Liana pov
Inintay ko munang makaalis yung kotse ni iverson bago ako pumasok palakad na ko sa kwarto ko nang narinig ko yung malamig na boses niya
Natatawa pa ko sakanya kasi baka daw mapano ako kaya pinapapasok niya ko sadyang ako si makulit hindi ako pumayag paano ba naman nandito na ko sa gate namin kaya wala nang mangyayari sakin
"Bakit mo ko iniwan dun" malamig na sabi niya
"Kasama ko boyfriend ko kaya sakanya ako sasama" sabi ko sakanya
"Talagang nag pahalik ka pa talaga sa noo ah" malamig na sabi niya sakin na kinatigil ko
"Bakit ba? boyfriend ko naman siya ah" balik na sabi ko sakanya na mukang kinainis niya
Pag sinasabi ko ata yung word na boyfriend ko lalo siya naiinis pansin ko lang problema nito
"Boyfriend? you are too young for that kind of relationship!" Inis na sabi niya sakin
" Nahiya naman ako sayo parang 17 karin naman nung nag gf ka ah mas malala ka pa nga eh kasi ikaw sumama kapa sakanya para makasama siya! kaya pwede ba hayaan mo nalang ako" sigaw ko sakanya
"Wag mong binabalik sakin ang lahat lalaki ako babae ka bawal ka pa kaya kung ako sayo makikipag break kana sa bf kuno mo" inis na inis na sabi niya sakin na kinainis ko lalo
"Bakit ako makikipag break sa lalaking mahal ako at mahal ko" asar na asar na sabi ko sakanya
"Hindi mo siya mahal!" madilim na sabi niya sakin
Anong alam niya dun? sabagay mahal niya pala si claire pero ako wala lang ako sakanya alam kong hindi ko pa mahal si iverson pero gusto ko na siya
" Mahal ko siya! kaya pwede ba wag mo kong pakielaman" sigaw ko sakanya
Alam kong nagsisinungaling lang ako pero matutunan ko rin mahalin si iverson
"Papakielaman kita kasi mahalaga ka sakin" sigaw na sabi niya rin sakin
Ang kapal nang muka niya matapos nang mga ginawa niya sakin sasabihin niya na mahalaga ako sakanya
"Simula nang sinaktan mo ko pinakita mo narin na wala akong halaga sayo" sigaw ko sakanya sabay takbo papuntang kwarto
YOU ARE READING
Making you mine
Teen FictionNagmahal lang naman ako ah bakit kailangan pang masaktan?