Liana pov
Bakit ba ganyan pinag sasabi niya pina pafall niya na naman ba ko kakainis to pero diko itatanggi na kinikilig din ako
"Wag ka ngang ganyan tumingin staka kung ano ano na namang pinagsasabi mo" naiilang na sabi ko sakanya
"Bakit namumula ka baby? may sakit kaba?" nag aalalang tanong niya sakin sabay hawak nang pisnge ko na mas lalo kong kinapula
"Hala baby bakit mas lalo kang namumula" nagtatakang tanong niya sakin
Paanong hindi ako mamumulang ilang pulagada nalang mahahalikan niya na ko ang lapit lapit niya pa sakin
"Ano wala to bumalik kana dun" balewalang sabi ko sakanya pero hindi naman niya sinunod kasi mas lalo pa siyang lumapit
Tinitigan niya ko sa mata dun niya lang napansin na isang pulagada nalang mahahalikan niya na ko
Nagulat nalang ako nang unti unting lumapit yung muka niya sa muka ko nakapikit na siya kaya pumikit narin ako hahalikan na sana niya ko nang nag ring cp niya
Pinatay niya yung tawag sakanya sabay yakap patalikod sakin para siyang hingal na hingal ano kayang nangyari sakanya
"Anong ginagawa mo sakin baby? binabaliw moko" hiningal na sabi niya sakin
"Ha? bakit?" wala sa sariling sabi ko sakanya pero yinakap niya lang ako nang mahigpit
Ilang minuto rin kaming ganun ang posisyon nagkalas lang kami sa pag kakayakap nang may tumawag ulit sakanya kaya iritado siyang tumayo at sinagot yung tumawag sakanya
Dahil sa ako ang naiwan ako nag ayos nang plato namin staka ko hinugasan paakyat na sana ako sa kwarto ko nang tawagin ako ni rence
"Baby matutulog kana ba?" tanong niya sakin nang makita niya akong paakyat sa taas
"Nope" sabi ko nalang
"Samahan mo nalang ako dito mag momovie marathon tayo okay lang ba?" nakangiting sabi niya sakin
"Hmm pwede narin boring sa taas eh" kunyaring napipilitang sabi ko sakanya
"Baby ano gusto mong movie?" tanong niya sakin kaya nag isip ako
"Wala akong maisip gusto ko love story" sabi ko sakanya ayaw kasi mag function nang utak ko
"Titanic nalang you want baby" suggestion niya na kinatango ko nalang
Hinila niya ko patabi sakanya nanood kami pero habang tumatagal parang may napapansin ako imbes na sa palabas siya tumingin sakin siya nakatitig
"Bakit naman ako yung pinapanood mo imbes na yung movie" nagtatakang sabi ko sakanya
"Para kasing ang lapit lapit mo sakin pero hindi kita maabot para bang may pader na nakaharang sa pagitan natin" malungkot na sabi niya sakin
"Manood nalang tayo maganda na yung scene palubog na yung barko" pag iiba ko nang topic
"Lumubog narin ba yung nararamdaman mo sakin?" tanong niya sakin na kinagulat ko
YOU ARE READING
Making you mine
Teen FictionNagmahal lang naman ako ah bakit kailangan pang masaktan?