Chapter 24

324 14 38
                                    

Yuki's POV

Nagising ako, nakahiga pala ulo ko sa lap nya. Nakapatong ang kamay nya sa ulo ko, tulog sya.

Umupo ako at tininnan sya.
Nilagay ko kamay nya sa binti nya.

Tumayo ako at pumunta sa kusina.
Medyo mainit init pa ako, nahihilo ng konti.

Nagpainit ako ng tubig, at gumawa ng tea. Inibuhos ko sya sa dalawang teacup at dinala sa lamesa malapit sa sofa.

"Baekhyun.." Inalog ko ng konti ang braso nya ng mahina.

"Uh?" Nagising sya at tininnan ako.

"Sorry nakatulog ako.." Sabi ko.

"Ako nga nakatulog din.." Umupo sya ng ayos.

"Inom ka muna ng tea" inabot ko sa kanya ang isang teacup at umupo din ako.

"Wag na, ok lang" sabi nya.

"Wag ka na mahiya, sige na" tinggap na nya.

"Salamat" sabi nya at humigop ng konti.

Ay, hindi na nga pala ako nakapag bantay.. Nakalimutan ko..

"Mainit ka pa ba? Nahihilo?" Tanong nya.

"Uh, hindi. Ok na ako.." Sabi ko habang hawak hawak yung teacup.

Binaba nya muna yung teacup nya sa lamesa at pinakiramdaman nya ang noo ko.

Ang lamig ng kamay nya.. Hay, baka kasi mas mainit noo ko sa kamay nya.

"May lagnat ka pa siguro" sabi nya.

"Ok lang naman ako.. Pwede ka na umuwi kung gusto mo"

"Hindi, ok lang. Samahan nalang kita dito"

"Ano naman gagawin mo dito?" Tanong ko.

"Wala, sasamahan kita hanggat may lagnat ka pa" napatingin ako sa kanya.

Seryoso sya..?

"May kasama ka ba dito sa bahay?" Tanong nya pagkatapos uminom ng tea.

"Wala na"

"Wala na? Meron ba noon?"

"Oo. Si kuya" tumingin ako sa ibang direction.

"Nasaan sya ngayon?"

"Nag.. Wowork sa ibang city"

Kuya.. Miss na kita.. Hindi ka man lang natawag para kamustahin ako..? Iniiwasan mo kaya ako dahil sa sinabi kong mahal kita?

"Woof! Woof!" Biglang nagpakita si Ace, yung aso namin ni kuya, tumakbo sya papunta samin ni Baekhyun.

"Sayo to?" Binuhat ni Baekhyun si Ace at kinalong habang hinahaplos nya.

"Oo"

Naalala ko yung nagagawa ni Ace, kaya nyang marecognize ang mga vampira.

Hindi naman vampira si Baekhyun, hindi kasi tumatahol si Ace.

--

Baekhyun's POV

Habang hawak hawak ko yung aso nya, tumayo si Yuki kinuha nya yung mga cup at dinala sa kusina.

Binaba ko muna yung aso at sinundan sya.

Rinig ko ang tunog ng tubig, nag huhugas sya. Nakatalikod sya sakin.

Lumapit ako sa likod nya. Gusto ko syang tulungan, pero napatingin ako sa leeg nya.

Wa-wag...

Pinipigilan ko sarili ko na ilapit ang bibig ko sa leeg nya. Napa-atras ako ng konti.

"Oh? Baekhyun?" Tumingin sakin si Yuki habang hawak hawak ang isang plato.

"..."

"Anong meron?"

"Tu..tulungan na kita" lumapit ako ng dahan dahan pero pinigilan nya ako.

"Ok lang, ako na" ngumiti sya ng konti at tumalikod ulit sakin para maghugas.

Bumalik na ako sa living room, at umupo sa sofa.

Kaya ko to. Kaya kong pigilan ang sarili ko.

--FF--

10pm na, nakakain na sya at papikit pikit na sa kama nya.

Nakaupo ako sa tabi ng kama nya, tinitinnan ko sya habang nakahiga sya. Itinaas ko ang kumot nya at pinakiramdaman ulit noo nya.

Hindi na sya mainit, wala na syang lagnat.

"Alis na ako Yuki.." Mahina kong sabi.

"Hmm.."

Tumayo na ako at isinara ang pinto ng kwarto nya at ng bahay.

Madilim na sa labas, gabi na kasi.
Pero nakikita ko pa rin ang lahat ng parang normal kasi vampira ako.

Habang nag lalakad ako, may narinig akong isang boses na tumatawag sakin.

"Baekhyun.. Baekhyun.." Tumingin ako sa paligig pero walang tao.

Unti unti sumakit ang ulo ko, habang patuloy na tumatawag sakin yung boses.

Isang boses ng isang babae ang tumatawag sakin. Naalala ko na kung sino.

Yung babae na pumatay sa magulang ko, sa mga tao ng Black clan. Hinahanap nya kaming lahat, para patayin, kasi hindi nya matanggap na may halong dugong ang ilan samin. Pure na vampira sya, leader ngayon ng Dark clan. Dating asawa ng leader ng Shadow clan, pinakamalakas na Clan sa lahat.

"Baekhyun.. Baekhyun.." Napaupo ako at hinawakan ko ang ulo ko.

Tama na.. Tama na!

Unti unti nawala ang boses, sabay pagwala ng sakit ng ulo ko.

Tumayo ako dahan dahan.

Mag babayad ka Hyuna.. Magbabayad ka sa ginawa mo sa magulang ko.. Sa lahat ng mga kasamahan ko sa Black clan..

Vampire hunter (EXO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon