The Lost Zebrina

11 1 0
                                    

Isang hapon iyon, habang nagpaplano ang araw papunta sa kanyang lulubugan. Sa mahabang kalsada at medyo matalahib na gilid ng daan.

Her eyes.

Her smiles.

Her lips.

Her pointed nose.

Her curly lashes.

Her moves.

Her voice.

Her smells.

The way she talk.

Tahimik naming tinatahak ang daan pauwi sa aming mga bahay. Alam naming pareho na maya-maya lang at hindi magtatagal ay palubog na ang araw. Ngunit hindi balakid yun sa aming paglalakad. Mula sa paaralan sa sentro ng bayan at pag-uwi sa mga sitio ay kailangang gamitan ng sasakyan. Ngunit, heto kami walang inisip kungdi tahakin ang daan.

"Narinig mo ba lahat ng sinabi ko?"

Tumango ako, nagpatuloy ulit ito sa mga bilin niya. Heto, nanaman kami paulit-ulit sa mga payo niya.

"Basta, mag iingat kayo dun, tsaka saang bayan ba kayo mangangampanya sa ikalawang linggo?"

"Sta.Lucia, San Vicente, Lupao at Calaw."

"Sige, wala naman akong magagawa kung hindi pumayag. Ang mahalaga mag-ingat kayo doon."

Nangingiti ako sa bawat salitang binibitiwan niya. Ang expression ng mukha niya kung paano magbilin at mag-alala.

Habang tinatahak ang daan sa kalagitnaan ng talahiban, isang pag-iyak ang nakapagpatigil at nakapag patahimik sa aming kapaligiran. Tila pag-iyak ng isang sanggol. Inikot namin ang aming paligid upang hanapin ang pinanggalingan. Laking gulat namin ng makitang ang walang kamalay-malay na sanggol sa gilid ng daan. At sino naman ang walang pusong nag iwan ng isang batang sanggol sa gilid ng daan.

Buhat sa pagiyak kitang-kita dito na para bang may nararamdaman. Huminto kami sa tapat ng sanggol. Nang bigla niya itong pulutin at kargahin na para siyang ito ang ina.

"Sssshhhh... baby, stop crying na."

Nagpatuloy sa pag-iyak ang sanggol, pinagmasdan ko itong mabuti. Ngunit isa ang nakakuha ng atensyon ko. Ang ngiti ng isang babae na may binabalak at plano? Binigyan ko sya ng isang tanong na tingin.

"Uy, ibaba mo yan anung iniisip mo nanaman!"

"Please, kawawa naman eh"

"Ibaba mo yan... Mamaya tyanak yan, mamaya multo pala yan, atsaka baka mapahamak tayo sa bata na yan. Malaking gulo ang magagawa satin niyan at sa pamilya natin."

"Hindi naman natin pwedeng iwan yang sanggol dito, what if ako yung nandiyan iiwan mo rin ba... Sige na uwi na natin please..."

"Sige, basta hindi pwedeng magtagal sa inyo yan ah.... Baka pagkamalan na anak ko yan."

"Pssshhh... asa! Pero thank you ahh... Say thank you daddy! Zebrina, say thank you to daddy..!"

"Huy! anong may pangalan na!"

Sa kagustuhan nito at hindi ko matanggihan ang hiling wala kaming nagawa kundi iuwi ang bata. Malapit na kami sa kanilang mansyon ng ito ay muling magsalita.

"Pwede ba dito na lang siya? Sige na please...."

Nagmamakaawang boses at mata muli ang pinaabot sakin nito. Ngunit tanging pag iling lamang ang binigay ko.

The Lost Zebrina (One Shot)Where stories live. Discover now