Chapter 1

2.4K 41 3
                                    

"Umalis ka na Yuki!" tinutulak ako papalayo ni mommy pero hawak parin ako ng hawak sa kanya.

"Ayoko po!" sigaw ko. Pinipilit kong hawakan sya pero may humilang lalaki sakin at itakbo malayo kay mommy.

--

"Yuki tulungan mo ako dito!" Nagising ako sa katotohanan dahil sa sigaw ni kuya.

Gabi na, wala ng tao sa paligid. Nandyan si kuya Kris, nakapatong yung paa sa dibdib ng isang lalaking vampira na nagwawala sa grass para makatakas. Lumapit ako at itinutok yung baril sa lalaking nagmamakaawa. Hindi na ako nag isip pa at ipinutok ko na agad.

"Tara na" sabi ni kuya Kris habang sinusunog yung bangkay na agad naman nawala.

Pagdating namin sa bahay umupo agad ako sa sofa habang inaayos ni kuya ang mga weapons na panglaban.

"Anong nangyare sayo kanina?" Tanong nya ng hindi nakatingin sakin.

"Wala kuya.. Naalala ko lang yung past.." Sagot ko.

Maliit pa lang ako noon nung tinuturuan na ako ng magulang ko na makipaglaban. Wala sila palagi pag pahapon na, kinocontroll nila ang area, at kinakalaban ang mga vampira. Ang family ko ay isa sa mga pinaka malalakas na grupo ng vampire hunters.

"Yuki anak, pag wala na kami gusto ko na ikaw ang kumuha ng pwesto namin, gusto ko sumunod ka sa apak namin" palaging sinasabi ni daddy yan noon.

"Pero dad, ayoko po maging hunter, gusto ko po maging famous painter" yan ang palagi kong sinasabi sa kanya noong maliit pa ako.

Perp nagbago yun nung mapatay sila ng mga vampira. Pagabi na noon, isinama nila ako sa grupo nila para matuto daw ako by watching, pero hindi nila inaasahan makameet ang isang malakas na grupo ng mga vampira. Nag labanan silang lahat habang pinoprotektahan ako ni mommy. Madaming namatay na mga kasamahan namin, kasama na dun si dad.. Naalala ko pa kung paano sila patayin sa harap ng mga mata ko.

"Umalis ka na Yuki!" Pinag tatabuyan ako ni mommy para mailigtas ko ang sarili ko pero hawak ako ng hawak sa kanya kasi ayoko syang iwanan.

"Ayoko po!" Sigaw ko nun, pero pilit nya ako inilalayo.

Iyak ako ng iyak at sinasabi ko sa kanya na hindi ko sya iiwanan, pero may humila sakin at itinakbo ako malayo sa mommy ko. Nagwala ako at pilit bumababa sa hawak ng lalaki para balikan ko si mommy pero nung lumingon ako sa direction nya, wala na sya, duguan na nakahiga, pinatay na ng mga vampira.

Yung lalaking yun, sya si kuya Kris. Nung una ayoko sa kanya at hate na hate ko sya kasi hiniwalay nya ako sa mommy ko, pero natuto ako magpasalamat. Dahil sa kanya buhay pa ako hanggang ngayon. Kahit hindi nya ako kilala nun, inalagaan nya ako at tinurinh na kapatid kaya nga mahal na mahal ko sya bilang kapatid kahit hindi naman talaga. Sya na yung family ko simula nung nawalan ako ng magulang. Hunter din sya, katulad ko nawalan din sya ng mga kasamahan, naikwento nya sakin na napatay yung kapatid nyang babae na maliit sa bahay nila.

Nag promise ako sa mga magulang ko na igaganti ko sila sa mga pumatay sa kanila, papatayin ko lahat ng vampirang makita ko, kasi pare-pareho silang lahat, walang awa.

--

Hi :) sana suportahan nyo ang story na ito :) sorry po kung medyo pangit XD first time na magsulat ng fantasy hahaha. Pero sana magustuhan nyo :) salamat po

Vampire hunter (EXO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon