Chapter 5.2

319 17 1
                                    

Alexandre's POV

Nasa loob ako ng elevator habang tawa nang tawa at nakahawak, hawak pa din sa tiyan kong medyo sumasakit na kakatawa. Natatawa pa din talaga ako doon sa babae kanina sa may third floor tuwing naaalala ko yung mga nangyari kanina eh. Hahahahaha! Sayang hindi ko nalaman 'yong pangalan niya kanina. Halatang badtrip na badtrip pa din siya sa akin kasi kaya naman before pa siya magsalita ulit ay umalis na agad ako. Wrong timing naman kung itatanong ko pa sa kanya kung anong pangalan niya. Baka mamaya masapak niya  pa ulit ako. Ang sakit pa man din niyang manapak kanina pero ang sarap niya lang asarin. Ang cute niya kasi pagnai-inis. 'Di bale, schoolmates naman kami kaya may posibilidad na magkikita't magkikita pa din kami sa campus.

Anyway, I'm  Alexandre River Stanford. 19 years old. Maraming nagsasabi na ang gwapo ko daw, matangkad pa at mayaman. Ika-nila, complete package na daw. Tss. Lagi ko namang nakukuha 'yong mga ganong compliments na eh. But who cares about looks and money? Siyempre, 'yong mga babae na naman. Hindi nila iniisip kung ano ba talaga yung ugali noong lalaki bago nila magustuhan. Basta ba gwapo at mayaman, gusto na nila kagaad. Sugod lang nang sugod. Kung magkaka-girlfriend ako, ayoko ng nagustuhan niya lang ako dahil lang sa gwapo ako at tiyaka mayaman. Gusto ko magugustuhan niya ako dahil sa ugali ko o hindi naman dahil sa kung sino talaga ako.

Kakalipat lang namin dito at doon kami nakatira sa may Manhattan Subdivision na medyo malapit lang pala dito sa school kaya naman dito na lang ako pinag-aral sa may Trinity University sabi naman nila maganda daw dito tiyaka para hindi na rin hassle sa biyahe especially na ang traffic pa man din dito sa Pilipinas. Sa dami-daming universities na pu-puwedeng pasukan, bakit  kaya dito pa nila naisip na dito ako pag-aralin? Maganda naman sana dito kaso... psh. Nalaman ko na dito din pala mag-aaral 'yong pinaka-ayaw kong makitang tao simula pa noon. Tss, kaurat. Dapat pala binagsak ko na lang 'yong entrance exam dito or hindi ko sineryoso 'yon para sana sa ibang university na lang nila ako in-enroll. Bakit ba hindi ko kaagad naisip 'yon?

Tumunog na 'yong elevator, hudyat na nasa 8th floor na ako. Pagkabukas na pagkabukas ay kaagad na akong lumabas. Ang cool ng school, bawat floor ay mukhang iba't iba 'yong interior. Naglalakad na ako sa may hallway papuntang Nursing Department ng mapansin kong wala pang tao. Pagkatingin ko ay 6:40 pa lang. 7:30 ata 'yong unang klase kaya wala pa akong nakikita. Medyo madilim din at malamig. May bagyo ata ngayon. Nagsimula na akong hanapin 'yong room ng first subject ko nang mapansin kong parang may sumusunod sa akin. Tinignan ko muna yung paligid ko pero wala naman akong nakitang dumadaan. Tss. Baka guni-guni ko lang 'yon. Dapat kasi nag-almusal na muna ako bago ako pumasok.

Nakita kong nasa may kalagitnaan ata nitong hallway 'yong room ko. Medyo malawak 'yong hallway at dapat pala sa gitnang parte na lang ako sumakay na elevator. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad dahil mukhang mahaba-haba pang lakaran ito nang maramdaman kong may sumusunod na naman sa akin. Tumingin muna ako sa likod ko pero wala naman talagang tao sa paligid at saktong pagharap ko ay, "FUCK! FUCK! WAAAAAAAAH!! MAY MULTOOO!!" agad naman akong napatakbo pagkasabi ko noon, wala na akong paki kung nabunggo ko man 'yong multong lumitaw sa harap ko. Shit. Ang ganda ng school na 'to, ang modern naman pero fuck! Bakit may multo!? Magpapalipat na talaga ako sa ibang university!

Patuloy lang ako sa pagtakbo nang ma-realize kong nakatingin na sa akin halos lahat ng estudyanteng mukhang papasok na. Sakto kasing pagkasigaw ko ay bumukas na pala 'yong dalawang elevator sa harap ko kaya naman napahinto na ako ng bahagya. Paano ba naman kasi ang lakas ng pagkakasabi ko ng "May multo!" at saktong nagsisilabasan na sila sa elevator nun at mukhang papunta na din sila sa kani-kanilang mga room. Pagkatingin ko ay nasa 7 na pala. Nakakahiya. Kalalaki ko pa man ding tao tapos ganon ako umasta pero anong magagawa ko kung takot talaga ako sa multo!?

Mas lalo akong napatigil ng may narinig akong tumatawa. Tinignan ko kung sino 'yong tumatawa at napatingin ako sa multong babae na nakaharap ko kanina. Nang nagkatingin kami ay mas lalo siyang tumawa habang papalapit sa akin. At doon ko lang napansin na may kahawig siya. Don't tell me, siya 'yong babae kanina sa 3rd floor!?

"BWAHAHAHAHAHAHA!" patuloy pa din siya sa pagtawa. "You should have seen your face too kanina! Para kang nag-donate ng blood eh. Woooh! May multooooo!" umakto pa ulit siya na parang multo habang tawa pa din nang tawa.

Ngayon ko lang na-realize ko lang na-realize 'yong mga pangyayari. Sira ulong babae 'to ah! Kanina  lang lutang siya ng makita ko doon sa room nila tapos ngayon, kung makapag-prank, wagas. Sino ba namang hindi matatakot kung 'yong buhok niya ay gulong-gulo talaga tapos sobra pang puti ng mukha niya at may sobrang lalaking dark circles pa sa palibot ng mata niya at may mga dugo dugo pa kuno sa mukha na mukhang ginamitan niya ng lipstick or lip tint.

Uminit ang dugo ko sa mga pangyayari kaya naman hinatak ko siya papalapit sa akin at sinandal sa may railings ng hallway at hinarangan gamit ang mga braso ko. Wala na akong paki kung anong iisip ng mga nakakita sa amin ngayon, basta ang alam ko ay nag-iinit ang ulo ko dahil sa ginawa niyang pananakot sa akin kani-kanina lang. Nakita ko naman siyang nagulat dahil sa ginawa ko at mukhang kinakabahan o natatakot na pero agad niya naman iniba 'yong facial expression niya. Nice try, Miss. Lumapit pa ako sa kanya at yumuko ng bahagya dahil mas matangkad ako sa kanya at bumulong ng...

"You'll really gonna pay for this, Bagay!"

Lumapit din siya sa akin kaya parang may gagawin na kaming kakaiba. Kung kanina ay nakaharang ang dalawa kong braso sa kanya ngayon ay ginamit ko na 'yong isa kong braso upang hawakan siya sa bewang niya para hindi siya makatakas. Tinignan ko siya mata sa mata at  mukha namang hindi siya magpapatinag. "Oh really?! Sinong tinakot mo?! Lalaking takot sa multo!" sabay ngumisi.

Mas lalong uminit ang ulo ko dahil sa sinabi niya. Hinahamon niya ba talaga ako!?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Thing in Itself (Editing and Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon