Cinnderella's Short Story

1.7K 129 44
                                    

WATTPAD FILIPINO BLOCK PARTY 2019

#TWFBP2019       #TWFBPTimeTravel

Codename: Cinderella

One Sweet Day (Alternate Universe)

"Asthreya Fortin!" sigaw ng aming mentor na bading. "You're spacing out!"

Napakurap-kurap ako at sinulyapan si Spiral na tamad ang panunuod mula sa couch, his forehead wrinkled when he heard my name. Medyo napahiya naman ako dahil sa pamumuna sa akin ng mentor, hindi kasi ako sanay mapuna lalo na sa trabaho kong ito. I was always getting praises but not really with Spiral Roscoe around, I just feel so shy everytime we're uniting in one place like he's the biggest intruder of all time.

"Sorry, po." I bowed my head.

"On the top!" Umirap ang mentor sa akin at naglakad patungo sa kanyang upuan.

Sari-saring bulungan naman ang ilan dahil sa aking eksena, uulit din kasi sila. Bawat mali ng isa ay mali na ng lahat, it's a domino routine so nobody will really dare to do mistakes and I'm here like a fucking bitch who's always dragging them down with my fall.

Halata ang pagod sa mga kasama kong modelo nang matapos ang aming rehearsal para ssa darating na Fashion Week, halos kurutin nila ako gamit ang kanilang matatalim na tingin dahil sa pagiging mali-mali kanina. Sa abot ng aking makakaya kanina ay hinayaan ko na lamang ang presensya ni Spiral kung saan dahil hindi talaga nakakabuti sa pakiramdam. I feel like flying above the fire that's burning my all parts everytime his eyes would watch me, kahit hindi ko pansinin iyon ay alam kong nasa akin ang mga mata niya at iyon ang talagang nakakapaso sa lahat-lahat.

After the rehearsal and rest time, I waited until he left because I couldn't really walk pass him knowing that he'll look after me. Ayaw ko na, tama na iyong ilang buwan na sinayang ko sa kanya ang oras at sa huli ay sakit pa pala ang dulot sa akin ng kanyang kalokohan.

Come on, I am nervous to someone who cheated on me!

Mabilis kong nilingon ang magkabilang pasilyo, nang makitang walang bakas niya ay mabilis akong tumakbo palabas. Habang nagmamadali sa paglalakad ay hinalungkat ko sa aking bag ang susi ng kotse.

"Alright, Ms. Ruth."

Namilog ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Spiral mula sa likuran, saglit kong nilingon iyon at natagpuan siyang nakikipag-usap sa isang modelong batikan. She was smiling, nauna siyang naglapit ng mukha para bumeso kay Spiral at ganoon na lamang ang pag-iinit ng mga mata ko sa senaryong natagpuan, damn him! Talagang dito pa siya nagkalat ng kalokohan niya! Although, we're not in a relationship anymore but can't he at least have some respect? Nasa iisang management lang kami ng mga nababalitaan kong babae niya!

Ang sakit pa rin sa mata kahit wala na kaming relasyon, e!

Inalis ko ang tingin sa kanila at nagmadali na lamang sa paghahanap ng susi sa aking bag, suminghap ako dahil sa frustration. I can't find my keys! Damn it! Where the fuck are you?

"Please, please... 'wag ngayon magtago, oh," taimtim kong daing.

Kinapa ko hanggang kailaliman ng bag ko at ganoon na lamang ang ginhawa nang matagpuan ko, napangiti ako sa gitna ng nerbyos.

"Chian..."

My heart almost died in shock as I heard his voice from behind, naramdaman ko ang pighati sa aking kalooban ngunit hindi ko siya nilingon. Tuluyan kong in-unlock ang aking kotse, binuksan ko ang pinto. Bahagyang nadikit ang likuran ko sa kanya nang umatras ako sa pagbukas ng pinto, kinabahan ako nang marahan niyang hawakan ang aking siko.

"Ano ba?" iritado kong singhap sabay bawi sa siko at humakbang na ako papasok.

"Mag-usap tayo," aniya. I could hear a frustration there.

Napahinto ako sa akmang pagsakay at kunot noo siyang nilingon sa likuran. He was looking at me with a tiredness in his eyes that made me feel more irritated. Anong ibig sabihin niyan? Siya pa ang pagod? O talagang mukha lang siyang pagod dahil may ginawang milagro sa backstage!?

"Tigilan mo na ako, Spiral. Tapos na tayo, 'di ba? Hindi na natin kailangan mag-usap pa," malamig kong sinabi.

"Definitely not done, Chian. You didn't let me explain, remember? I just gave you days to figure out that I never cheated on you, but I guess that you're really in the wrong idea...." He sighed and held my forearm gently. "Please, babe. Let me explain to clear myself."

I wriggled and pushed his chest with a disgust on my face, my eyes heated.

"I don't need explanation! Clear yourself? Really? Kitang-kita ko, e! At ngayon, dito ka pa talaga nagkakalat!"

His jaw clenched. "When did you even let me fix our arguments, huh? You don't really know how to listen! I didn't cheat, alright? You're just pushing it because you saw the kiss! You saw it but you never know how it happened! You just decided to see me cheating when the truth is, it was a pure accident!"

I gasped, tears fell down my cheeks. Umiling ako at napahikbi, agad siyang nanlambot sa nakikitang mga luha ko at saka ako hinawakan sa siko para lapitan. He instantly wiped my tears off, I shook my head again and pushed him.

"You kissed! Iyon ang malinaw! That's cheating!"

"It's cheating if I kiss back! Did you see me kissing her back? I didn't even move my lips and I pushed her immediately! Maniwala ka naman sa akin, Chian. I won't do anything to hurt your feelings while having me and cheating isn't my thing, kung ayaw ko na sayo, makikipaghiwalay na lang ako. Hindi ko kayo kailangang pagsabayin!"

Nanghihina na ako, hindi ko alam kung bakit ganito ako kahina pagdating sa kanya. Ang sakit kasi kapag naalala ko na may iba siyang kahalikan at nakita ko pa, I may not know the story behind it but it still hurt me! I'm in a relationship with him for a year, until that kiss happened between him and his ex girlfriend that I was jealous of since the very first time I heard about them!

"Sana umilag ka na noong una pa lang! Bakit umabot pa siya sa labi mo, 'di ba?"

Dumausdos ang kamay niya pababa sa aking kamay at marahan niyang inangat iyon para halikan ang likuran ng palad ko. My heart broke weakly, bumagsak ang mga balikat ko habang nakikipagtitigan sa kanyang mga matang hindi kailanman nilisan ang akin na tila lahat ng nilalaman noon ay walang halong iba kundi pagmamahal at sinserong panlulumbay sa aming sitwasyon.

"Because I never expected that to happen, I thought she's already moved on. I'm so sorry for being an ass to be in one department with her knowing that my girlfriend is jealous of her. Please, Chian. Tanggapin mo na ulit ako... hindi na ako uulit."

My tears rolled down, nagyuko ako ng ulo at pinahiran ang mga luha sa pisngi. I inhaled deeply and held my sobs in. I can't believe I'm this weak when it comes to him, sobrang hina ko at hindi ko alam na napapatawad na agad siya ng puso ko. I want him always, I miss him a lot...

Tumango ako at hindi napigilan ang maliit na hikbi. I'm really in love with him that even though I'm still mad about what happened—my heart still screams for his presence. Alam ko naman na kailangan ko ring marinig ang paliwanag niya, ang kaso ay nawawalan ako ng gana tuwing naririnig ang tungkol doon. Nasaktan talaga ako sa nangyari at wala na akong magagawa kundi ang tiisin ang sakit na dinulot noon.

"Huwag ka na ulit lalapit sa kanya, Spiral. Nagseselos ako, alam mo naman 'yon. Ayaw ko iyon, ayaw kong nalalapit ulit kayo." I bit my lower lip and avoided his gaze.

Relationships won't really work out without talking about things, sa isang taon naming magkarelasyon ay heto ang pinakamalalang away na nakasalamuha naming at sa huli ay nagpapasalamat ako na naaayos naman. I just really had to cool down from what happened for days.

He gasped and pulled my forearm, agad akong nakulong sa kanyang mga bisig. My nose buried on his chest, he planted gentle kisses on my hair and nuzzled my cheek.

"Hindi na, Chian. I'm so sorry, I never intended to hurt you... I will never hurt you for someone. I love you, you are the only woman I'm seeing now and picturing as my future partner in this life."

Me, too, Spiral... me, too. 

The Wattpad Filipino Block Party 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon