Sa mga panahong iyon ang mga araw ay gabi;
At ang bawat gabi ay impyerno.
Ang mga tao ay nasa kadiliman.
Ang tanging dumanak ay pawis at dugo.
Sa mga panahaong iyon, sa bawat sulok, sa bawat kanto,
Ang maririnig ay putok ng baril, sigaw at saklolo.Ang bawat pagdaan ng mainit na araw at malamig na buwan
Ay ang init ng pagdadalmahati at tila nanlamig na kalayaan.
Ipinagkait sa di umanoy yaman sa gitna ng karagatan,
Ipinagkait sa tao, sa Perlas ng SilanganSa mga panahong iyon ay tila tumigil ang mundo.
Walang ginawa kundi magtrabaho ng magtrabaho.
Sa bawat pag-upo ay ang hapdi ng latigo.
At sa bawat pag-aklas ay pagdadalamhati ng mga taong itago natin sa pangalang Indio.Tatlong daang taon at tatlumpu't tatlo pa,
Sa pagwangis ng karimlan, lumaki isa-isa.
Dagdagan ng labinlimang taon pa
Sa kamay ng mga kano tila tayo ay isinumpa.Dagdagan pa ng tatlong taong gyera ng mundo
Sa haba ng panahon nasa kamay tayo ng mga leon na gutom na gutom,
Mga ahas na sa mga kayamanan ay agom,
Mga agilang ang lipad ay bali-baliko,
Mga lobong inagaw ang mga ubas ng kabilang nayon.Ang taong minsa'y bihis na bihis
Dahil sa prutas na pinitas sa gitna ng kagubatan,
Ay nahubaran ng dugo't karahasan.
Takot sa mahinang huni ng gatilyo,
Dahil kasunod nito ay ang pagbaon ng bala,
Na umagaw sa buhay ng mga indio.
YOU ARE READING
THE CHANTS OF OBLIVION: Poems and Flashes
PoesíaA collection of all phases of life directed away from the light.