WATTPAD FILIPINO BLOCK PARTY 2019
#TWFBP2019 #TWFBPTimeTravel
Codename: This Guy
MAHAL KO
Hindi ko alam kung paano ko ba sisimulan ang lahat ng ito. Nasa facility area ako at nagpapahinga wala akong magawa kaya nag-type na lang ako sa laptop ko, gusto ko lang ikwento ang istorya ng buhay ko.Tandang-tanda ko pa: March 2011, una tayong nagkakilala. Entrance exam sa isang unibersidad sa Maynila. Nagkakilala tayo dahil magkatabi tayo sa upuan, Magkasunod kasi tayo ng apelyido, Medina ka, at Mellaño ako.
Una mo akong kinausap non dahil nanghiram ka pa sa akin ng lapis. Tandang-tanda ko iyon dahil iyon ang unang beses na nagka-usap tayo. Buti nga at may extra lapis ako, at napahiram kita.
Nagpasalamat ka sa akin 'non, at noong matapos ang entrance examination niyaya mo pa akong pumunta sa canteen para lang mailibre mo ako. Since wala pa naman akong kakilala sa University at kailangan ko ng magiging ka-close ay sumama ako.
Nagpakilala sa akin at ganoon din ako, sobrang masaya ako dahil joker ka pala. Ang dami mo pa kwento sa akin at nag-e-enjoy naman ako. Nalaman ko na malapit lang sa University yung bahay n'yo. May negosyo din 'yung pamilya n'yo kaya nakaka-angat din kayo sa buhay.
Ako naman, sinabi ko din ang pangalan ko, sinabi ko din sa 'yo na security guard ang Papa ko sa SM at ang Mama ko naman ay tindera ng mga isda sa Palengke. Sinabi ko rin ang dahilan sa 'yo kung bakit ko gustong pumasok sa University. Pangarap ko kasi na makapag-aral don, bilang iskolar.
After nating mag-usap ng saglit sa canteen, kinuha mo 'yung cellphone number ko. Nagka-text tayo.
Every night, almost every day.
In-add mo nga rin ako sa facebook kaya sa tuwing online ako ay nagka-ka-chat tayo.
Aaminin ko, masaya sa pakiramdam na nakilala kita at nakaka-usap kita.
Parehas tayong nakapasa sa University. Sobrang tuwa ko nang ma-qualified ako sa pagiging scholar. Sabi mo pa nga sa akin noon na proud na proud ka pa.
June 2011, first year college tayo, Engineering 'yung course mo samantalang ako naman ay Tourism. Pangarap ko rin kasi talaga na maging flight attendant balang araw.
Hindi man tayo naging magkaklase pero lagi naman tayong nag-uusap. Unang araw pa lang ng pasukan ay sinundo mo na agad ako sa classroom ko. Hinintay mo pa nga ako sa labas dahil hindi pa tapos ang klase. Noong araw din na iyon mo rin sinabi sa akin liligawan mo ako.
Mahigit isang taon mo rin akong niligawan pero kahit na ganoon ay hindi ka pa rin sumuko.
August 2012, nang sagutin kita. Sobrang saya mo pa nga eh, noong araw ding iyon mo ako ipinakilala sa magulang mo. Nahihiya pa nga ako dahil baka hindi ako tanggap ng magulang mo pero very welcoming naman pala talaga sila.
Naging masaya yung relasyon natin, naging mas matatag habang patagal ng patagal.
Kapag umaalis ka kasama ng mga kaibigan mo ay nagpapaalam ka sa akin. Kahit saan ka magpunta ay ipinapaalam mo sa akin kahit na hindi ko pa naman itinatanong sa iyo. Ramdam na ramdam ko na, mahal na mahal mo talaga ako at loyal ka sa akin.
Lagi mong ipinapaalala sa akin na mahal na mahal mo ako at ako lang ang pinakamagandang babae na nakilala mo bukod sa mama mo. Nakakasawa na nga yung mga corny jokes mo, pero hindi naman ako nagsasawang mahalin ka.
BINABASA MO ANG
The Wattpad Filipino Block Party 2019
RandomHey Wattpadders, panahon na naman para sa pinakamasayang party rito sa Wattpad! Maki-celebrate sa buong buwan ng Hulyo at ihanda ang sarili upang balikan ang mga kwentong tumatak sa ating mga puso. #TWFBP2019 #TWFBPTimeTravel