(Last Chapter)
"I'm sorry! I'm sorry Charity! I'm sorry kung kinalimutan kita. I'm sorry kung pinabayaan kita. I'm sorry kung iniwan kita." napatigil naman ako dahil sa sinabi ni Inspector."Why are you saying sorry? Bakit? Hindi mo ba sinasadyang iwan ako? Hindi ba ginusto mo yun? Kaya bakit ka nagsasabi ng sorry? Sa tingin mo ba, makakalimutan ko ang lahat dahil lang diyan sa sorry mo? Sa tingin mo ba mawawala ang lahat ng sakit na dinadala ko mula pa noon dahil lang diyan sa isang sorry mo? Ha ate?" humagulhol naman ito kaya napatawa ako.
"Alam mo ba kung bakit hindi ako tumakas matapos kong gawin lahat 'yon?" nakita ko namang napatingin siya sa akin.
"Gusto ko kasing makita ang reaksyon mo. Gusto kong makita kung ano ang gagawin mo sa oras na nalaman mong pumatay ang ka-isa isa mong mabait na kapatid? Kita mo na ate? Naingusan kita? Nakaalis ka sa impyernong yun dahil sa katawan mo habang ako nakaalis ako sa impyernong yun dahil sa utak ko. Ang tali-talino ko diba! Dahil mas pinili ko nalang maging mamamatay tao kaysa maging duwag at pokpok na babaeng katulad mo!" napatigil naman ako nang sinampal niya ako.
Napatawa ako.
"MANAHIMIK KA! Wala kang alam! Wala kang alam sa lahat ng pinagdaanan ko para makarating ako sa kinaroroonan ko ngayon Charity!" napahalakhak naman uli ako sa sinabi niya.
"Wala akong alam? Edi wala! As if naman may pake ako! Saka hindi naman ako nandito para malaman kung ano ang nangyari sayo!" sigaw ko sa kanya kaya napatigil siya.
"Nandito ako para gawin sa'yo 'to!" sabi ko sabay hablot sa balikat niya at itinarak ang injection sa leeg niya.
Nakita ko namang nanginig siya kaya lumapit ako sa kanya at tinitigan siya sa mata.
"See you in hell Ate! Wish us luck!" pagkasabi ko nun ay nakarinig naman ako ng putok!
Putok ng mga baril.
Napangisi ako na parang demonyo.
What a pleasant sound to hear!
*Bang!*
*The End*
BINABASA MO ANG
The Sinner's Sinister Smile (Completed)
KurzgeschichtenA story of a girl who had gone through a lot of hardships, and as the years passed by and as she grow up she became a devil.