Chapter 2.2

439 18 2
                                    

CX's POV

Parang may mali talaga kay Yassie ngayon. Kanina kilig na kilig siya sa may room dahil marami dawng gwapo dito sa university. Tapos biglang nagpa-panic na siya kanina doon sa may cashier. Tapos pagdating ko rin naman kanina dito sa may table namin, napakatahimik naman niya ngayon at lagi na lang nakayuko pero paminsan-minsan lilingon sa paligid parang may tinataguan na ewan?! Ang weird lang talaga ng mga kinikilos niya. Ayaw namang sabihin kung anong mayroon o kung may problema ba siya. Medyo kanina ko pa kasi siya tinatanong eh. I just drop something? 'Di ba dapat I dropped something? Weird.

Teka, para mabawasan ang mga worries ko, ma-interrogate nga ulit 'to! Baka sakaling umamin na this time dahil nakukulitan na talaga sa akin. Baka kasi luma-love life na 'tong si Yassie Babes kaya nagkakaganito siya o baka naman may nakita ng lalaking type na type niya at magbabago ng relationship status niya. MUWAHAHAHA!

 "Hoy, Yassie!" Pagtawag ko habang nakayuko pa din siya. Ngayon ko lang din napansin na hindi niya pa din pala ginagalaw 'yong pagkain niya.  Tignan mo 'to, sabi niya kanina gutom na daw siya!

 "Bakit?"

 "Bakit I just drop something? Hindi ba dapat I dropped something?! Ikaw ha, ano 'yong nalaglag kanina, Yas? Baka puso mo na?" Sabay ngisi ko. Ang sarap niya lang talagang asarin ngayon.

Pagkarinig niya noong sinabi ko ay bigla naman siyang namula. "Ah! Eh! Kasi ano, uhm. Na-mental block lang ako kanina! Tama. Namental block lang! Hehe! Sorry!" At nag-fake smile pa siya at tiyaka yumuko ulit. Nau-utal naman siya ngayon, See! May something fishy talaga 'tong tinatago eh! Matanong pa nga!

Nasa harapan ko siya ngayon kaya naman lumapit ako bahagya sa kanya at tinukod 'yong siko ko sa may lamesa. "Na-mental blocked? O na DROPPED na ang puso mo kung kanino? Siya na ba ang magkakaasam ng matamis mong oo someday?"

Sinadya ko pang diinan 'yong word na "dropped" para asarin lang siya. Ang saya niyang asarin ngayon eh at ang sama ko din palang best friend ngayon.

Hinihintay ko pa din siyang sumagot pero after noong sinabi kong 'yon ay parang mas lalong lumungkot 'yong mukha niya. May mas ilu-lungkot pa pala 'tong mukha niya. So ibig sabihin, mayroon na nga talaga!?

Napatingin naman sa amin si Zia noong napansin niyang natahimik na kaming dalawa ni Yassie at tinanggal na niya 'yong earphones niya. Baliwag din 'tong isang 'to eh. Minsan parang walang paki sa mundo, nakikinig lang siya lagi sa iPod niya o 'di kaya naman ay nagbabasa lang ng libro, parang may sarili lang talaga siyang mundo kung baga.

 "Don't tell me in love ka? Tapos broken hearted ka ngayon?"

Nakayuko pa din siya at tahimik pa din. Whaaat!? Silence means yes 'di ba?

 "To whom naman sis?" Sabi naman ni Zia na lumapit na sa amin at ibinaba niya na 'yong iPod niya para mapakinggang siguro 'yong sasabihin ni Yassie.

Humingang malalim siya at tinignan kaming dalawa ni Zia saglit na parang sinusuri kung sasabihin niya ba sa amin or hindi sabay yumuko ulit. "Yup. Parang ganon na nga. Kanino? Kay Drop Andrei Santos." Mahina lang 'yong boses niya habang sinasabi ang mga 'yon.

 "WHAT?! HINDI NGA?!" Napasigaw kaming dalawa ni Zia at nanglalaki pa din 'yong nga mata naming dalawa dahil sa gulat. Hindi kapani-paniwala. Waah!

Alam naming napatingin halos lahat sa amin dahil sa pagkakatili namin ni Zia pero binalewala na lang namin 'yon. Kasi naman eh, hindi kami makapaniwalang in love pala si Yassie ngayon. Pero kailan pa?! Bakit hindi niya man lang kinukuwento sa amin? The saddest part pa is broken hearted siya dahil sa guy na 'yon and wala man lang kaming clue sa love story nila kasi nga hindi naman siya nagku-kuwento at lastly,  lalong hindi din namin kilala 'yong guy na sinasabi niyang 'yon.

 "Kailan ka pa in love sa kanya?" Tanong ko. This time napatingin na  talaga sa amin si Yassie.

 "Oo nga naman! Share mo naman sa amin ni CX kung ano ba talagang nangyari sa love story niyo, Yassie!"

Halatang excited din 'tong si Zia marinig 'yong kuwento ni Yassie, maski din naman kasi ako eh. Haaayyy. Ang secretive lang talaga ng babaeng 'to.

Huminga ulit siya ng malalim at mukhang naghahanap ng timing kung paano sasabihin bago nagsalita ulit.


"Since noong Kinder pa lang kami. Pag-ibig na hindi ko na nasabi dahil lang takot akong masaktan at mawala siya sa akin."

Naiiyak na siya pero halatang pinipigilin niya lamang. Hindi din namin alam kung anong sasabihin namin ni Zia sa kanya.

Thing in Itself (Editing and Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon