Warning: This contains a lot of spoilers. Better read the story first.
I've been listening to Up Dharma Down's Tadhana while writing this. Para feel na feel ko ang vibes sa story. Hay. I'll miss them.
---
Until Trilogy: isa sa mga libro sa Wattpad na walang kapantay. Sobrang kakaiba sa lahat at hindi lang basta-bastang story.
Nasanay na tayo sa mga stories sa Wattpad na:
A. Badboy na binago ng babae na mahal niya kaya naging maayos ito.
B. Isang lalaki na mayaman at tagapag-mana ng isang malaking kompanya na engaged forcefully sa babaeng di niya mahal but eventually naging sila.
C. Ang babae sa school na loner or 'nobody' ay nagkagusto sa lalaking sikat at naging sila naman din.
D. Magbestfriend na naging sila naman din in the end.
Maraming stories sa Wattpad na ganyan ang mga tema. Pero ano nga bang meron sa Until Trilogy na wala sa mga stories na ganyan?
Sabi nga ni Hannah, Ama at ang mga dakilang kontrabida sa story na ito, incest.
Pero ano ba? Ang meaning ng incest ay ito,
incest ~ sexual relations between people classed as being too closely related to marry each other.
~ the crime of having sexual intercourse with a parent, child, sibling, or grandchild.
Yung totoo? Ni wala nga akong nabasang SPG sa story na to e! Simpleng 'baby' lang ni Elijah, nalalaglag na agad ang puso ko! I remember, I made an edit of Chapter 46. Yung may naka-lagay na: "Warning: SPG!!!" which I posted sa group ng Jonaxxlovers Stories sa Facebook. And sobrang bento nito dun. Sorry sa mga naloko ko guys. LOL. So going back, ang Until Trilogy is one of the best stories in Wattpad.
Yung characters, makikita mo talaga yung emosyon. The way Queen J write the story, ramdam mo yung saya, sakit ng nararamdaman ng characters at higit sa lahat, kilig. And also, her professionalism in writing.
Isa ito sa mga storya na sobrang inosente. Sa first book palang, isang halik lang meron dun. At shet, ramdam na ramdam ko yung sakit sa halik na yun. That book broke my heart into pieces. Yes, yung book mismo not that part. At akala ko, tapos na yung libro na yun. Yun pala, may kasunod pa.
Book 2, Until He Returned, naging maingat si Elijah sa lahat ng galaw niya. He's not like that. Dati, gusto niyang ipagsigawan sa buong mundo na sila ni Klare. Sa librong ito, wasak na wasak ako sa kilig, sa saya, sa lahat ng emosyon na maari kong maramdaman. Kasi lahat nandito. Yung mga tagpo nila na patago, yung mga galaw ni Elijah, pucha ang saya sa pakiramdam.
Ito yung libro na favorite ko. Ito yung paulit-ulit kong binasa habang naghihintay sa update ng Until Forever. Kung makikita mo, sa mga books ng Until Trilogy, ito yung may pinakamaraming reads. Nandito na kasi yung mga parts na gustung-gusto mong basahin ng paulit-ulit.
I remember, kahit mga simpleng salita at galaw lang ni Elijah, naiiyak na ko. Sipa dito, sipa dyan. Kilig dito, kilig dyan.
Sa third book, wala na talaga. Dumami na naman ang mga kontrabida. Isama mo si Selena at si Ama. Ang sarap lang nila lunurin sa Siargao. Pero damn, this book gave me so much feels. Lahat na nga maari mong maramdam, mararamdaman mo dito.
At ang ending, nakakabitin pero sobrang ganda. Kontento na ko. This book left me in tears. Oo, in tears talaga. Kanina ko lang to natapos and to be honest, I didn't attend school today. Reasons are:
A. My mom didn't let me because she said that I need to take a rest because this past few weeks, I've been really busy with our musical play and school works.