Chapter 32

360 11 28
                                    

"Magpahinga ka muna dito" pagkatapos laggyan ni lo ng gamot ang braso ko tumayo na sya at pumunta sa kusina.

Baka nga na-imagine ko lang yun.. Baka dahil sa sakit nung sugat..

"Lo may alam na po ba kayo tungkol sa clan na naghahanap satin?" Tanong ko.

"Hindi pa Yuki, wala pa akong nalalaman, pero kailangan natin mag ingat lalo na ikaw" rinig kong sabi nya.

"Nakausap mo na ba si Kris? Anong balita?" Tanong ni Lo.

"..."

"Yuki?" Sumilip si lo saglit kasi hindi ako sumagot.

"Hindi ko po sya nakakausap.." Sabi ko habang nakatingin sa baba.

"Bakit?"

"Iniiwasan nya po ata ako dahil nasabi ko ang nararamdaman ko sa kanya.."

"Sinabi mo? Yuki naman eh.."

"Alam ko po na mali ang ginawa ko pero hindi ko po to pwede itago habang buhay.. Kasi ito po ang totoong nararamdaman ko"

"Yuki.. Kahit hindi mo sya kadugo, kapatid mo parin sya. Marami pa naman dyan, bakit hindi mo subukan buksan ang sarili mo sa iba? Palagi ka nalang mag isa"

"..."

"Subukan mo apo" umupo sa tabi ko si lo at hinaplos ang likod ko.

"Sige po" niyakap ko sya habang naluluha.

Kakayanin ko to.. Kailangan ko..

--FF--

The Day After

Pagdating ko sa classroom wala pa si m'am, buti nalang.

"H-hi Yuki" nakangiting bati ni Min pagkaupo ko.

"Hi" simple kong sabi.

Dumating narin si m'am at nag explain agad ng mga part ng katawan, as review.

Habang nag e-explain si m'am ramdam ko ang tingin ni Chanyeol sakin sa likod ko, kasi medyo napapasilip ako.

Anong problema nito..

--FF--

Pagkatapos ng lesson lumabas na ang mga classmate ko para kumain sa labas, habang ako inaayos ko pa ang mga gamit ko kasama si Min.

"Tara na" sabi ko pagkaayos ng mga gamit.

Pagkalabas ko ng pinto agad na may humarang sakin at isinandal ako sa dingding.

"H-hoy! Ano ginagawa nyo?!" Pagalit na sabi ni Min sa mga lalaki.

"Wag Min. Sige mauna ka na" itinulak ko si Min sa tabi para hindi na sya madamay sa kung ano man ang mangyare dito.

"Pe-pero--"

"Sige na Min" seryoso kong sabi.

"Ano kailangan nyo?" Sabi ko.

Sila yung nabangga ko nung isang araw, yung tatlong lalaki na yun.

"Magpapakilala lang" sabi ng lalaking humarang sakin.

"Wala akong time ngayon, sorry. Padaan" aalis na sana ako nung hinila nya yung kamay ko at isinandal ulit ako sa dingding.

"Tama na" biglang may humawak sa damit nung lalaki at inilayo sakin.

"Hoho, Kai" sabi ng mga lalaki.

Unti unti lumabas ang mga kasamahan ni Kai sa classroom, lahat sila pumunta sa harap ko, nasa likod nila ako.

"Umalis ka na Yuki" tumingin sakin si Chanyeol habang nag uusap yung iba.

"Hindi ako aalis dito hanggat hindi ko nalalaman kung anong kailangan nila sakin" sabi ko.

"Kilala nyo ang babaeng yan?" Mayabang na tanong nung kasamahan ng lalaking humawak sakin.

"Hindi" sagot ni Tao.

"Bakit parang kilala sya ni Chanyeol? Makaharang" sabi nung isa.

Nagtinginan si Kai at Chanyeol, masama ang tingin ni Kai.

"Ano ba ang kailangan nyo sakin?" Tumabi na ako kina Kai at Chanyeol pero humarang sila kaya nasa likod nila ulit ako.

Ano ba ang nangyayare dito? Sino ang mga lalaki na to?

"Dug--" bago pa matapos magsalita yung lalaki, hinila na ako ni Chanyeol.

Hinawakan nya ang braso ko at hinila papalayo habang nakaharang yung iba para hindi kami sundan.

May tinatago ba sila? Kailangan kong malaman kung sino ang mga yun..

--

Chanyeol's POV

Pagkatapos ng lesson nakita namin sina Xander kasama si Yuki, parang pinipilit nilang kausapin kaya lumabas si Kai at hinarangan si Xander kay Yuki.

Unti unti kami lumabas at tumayo sa harap nina Xander habang nasa likod namin si Yuki.

Hindi nya pwede makausap si Yuki, baka malaman nya na vampira sila, pati kami baka madamay.

Kaya kailangan namin sya ilayo sa kanila.

"Sino sila?" Tumigil na kami ni Yuki sa paglalakad, malayo layo na kami sa kanila.

"Mga.. Bullies, kaya wag ka makikipag usap sa kanila" sagot ko.

"Bullies? Hindi ako natatakot sa kanila. Ano ba kailangan nila sakin?"

"Wala, ganyan sila sa lahat kaya wag mo na sila isipin"

"Paano mo sila kilala? Diba kalilipat lang nila dito?"

Vampire hunter (EXO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon