Yassie's POV
Ang bilis ng mga pangyayari ngayong araw. Ang alam ko lang pagkarinig na pagkarinig ko sa professor namin ng "Class dismissed" ay agad na akong nagmamadaling tumayo at umalis. Hindi na din ako nakapagpaalam kaila CX at Zia na mau-una na ako.
Nandito lang ako ngayon sa kwarto, nakahiga habang yakap-yakap 'yong favorite kong unan.
Umiiyak.
At pinagsisisihan 'yong mga pangyayari noon hanggang ngayon.
Bakit nga ba hindi ko ba sinubukang sabihing mahal ko din siya? Eh 'di sana kasama ko pa din siya hanggang ngayon. Baka nga, masaya pa kami hanggang ngayon eh.
Simple lang. Noong mga oras na 'yon, takot na takot akong masira 'yong friendship naming dalawa at baka masaktan ako o maging siya. Takot akong mag-take ng risk. Takot ako sa possibilities na puwedeng mangyari dahil bata pa nga kami. Takot ako na baka hindi kami magtagal. Takot ako, takot na takot.
Pero bakit ganon? Hindi ko naman sinabi 'di ba? Hindi ko sinabi para ma-maintain sana 'yong friendship namin pero bakit ganito pa din? Nasira pa din 'yong friendship namin na pinipilit ko sanang ini-ingatan? Bakit nawala pa din siya sa akin? At bakit hanggang ngayon, nasasaktan pa din ako?
Mukhang tanga na naman ako dito. Umiiyak. Haaayyy.
Ayoko ngang masaktan 'di ba?! Pero ano 'tong nararamdaman ng puso ko? Bakit ang sakit-sakit pa din nito?!
3 years na din pala ang nakakalipas... Naaalala niya pa kaya ako? O baka naman hindi na. Naka-get over na kaya siya sa akin? Ako kasi hindi pa din. Baka naman kasi ako na lang pala 'yong na-stuck dito at siya namumuhay na nang maayos at worst, baka may iba na siyang mahal.
Flashback
Nasa playground pa din kami ngayon ni Drop kahit na umuulan na. Ang alam ko kasi may bagyo ngayon pero kahit alam naming dalawa 'yon, wala pa din kaming pakialam kahit na basa na kami at maaaring magkasakit mamaya o kinabukan, basta magkasama kami ngayon at masaya kasama ang isa't-isa. Magkaibigan na kaming dalawa simula pagkabata pa. Best friends kasi 'yong parents namin kaya naman naging malapit kami sa isa't-isa. Playmates na ata kami since noong birth.
Umupo na kami sa swing para magkapaghinga na matapos ang kanina pang paglalaro sa ulan, nakakamiss din palang maglaro. Nakikipagsabayan pa ang ulan sa pagpapaalam niya.
Ay oo nga pala, aalis na siya at iiwan na niya ako. For the second time in my life, mawawala na siya sa tabi ko. Hindi ko alam kung gaano katagal o kung babalik pa ba siya once na umalis na siya dito.
"Mahal kita Yassie Quensie Reyes. Since noong Kinder pa lang tayo."
Napalingon agad ako sa kanya dahil sa gulat. Ang seryoso ng tingin niya sa akin, halatang hindi siya nagbibiro kahit na nasa personality niya ang pagiging joker. Walang paglagyan 'yong puso ko sa sobrang saya. Paano ba naman kasi? 'Yong mahal na mahal mo, mahal ka rin! Wala na atang mas sasaya pa sa ganong moment.
"Mahal din kita Drop Andrei Santos, simula noong mga bata pa tayo. Kaya pala sa tuwing pinaghihiwalay tayo or kailangan ng umuwi ng isa dahil sa gabi na, nalulungkot ako kasi gusto ko lagi kang kasama."
'Yon ang mga katagang matagal ko nang gustong sabihin sa kanya pero iba 'yong lumabas sa bibig ko.
"Ayan ka na naman Drop eh." Pinilit kong tumawa kahit ramdam kong basag na 'yong boses ko pero dahil na din sa kulog, hindi niya ito masyadong napapansin. "Napakapalabiro mo talaga!" hinampas ko siya ng bahagya at lumingon agad sa may kalsada. Walang tao sa paligid, kaming dalawa lang sa gitna ng ulan.
Pinilit ko na lang ulit ngumiti, pero sa totoo lang. NASASAKTAN NA AKO. Paano na ako? Paano na kami?
Nagulat na lamang ako nang bigla siyang tumayo at pumunta sa harapan ko. Lumuhod siya para magpantay na ang mga height namin. Nakikita ko 'yong lungkot sa kanyang mga mata.
"Seryoso ako, Quensie! Totoo lahat 'yong sinasabi ko sa'yo ngayon! Totoo lahat ng feelings ko sa'yo noon pa man! Kailan ka ba talaga maniniwala!? Alam kong mahal mo din ako, Quens! Nakikita ko 'yon sa mga galaw mo. Sa tuwing may lumalapit sa akin, nakikita ko kung paano ka nasasaktan at nararamdam ko 'yon. Parehas tayo ng nararamdam pero magkaiba tayo dahil ayaw mong mag-take ng risk. Masyado kang takot! Pagkatiwalaan mo naman ako."
Sumisigaw na siya at nanatili lang akong tahimik at nakayuko, naiiyak na ako at ayokong ipakita sa kanya 'yon. Nagulat na lamang ako ng hinawakan ako niya ako sa balikat at inaalog ako.
"Mahal mo ako, Quens 'di ba?! Aminin mo na din, please." Rinig ko sa boses niyang naiiyak na din siya. Patuloy pa rin siya sa pag-alog sakin at alam kong umiiyak na siya ngayon. Niyakap niya ako at gusto ko mang gawin 'yon ay hindi ko magawa.
"Hindi kita mahal, Drop. Alam mo 'yan."
Bulong ko sa kanya at naramdaman ko kung paano siya nanghina dahil sa mga sinabi ko. Ayokong makita niyang umiiyak na din ako kaya pinilit kong maging malakas. Pinipilit ko.
Tinanggal niya 'yong pagkakayakap niya at tinignan akong maigi.
"Tignan mo ko sa mata at sabihin mong hindi mo ko mahal."
Nagulat ako sa sinabi niya kaya naman napalingon agad ako sa kanya. Nakatingin siya sa mga mata ko at nagsusumamo na sabihin kong mahal ko din siya. Nakikita ko din sa mga mata niyang sobra na siyang nasasaktan sa mga nangyayari, nakikita ko din ang galit sa kanya.
"Hindi kita mahal, Drop Andrei Santos. HINDI."
Pagkarinig na pagkarinig niya nun ay ngumiti na lang siya. Tinignan ko siya sa huling pagkakataon at nakita ko ang coldness sa kanyang mga mata. Mas lalo pang lumakas ang ulan na sinabayan ng malalakas na hangin at kasunod din nun ay ang pagtalikod na niya nang tuluyan sa akin. Iniwan niya na ako. Ito na ba 'yon? Dito na ba mawawala ang pinaka-ini-ingatan kong pagkakaibigan namin?
BINABASA MO ANG
Thing in Itself (Editing and Revising)
Teen FictionSi Xelestina ay isang babae na pinipilit takbuhan ang kanyang masakit na nakaraan. Matulungan kaya siya ni Xander sa bagay na ito o makadagdag pa siya sa kanyang magiging problema?