ka nasaktan at may mga dahilan kaya nasasaktan ka nang taong mahal mo" sabi niya sakin ewan ko ba kung imagination ko lang talaga pero nakita kong namumula mata niya
YOU ARE READING
Making you mine
Teen FictionNagmahal lang naman ako ah bakit kailangan pang masaktan?