Chapter 4

642 25 1
                                    

"Wag kang sumunod, para sa safety mo yan" sabi ko.

"O-ok lang" sabi nya.

Hay.. Hindi nya talaga alam kung ano ginagawa nya.. Bahala na sya sa sarili nya.

"Bakit wala ka sa school?" Tanong ko habang naglalakad pa, nasa likod ko sya.

"Be-bestfriend kita eh, nakita kitang lumabas kaya sumunod ako" sabi nya ng masaya.

Bestfriend? Yan ba talaga ang tinatawag sa isang taong kakakilala lang at hindi mo naman kilala ng totoo?

"Bumalik ka na dun, mag aral ka" sabi ko.

"Ay-ayoko nga, masasama ang mga tao dun sakin" sabi nya.

"Masama rin ako kaya bumalik ka na dun" sabi ko.

"Hi-hindi. Alam kong mabuti kang tao.." Sabi nya.

Pilit ko syang pinagtatabuyan pero ayaw nya makinig. Hay, magiging pabigat to sakin.

"At tsak--"

"Sh!" Tumigil ako bigla kasi may narinig ako.

"Dito ka sa likod ko, wag kang masyadong gagalaw at lalayo sakin" sabi ko habang nakatingin sa paligid.

"H-huh? Bakit?" Bilis bilis syang lumapit sakin.

"Basta. Wag kang maingay" sabi ko.

Dahan dahan kong kinuha yung baril sa bag ko.

"An-ano gagawin mo?!" Tanong nya sakin nung makita yung hawak ko.

"Tumahimik ka Min" sabi ko.

Alam ko na may vampira dito.. Pero hindi ko makita kung saan. Umikot ako para tinnan yung nasa likod ko.

"Tinnan mo ang likod ko habang tinitinnan ko yung sa sa harap ko. Sumigaw ka pag may nakita ka" sabi ko.

"O-ok" sabi nya.

"Hindi, wait lang pala. Wag kang aalis dyan!" Tumakbo ako sa isang punto at saktong lumabas ang isang vampira kaya ipinutok ko yung baril pero sumala kasi mabilis sya.

"Kyaaah!" Papunta yung vampira kay Min kaya sumigaw sya.

Tumakbo ako at ipinutok ulit pero sala ulit. Tumakbo ako papunta sa vampira at bago pa nya maabutan si Min kinuha ko yung knife at isinaksak ito sa dibdib nya.

"Sh*t nakalimutan ko magdala ng pangsindi! Meron ka ba dyan?!" Sabi ko habang inaapakan yung vampira.

"Wa-wala! Hindi ako naninigarilyo!" Sabi ni Min.

Paano na yan?! Ah! May simbahan dyan sa tapat! Kukuha nalang ako ng holy water, ay hindi pwede! Hindi ko pwedeng iwanan si Min dito baka pa anong mangyare.

"Min! Tumakbo ka hanggan sa simabahan at humingi ka ng holy water! Bilis!" Sigaw ko.

"Pe-pero"

"BILIS!" Sabi ko.

Tumakbo na sya. Kailangan nyang bilisan kasi wala dapat ang makakita dito sa vampira. Ang mga hunters lang kasi ang nakaka-alam na may mga vampira. Pero.. Paano na yan?! Nakita ni Min ang lahat.. So pagkatapos nito.. Kailangan ko hingin katahimikan nya or else..

"Et-eto na!" Inabot sakin ni Min ang isang maliit na bote habang humihingal.

Ibinuhos ko lahat sa vampira at unti unti nawala yung katawan.

".."

".."

"To-totoo ba to?!" Bigla nyang salita.

".." Pinupunasan ko ang mga kamay ko.

"Va-vampira sya diba?!"

".." Hindi ako sumasagot.

"To-totoo sila diba?!"

"Oo! Kaya tumahimik ka kung ayaw mong masaktan" sabi ko.

".." Bigla syang tumahimik.

"Walang dapat nakaka-alam nito pero wala na akong magagawa kung nakita mo na. Hindi mo pwedeng sabihin kahit kanino ang nakita mo, kung hindi.."

"O-ok! .. Hindi ko sasabihin kahit kanino!" Sabi nya.

"Dapat lang" sabi ko.

"Yuki!" Biglang dumating si kuya Kris.

"Kuya?" Sabi ko.

"Wala, hindi ko sila makita!" Sabi nya.

"May dumaan kanina dito, pero wala na. Pinatay ko na kuya" sabi ko.

"Good, pero hindi sya nag iisa. Alam ko na meron pang iba."

"Huh?" Madami..?

"Oo.. Isang clan ang nandito Seoul.. wala sila ngayon dito sa city natin.. Pero kailangan pa natin mag ingat." Sabi nya.

"C-clan?! Hay.." Biglang nahimatay si Min.

Sabi ko na nga ba magiging pabigat sya.. Mas mabuti kung makalimutan nya tong lahat..

--

Hi :) sorry po ulit kung pangit :3 i repeat, this is my first time making a fantasy story XD kaya pasensya nalang po :)

Vampire hunter (EXO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon