Kabanata II

174 12 0
                                    


Pagkatapos nun ay agad tumakas si Papa, ni hindi man lang kami inalala. 

Ano pa bang aasahan sa kanya? 

Nakuha niya ngang patayin si Mama eh.

Nasa prisinto pa kami, hinihintay ang kamag-anak 'kuno' namin na kukupkop sa aming dalawa ng ate ko.

Napahikab naman ako sabay hilig sa may upuan.

'Ang tagal naman nila.' 

Napatingin naman ako sa pintuan nang bumukas ito. 

Bumungad naman sa amin ang dalawang malalaking lalaki na kasama ng isa pang pulis.

"Mga bata, nandito na ang mga uncle niyo. Sa kanila na muna kayo titira." sabi nung pulis at sa hindi malamang dahilan ay bigla akong kinilabutan.

Why do I feel that this isn't a good idea? 

* - * - * - * - *


"Yan ang simula my dear inspector. Tatapusin ko pa ba?" nakita ko namang kinakabahan ito pero kalauna'y tumango rin ito. 

Kaya napangisi naman ako saka ipinagpatuloy ang pagku-kwento. 

Pagku-kwento ng walang kwenta kong buhay. 

* - * - * - * - * 

"Aray ko po, Uncle. H'wag na po." rinig na rinig sa buong sulok ng bahay ang mga palahaw ko at paghagulhol.

Akala ko nung una ay okay lang na sa kanila muna kami tumira pero hindi. 

Palagi silang lasing at ang dami pa nilang mga kaibigan! 

Ang iingay pa nila kapag gabi lalo na kapag nagdadala ng babae rito sa bahay. 

Idagdag mo pa na mahilig silang mamalo at manakit.

Ni hindi ko na nga mabilang kung ilang pasa at sugat na ang nakuha ko mula sa kanila.  

Idagdag mo pa ang ate ko! 

Siya iyong nakabasag ng vase pero ako ang itinuro! 

Palibhasa siya ang paborito nila uncle! 

Patuloy lang ako sa pag-iyak nang tuluyan na akong tinigilan ni uncle. 

"Linisin mo yon! Pagkatapos, mag saing ka na! Hindi yung puro libro mo lang ang inaatupag mo!

 Pest*ng bata 'to!" sabi ni Uncle John saka ako itinulak.

Napatingin naman ako sa may hagdan at nakita ko naman ang ate kong nakatingin lang sa akin.

"Cristina! Halika nga rito! Hilutin mo nga 'tong likod, na nanakit na eh." sabi ni Uncle John at nakita ko namang agad na tumalima ang ate ko.

At habang patagal ng patagal ay mas lalong lumalala sila Uncle. 

Idagdag mo pa ang mga kaibigan nilang halos sa bahay na tumira.

* - * - * - * - *

Isang beses nang ma-late akong umuwi dahil sa research paper namin sa school.

Hindi ko alam pero tila ba kinakabahan ako.

Rinig na rinig ko pa ang halakhakan nila habang papasok palang ako sa may gate. 

Hindi ko alam pero bigla nalang akong napadasal.

Pagkapasok ko palang sa pintuan ay tila ba gusto ng lumabas ng puso ko dahil sa kaba.

Nanginginig pa nga ang kamay ko habang pinipihit ang seradura. 

Pagkapasok ko palang ay agad namang napatingin sa akin ang iilang kaibigan nina Uncle.

Nakita ko pang ang malalagkit nilang tingin sa musmos kong katawan.

Napatingin naman ako sa mga nagkalat na mga kagamitan sa lamesang inuukupa nila. 

Bote ng mga alak, plastic wrappers ng junk foods, upos ng sigarilyo at iilang foils na hindi ko alam ko para saan. 

"Charity! Ginabe na naman yata! Anong pinagkakaabalahan mo?" tanong ni Jacob, isa sa kaibigan nina Uncle. 

"Ah, yung research paper po namin sa school." sagot ko rito at aakyat na sana papuntang kwarto ng may humigit sa buhok. 

"H'wag kang bastos kinakausap pa kita." rinig kong sabi ni Jacob.

"Research paper daw? Ang sabihin natuto na kung paano lumandi." nagtawanan naman sila. Nagtawanan sila ng parang mga demonyo.

Sinampal naman ako ng isa sa kanila. 

Nahigit ko pa ang hininga ko nang may humawak sa mukha ko.

"Ang sarap yata nito. Nasaan ba si John?" dinig kong tanong ng isa sa kanila.

"Ano pa nga ba! Edi andun sa kwarto nakikipaglaro sa ate nito." naramdaman ko namang may humawak sa hita ko. 

"H'wag po!" pigil ko rito pero may humawak sa mga paa ko at mga kamay. 

At doon na ako nagsimulang umiyak.


"Ako na muna ang mauuna." napaawang naman ang mga labi ko nang marinig kong magsalita ang si Uncle George. 

* - * - * - * - *

Kinaumagahan ay nakita ko naman ang sarili ko sa aking kwarto. 

Ni hindi ko maigalaw ang katawan ko sa pagod at bugbog.

Napatingin naman ako sa taong natutulog sa isa pang kama at nakitang ate ko ito.

Wala ring saplot pero parang wala lang ito rito.

Napaiyak naman ako, sana pala pinatay na lang rin ako ni papa kung ganito rin pala ang mangyayari sa akin.

Mga hayop sila!

Mga walang kaluluwa! 

Paano nila naatim na gawin ito sa amin! 

Patuloy lang ako sa pag-iyak habang pilit iniinda ang sakit ng katawan. 

Magbabayad sila!

I'm gonna make sure they'll gonna pay for what they did to me.

The Sinner's Sinister Smile (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon