Chapter 2

477 21 0
                                    

Yassie's POV

Nandito na kami ngayon sa may school cafeteria. In fairness, kahit 'yong caferia ang laki at parang nasa isang five star hotel ka lang sa ambiance nito at dahil nandito kami ngayon para kumain, siyempre ang pinakamasaya na naman sa aming tatlo tuwing break time o kainan ay itong si XELESTINA ANNE IGLESIAS a.k.a CX. Ang takaw kaya ng babaeng 'to! Laging lagas 'yong pera naming dalawa ni Zia Babes pagka-nagpapalibre na 'yong babaeng 'yon eh. Parang akala mo may dragon sa loob ng tiyan niya o kaya naman, hindi pinapakain sa bahay nila pero napakaimposible nun, knowing Tito and Tita, pero okay lang kasi nagiging masaya naman siya eh kaya okay na sa amin 'yon.

Tinignan ko lang si CX habang nau-unang naglalakad sa amin. Napakamasayahin nitong babaeng na 'to pero teka... Parang ang tahimik at lungkot na naman ata niya ngayon? Siguro dahil na naman 'to dahil kanina, doon kay Trey. Manloloko 'yong lalaking 'yon, as in! Isa sa pinakabuwiset sa buhay naming tatlo 'yon eh! Buti na lang din at hindi na siya nagpaparamdam after noong break up nila ni CX, 6 months ago. Kahit papaano nagkaroon kaming tatlo ng peaceful life pero CX pa din itong medyo nahihirapan hanggang ngayon, sana ay maging okay na siya someday, hopefully.

Pumila na kami sa may counter habang hindi pa gaanong matao, nako! Ang laki-laki kasi ng university kaya for sure, super dami ng tao at tiyaka nagugutom na din kasi talaga ako eh.

Kumuha na ako ng tray at tiyaka tumingin-tingin muna ng pagkain na puwedeng lamunin mamaya este pumipili pala. Mukhang masasarap naman lahat ng pagkain na nakahain dito ngayon nang biglang...

Nahagip ng magaganda kong mata si Drop Andrei Santos! Oh my God! This can't be happening?! Anong ginagawa niya dito?! Malamang Yassie, siyempre dito siya nag-aaral. Hindi ka naman kasi papapasukin dito kung hindi ka naman dito nag-aaral eh especially sobrang higpit ng school na 'to. Nakakainis naman eh! Nagbago na pala 'yong isip ko! Pinagsisisihan ko na palang dito ako nag-aral! Magpalit na kaya ako ng school mamaya pero paano naman si CX at Zia? Haaaayyy. 'Di ko puwedeng iwan 'yong mga friends ko.

Minadali ko na lang ang paglalakad ko papunta sa may cashier kahit na hindi na ako masyadong nakapila ng maayos, as long as puwedeng kainin. Nakita ko si CX sa may cashier na parang namimili pa kung anong candy 'yong bibilhin niya. Nakakainis talaga. Kailan pa siya bumalik dito sa 'Pinas at ba't hindi ko alam!? At bakit ba napaka-conscious ko, bigla? 'Di ba dapat hindi na ako affected kasi matagal na?

 "Uy babes! May daga ba o kaya ipis?!" Napatingin naman agad ako kay CX at siya naman ay busyiny-busy sa pagtingin sa may sahig. Iniisip ko kung ano ba talagang ginagawa niya ngayon. "Wala naman ah?!" Sabay tingin niya ulit sa akin.

So naghahanap talaga siya kung may ipis ba dito o daga? Siyempre wala siyang makikita kasi wala naman talaga! Malamang ang linis kaya dito at hello! Canteen po kaya 'to so dapat walang mga ganon tapos Trinity University pa 'to. Nakakaloka! Baliwag din talaga 'tong isang 'to eh!

 "ARAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAY!" Hawak-hawak pa din niya 'yong part ng ulo niya na binatukan ko. "Ba't kasi kailangang nambabatok pa ha, Yassie?! Nagtatanong lang naman eh." Sabay pout niya pa.

 "Are you out of your mind?! Malamang wala talagang ipis at daga dito!" At inirapan ko siya. Aish.

 "Eh kasi para ka kasing nakakita ng ipis or daga diyan sa pagpa-panic mo eh! Kulang na nga lang sayo "Aaaah! Ipis!" with matching talon talon pa. Perfect na perfect na, Yas! With matching best arte awards pa for you!" Sabay kindat sakin. Pigilan niyo ko! Babatukan ko ulit 'tong babaeng 'to!

Hindi naman ako maarte ah. Pero sabagay, tama nga naman siya. Ganon nga talaga 'yong itsura ko pagnakakakita ako ng ipis o daga. Pero paano nga naman kasi kung makita mo 'yong kaisa-isang lalaki minahal mo nang palihim sa buong talang buhay mo na matagal mo nang hindi nakikita? Eh 'di ba talagang magpa-panic ka?! O ako lang talaga 'yong ganon maka-react?! Waaah. Feeling ko pa tuloy napatingin pa sa amin banda si Drop dahil sa pagkakasigaw nitong babaeng 'to! Err. Ano nang gagawin ko?!

 "Uhmm. Hihi! Wala. I just drop something lang at hindi ko pa mahanap. Just never mind it. 'Di naman importante. Okay?" Sabay nagpunta na ako sa cashier at binayaran na 'yong mga pinamili ko. Umalis na ako kaagad at dumiretso sa table kung nasaan nakaupo si Zia.

Nagku-kunwari na lang akong okay kahit hindi naman na talaga. Psh! Sana maniwala si CX! *cross fingers* Knowing CX? Masyadong matanong pa man din 'yong babaeng 'yon. Haaayyy.

Thing in Itself (Editing and Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon