Chapter Four

1.9K 96 5
                                    

HINDI maka-get over si Charlene sa natuklasan. Ang liit nga naman ng mundo. Pero sa pagkakataong sabay niyang nakikita sina Rain at Hunter, naghahari sa kaniyang diwa ang presensiya ni Hunter. Curious talaga siya rito.
“Kumusta mga bro? Na-miss ko kayo, ah. Kailan kayo libre? Labas naman tayo,” sabi ni Rain sa mga kaibigan.
“Ako, libre mamaya,” sagot ng isang lalaki.
Napansin ni Charlene na blanko pa rin ang ekspresyon ng mukha ni Hunter. Ni hindi nito sinagot si Rain sa tanong nito. Sa halip ay umiwas ito at nagtungo sa paradahan ng mga motorsiklo. Sinundan niya ito ng tingin. Na-distract siya nang bigla siyang balikan ni Rain kasama na ang kaibigan nito.
“Charlene, I would like to introduce to you my friend, Dave Soriano. Isa siyang freelance model. OB/GYN ang mommy niya at isang movie producer at director naman ang daddy niya,” pakilala ni Rain sa kaibigan.
“Wow! Nice to meet you,” naiilang na sabi niya.
Dinaup naman ni Dave ang kanang kamay niya. “Same here, Charlene.” Matipid na ngumiti si Dave, sinuri siya ng tingin. “I’m just curious. Where did you met, guys?” pagkuwan ay tanong nito.
“Sa North Caloocan. Nakita ko siyang pinagtripan ng mga lasing kaya tinulungan ko,” sagot naman ni Rain.
“Talaga? Interesting story. But I’m still curious,” wika ni Dave.
“Bakit na naman?” natatawang saad ni Rain.
“It’s the first na nagpakilala ka ng babae sa akin. Para ba ito sa iyo o sa akin?”
Inakbayan ni Rain si Dave. “Of course, for both of us. She’s not a typical girl we used to know. Hindi ba gusto mo ng friend na babaeng astig? Now, she’s the one you were looking for.”
Ngumisi si Dave. “Puro ka kalokohan. Pero bakit sa akin mo lang siya pinakilala? Ayaw mo bang ipakilala siya kay Hunter?”
“Do you think he’s interested?”
Kumibit-balikat lang si Dave. “Oo nga pala. Walang interes sa babae ang isang ‘yon.” Tumawa ito nang pagak.
Nakikinig lang si Charlene sa usapan ng dalawang lalaki. Mamaya ay dumating na ang sundo nila.
“Ma’am, tara na po,” sabi sa kanya ni Agnes.
“Wait lang,” aniya.
Inabala niya ang dalawang lalaki. “Uhm, excuse me, guys. I have to go. Nice to meet you both,” sabi niya.
“Okay. Magkikita pa naman tayo bukas,” sabi ni Dave.
“Ingat ka, Charlene. Pero mas okay kung i-share mo ang phone number mo sa amin o kaya’y ang social media account name mo,” sabi ni Rain.
“Sige.”
Kumuha siya ng kaperasong papel saka isinulat doon ang contact number niya at user name niya sa social media. Ibinigay kaagad niya ito kay Rain.
“Salamat dito. Add ka namin, paki-accept,” anito.
“Bye, Charlene!” sabi naman ni Dave.
“Bye!” tugon niya. Kumaway siya sa mga ito bago sumakay sa kotse.
Natutuwa siya. Napaka-friendly ng dalawang lalaki. Habang nagmamaniobra ang sinasakyan niyang kotse ay napako ang tingin niya kay Kunter na nakaupo lang sa motoksiklo nito at nakatitig sa touch screen nitong cellphone. Marami na siyang nakilalang tao pero noon lamang siya nakatagpo ng katulad ni Hunter. Para bang ang bigat ng problema nito sa buhay.
Hindi maalis sa isip niya ang mga nangyari sa unang araw ng klase. Lalo na si Hunter, na halos pinamahayan ang isip niya. Hindi siya sanay na nakakakita ng taong malungkot, sobrang seryoso, at walang anumang ekspresyong nakikita sa mukha. Pakiramdam niya ay nakakakita siya ng taong robot. Nakakaloko.
Kasalo niya sa hapunan ang daddy niya at ang stepmother niya. Naikuwento niya sa mga ito ang nangyari sa unang araw niya sa paaralan. Mabait ang stepmother niya at sinusuportahan siya sa mga ginagawa niya. Tinuturuan din siya nito sa mga aralin niya. Public lawyer ito at madalas itong wala. Sa gabi lamang sila nagkikita.
Pagkatapos ng hapunan ay tumambay siya sa study na karugtong lamang ng kaniyang kuwarto. Inilipat na roon ng daddy niya lahat ng medical books nito na pag-aaralan niya. Ginawa na niya ang mga aralin niya upang may oras magbabad sa social media.
Nang magsawa siya sa pagbabasa ng libro ay kinuha niya ang kaniyang cellphone at binuksan ang kaniyang social media account. Natanggap na niya ang friend request nina Rain at Dave. Nag-stalk kaagad siya profile ng mga ito. Nakita niya ang pangalan ni Hunter sa friends list ni Rain.
Nag-friend request siya rito. Active ang account nito may isang oras ang nakalipas. Nag-stalk din siya sa account nito. Walang mga personal post sa timeline nito. Puro lang post ng ibang tao na naka-tag dito. Kahit pala sa social media account nito ay tahimik ito. Boring.
Nang gupuin siya ng antok ay lumipat na siya sa kaniyang kama.
FIRST subject lang naging kaklase ni Charlene si Hunter. Nalaman niya mula kay Rain na second year na si Hunter. Mayroon lamang itong binabalikang subject sa first year na hindi nito na-enroll last year. Karamihan sa mga kaklase niya ay irregular maging si Acxel. Second year na ito. Mas matanda ito ng dalawang taon sa kanya.
Pagkatapos ng klase ay tumambay sa garahe si Charlene. Wala pa roon ang kotse nila. Hiniram niya ang motorsiklo ni Agnes kaya kahit anong oras ay puwede siyang umalis. Na-miss na niya ang tiyahin niya at mga pamangkin. Binigyan niya ng pera si Agnes at inutusang magmeryenda muna ito sa labas.
Nang hindi pa rin dumarating ang sundo nila ay sumakay na siya sa motorsiklo. Mayroon lamang siyang student driver license pero matagal na siyang marunong magmaneho ng motorsiklo. Palabas na siya ng campus nang hindi niya napansin ang kotseng papasok sana ng gate.
Kamuntik na siyang sumalpok sa kotse mabuti naikabig kaagad niya ang manibela. Sa pag-iwas niya sa kotse ay nahagip niya ang naka-motorsiklo na papasok din ng campus. Nawalan ng balanse ang lalaking sakay ng motor at natumba ito.
Ipinarada niya sa tabi ang motorsiklo niya saka nilapitan ang lalaking mabilis nakabangon. Nang magtanggal ng helmet ang lalaki ay ganoon na lamang ang pagtahip ng dibdib niya. Si Hunter pala ito! May nakiusyoso ring ibang tao pero walang ni isang lumapit.
“N-Nasaktan ka ba?” natatarantang tanong niya sa binata.
Pinukol siya nito ng matalim na titig. “Oo naman. Nagtanong ka pa,” masungit na sagot nito.
Kumagat-labi siya. “S-sorry, umiwas kasi ako sa kotse. Napilayan ka ba o nasugatan? Gusto mo dalhin kita sa clinic?” balisang sabi niya.
“No need.” Sumakay na ito sa motorsiklo nito saka tuluyang pumasok.
Umismid siya. Binalikan na lamang niya ang motorsiklo niya saka siya umalis. Hindi siya sanay na nalilimitahan ang mga kilos niya kaya hindi na niya ipinaalam kay Agnes kung saan siya pupunta.
Tumambay siya sa poultry ng kaniyang tiyahin at nag-order ng balut. Simula noong umuwi siya sa puder ng tatay niya ay hindi na siya nakakatikim ng balut. Palaging masasarap ang ulam nila. Na-miss na niya ang karaniwalang pagkain na kinakain niya katulad ng adobong sitaw at kangkong. Paborito niya iyon. Ipinagluto kaagad siya ng kaniyang tiya ng adobong kangkong na may sahog na karne ng manok. Ang dami niyang nakain sa hapunan.
“Bakit hindi mo sinabi sa daddy mo na pupunta ka rito?” galit na tanong ng tiyahin niya.
“Hindi naman siya papayag, eh. Hindi ko magagawa ang gusto ko kapag naroon ako sa bahay. Palaging may mga bodyguards na nakabuntot sa akin,” reklamo niya.
Nasa-sala na sila at nagpapahinga. Alas sais pa lamang ng hapon ay nakapaghapunan na siya.
“Dapat lang iyon dahil maimpluwensiyang tao ang tatay mo. Nag-aalala lang siya sa ‘yo. Umuwi ka na bago pa mag-alala nang husto ang daddy mo,” sabi nito.
“Opo. Kukunin ko lang ang order kong balut. Sinabi ko po kay Mang Nelmar na mag-deliver siya ng balut sa bahay tuwing hapon.”
“Hay, sige na. Umalis ka na. Mag-iingat ka, ha?”
“Opo.” Lumakad na siya palabas ng bahay.
Nang makuha ang isang basket na balut ay sumakay na siya sa motorsiklo at umalis. Nasa bayan na siya ng Tungko nang ma-trap siya sa palengke dahil sa dami ng mga taong nagkalat sa kalsada. May nangyari kasing car accident sa main road. Naghanap siya ng daang puwede niyang lusutan.
Nakapasok siya sa makitid na daan sa likod ng palengke. Napansin niya sa gilid ng kalsada kung saan malamlam ang ilaw, ang lalaking pinagtutulungang bugbugin ng limang lalaki.
Inihinto niya sa tabi ng kalsada ang motorsiklo niya saka tinulungan ang kawawang lalaki. Nahasa ang abilidad niya sa self-defence dahil tinuturuan siya ni Agnes. Hinaklit niya ang balikat ng lalaking sumusuntok sa biktima. Nang pumihit ito paharap sa kanya ay sinuntok niya ito sa mukha.
Sinipa naman niya sa sikmura ang isang lalaking pipigilan sana siya. Nabaling sa kanya ang atensiyon ng lahat. Pinagtulungan siya ng mga ito. Nahirapan siyang labanan ang lalaking may hawak na kutsilyo. Maliksi itong kumilos. Nang tinamaan siya ng paa ng isang lalaki sa sikmura ay napahiga siya sa sahig. Aapakan pa sana siya nito sa tiyan ngunit gumulong siya. Tinadyakan niya sa pagkalalaki ang isa. Namaluktot ito.
Mabilis siyang bumangon at sinalubong ang isa pang lalaki na balak siyang suntukin. Sinipa niya ito sa dibdib. Tumalsik ito. Ngunit may lalaking gumapos sa kanya mula sa likuran. Hindi siya nakapalag nang sugurin siya ng lalaking may hawak na kutsilyo.
Natulala siya nang makilala niya ang lalaking binugbog ng lima. Si Hunter! Nakabangon na ito, na siya palang biktima ng mga barambadong lalaki.

Taming His Elusive HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon