Chapter 21

389 17 24
                                    

Pagkatapos ng school nag pa alam ako sa mga kasamahan ko, na pupunta ako kay Lolo.

"Bakit? Anong gagawin mo?" Naglalakad kami sa labas ng school.

"May sasabihin kay Lolo" sagot ko.

"Sama kami" sabi ni Suho.

"Kayo nalang. Hindi kami pwede" sabi ng ilan samin.

"Sige. Kita nalang tayo sa bahay" sabi ko.

Naghiwalay kami at ilan lang ang sumama sakin kay Lolo.

"Sino yan?" Rinig namin ang boses nya pagkatapos namin kumatok.

"Kami Lolo" pinapasok nya kami at umupo kami sa couch.

"Napadaan kayo?" Umupo si Lolo sa harap namin.

"May kailangan po akong sabihin. May nalaman po ako" sabi ko.

Tumingin si Lolo sakin at nagsimula na ako mag salita.

"Nung binasa ko yung isip ni Yuki, sabi nya may gustong pumatay sa kanya na isang clan, pero hindi nya alam kung sino. Hindi ang Black clan yun diba po?" Sabi ko.

"Gusto syang patayin? Bakit? Hindi, hindi ang Black clan ang may gustong pumatay sa kanya" nakatingin si Lolo sakin.

"Sino po?" Tanong ko.

"Yan ang kailangan natin malaman.."

"May sugat po si Yuki sa balikat, baka napalaban sya sa isang vampira ng clan na yun?" Nagsalita si Suho.

"Baka nga" sabi ko.

"Kailangan natin malaman kung bakit nila gustong patayin si Yuki na yan. At hindi natin sila pwede hayaan gumala gala sa city na to" tama si Lolo.

Hindi talaga pwede. Kasi pati kami manganganib. Hindi naman sa may kaaway kaming mga clan, pero may rules na nilagay ni Lolo, hindi kami makikipaglaban sa kanila hanggat hindi nila kami inaatake.

Kailangan namin mag ingat lalo na at hindi namin alam kung alin clan ang pumupunta dito.

--

Yuki's POV

Pagkatapos ng mga lessons sinamahan ko si Min sa library kasi ipinatner ako ni m'am sa kanya para gumawa ng project, umalis na si kuya, pinapauwi nya ako sa bahay pagkatapos namin ni Min kasi mahina pa ako dahil sa lason sa loob ng sugat.

Naglalakad ako ngayon dahan dahan, habang isa lang balikat ang nagbubuhat ng bag ko, yung walang sugat. Wala na din si Min, pinauna ko na kasi dadaan pa ako sa supermarket, may nakalimutan kasi akong bilhin.

Pagabi na, mag 6 na mamaya maya.

Sana mawala na to ng sugat na to, hindi pwede ang hindi ako nag babantay..
At tsaka.. Hindi ko pa nasasabi kay lo ang tungkol sa clan na naghahanap sakin..

Habang naglalakad ako biglang sumakit ang sugat ko kaya napaluhod ako sa sahig habang hinahawakan ko ang balikat na masakit.

"Uh.." Napapikit ako habang hinahawakan ang sugat.

At yan nanaman..

Ang palagi kong nakikita, isang madilim na lugar.. Isang babae..

Mapuputol din yang vision na nakikita ko, sigurado ako.

Yan na, tumalikod na ang babae at tumayo na sya, kala ko mapuputol yung vision pero hindi.

Nakita ko si mommy, tinamaan nya ang babae sa dibdib gamit ang isang arrow.

Napahiga yung babae dahil sa arrow, at lumapit si mommy sakin.

"Hinding hindi ka nila masasaktan Yuki.. Sisiguraduhin ko yan hanggat buhay pa ako" rinig kong sabi nya.

Tama si kuya at si lo.. Kalabanan nina mommy yung babaeng vampira na yan..

Pero bakit? Bakit ko yan palagi nakikita..? At bakit ngayon ko lang nakita ang mangyayare pagkatapos nyang tumayo?

"Ok ka lang?" rinig ko ang isang boses sa likod ko.

Pagtingin ko nakita ko si Baekhyun, inaabot nya ang kamay nya sakin.

"Oo.." Hinawakan ko ang kamay nya at tumayo.

Ang lamig ng kamay nya.. Ah, medyo malamig naman kasi ang panahon kaya malamig din kamay nya..

"Sige una na ako" nag lakad na ulit ako.

"Ok, bye" rinig kong sabi nya habang naglalakad ako.

Naguguluhan ako. Anong ibig sabihin ng nakita ko? May silbi ba yan?

Pagkatapos ko bilhin ang nakalimutan ko, naglakad na ako papunta sa bahay.

Madilim na ngayon, 6:39 pm pa lang pero madilim na.

Habang naglalakad ako. May naririnig akong mga footsteps sa likod ko.

Binilisan ko ng konti ang paglakad ko at rinig ko pa rin.

Hinawakan ko ng maigi yung isang arrow sa loob ng jacket ko.

Unti unti bumilis yung paglakad ng footsteps sa likod ko.

Inilabas ko na ang arrow at itutuk sa kanya kahit kamay lang ang gamit ko dahil wala yung bow, at pagharap ko sa taong nasa likod ko, bigla syang tumalon sakin, kaya nagbaksak ako sa sahig.

Hindi sya normal, vampira sya. Nasa taas ko sya pinipilit nya lumapit sa leeg ko pero itinulak ko sya at hinawakan yung arrow na nasa tabi ko.

Ititira ko na sa kanya pero binali nya to, at..

Vampire hunter (EXO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon